21. -- Si mama ang kasama ko sa prenatal ko ngayon. Hindi kasi pwede si Luhan kasi papasok na siya sa restaurant na pagmamay-ari ng daddy niya. "Mama, baka nagugutom ka na po," sabi ko kay mama habang nakaupo kami sa bleachers sa lobby ng clinic. "Ayos lang ako, anak. Ikaw? Baka nagugutom na 'yang apo ko sa tiyan mo." Ngumiti ako kay mama saka umiling. "Marami po ang breakfast ko kanina kaya busog pa po ako, ma!" tugon ko sabay sandal ng ulo ko sa balikat ni mama. "Kumusta naman ang buhay may asawa, anak?" bigla ay tanong ni mama. Napaayos ako ng upo. "Mabuti naman po, ma. Hindi naman po kami kailangan na mag adjust sa ugali ng isa't-isa since two years na rin naman mula no'ng nagsimula kaming magsama." "Mabuti kung gano'n. Sana lang ay hindi magbago ang pakikitungo ni Luhan sa 'yo

