22. -- Maagang nagkaroon ng bisita si Baby Cede. Alas siyete pa lang ng umaga ay naroroon na ang mga magiging ninong at ninang niyang sina Betty, Kreamy, Samuel, at Kalik. Tulog si Luhan nang dumating sila kaya hindi na rin namin siya ginising. Nasa sofa siya katabi ang de gulong na lalagyan kung saan naroroon si Baby Cede at mahimbing din ang pagkakatulog. Alas singko ng umaga nang nagsimula silang matulog at hanggang ngayo'y hindi pa rin nagigising si Baby Cede na s'yang ipinagtaka ko. Ilang sandali lang din ay dumating na rin sina mama at Elisha. "Ma, hindi pa po nagigising si Baby Cede. Alas siyete na! Hindi ba po dapat gumising siya ng alas sais? Alas singko kasi siya natulog." Nagkatinginan naman si mama at Elisha saka sabay na natawa. "Huwag mong tatawanan ang ate mo. Magkakag

