Letcheng lalaking iyon! Mukhang hindi lang mayabang, mapang-asar pa!
"Grabe! Tinambakan agad tayo sa FABM na yan!”
reklamo ni elle sa akin.
Recess ngayon kaya naman nasa Canteen kami kasama ang iba naming kaklase.
“Hindi lang sa FABM, isama mo na rin ung Applied Economics huhu..” sabi ni Erika, yumuko pa siya pagkatapos niyang sabihin.
Paano, tinambakan kami agad ng activity, may short quiz pa bukas. Gustuhin ko mang maging kaparehas ang reaksyon ng iba, hindi ko magawa. Tapos na kase ako sa FABM. nakuha ko na iyong subject na yun sa dati kong school. While Applied Economics naman ay easy na lang sa akin dahil nag advance study ako.
"Buti ka pa, Denim.. Wala kang gagawin sa FABM huhu.. ” dagdag pa ni Erika. umiling ako.
“Kayo ang mabuti pa, Ang pasok niyo ay 12:30. ako need ko pumasok ng 9:30 am para pumasok sa dalawa kong subject. ” ani ko. Lahat sila napatingin sa akin.
“Hala weehh?” sabay sabay nilang sabi.
" Oo, e.”
“Press, dito!” biglang sigaw ni kyle na kasama namin. Napatingin tuloy ako sa tinawag nya.
Paglingon ko nasalo ko na naman ang mga tingin niya. ngumisi tuloy ang loko.
Crush ko sana ‘to kung hindi lang mayabang e!
“Ang pogi ni press, ‘no?” kinikilig na bulong ni Elle sa akin. napairap ako at umismid.
“Parang ‘di naman..” sagot ko sa kaniya. tumawa siya sa sagot ko at kumain ulit.
“So, pres. Ano balak natin this year?” tanong ni Erick. Sumulyap ako sa lalaking umupo sa mismong harapan ko. Tumingin muna siya sa akin saglit bago niya sinagot ang nagtanong.
“I don't know. Kakaumpisa pa lang ng klase. But for now, unahin muna natin kung sino ang magiging Vice President and Secretary.” aniya
blablabla..
Umirap ako, bakit ganun, may epekto siya sa akin?
“Sabagay, nag transfer pala sila Iya. wala na tuloy tayong V president.” sabi ni erika. “Pero okay lang! di ko naman naramdaman ang pagiging vice president niya e. All this time naman, si Pres lang ang gumagalaw.”
“Totoo!” sabi ng kung sino. Natawa tuloy ung lalaking nasa harap ko.
“Not true, may nagagawa naman siya kahit papaano.” sabat niya.
Nagtikhiman tuloy sila.
What was that?
“Ayie, Baka totoo ung balita na may gusto ka kay Iya, ah?” nang-aasar na tanong ni kyle.
Tumaas ang kilay ko sa narinig.
"Baka kayo na, Pres?” tanong pa ng isa sa kasama namin.
Oh.. may girlfriend pa ata ito?
Sumulyap saglit ako sa lalaking nasa harap ko. eto at nakatingin na naman siya sa akin na nakangiti.
Putcha.
“Kapatid ang turing ko sa kaniya..” aniya habang nakatingin sa akin, na para bang nagpapaliwanag siya sa akin. Gulat naman akong umiwas ng tingin.
“Gusto mo?” biglang alok ko kay Elle ng biscuit.
“Ayoko na, kanina pa ako panay kain, busog na nga ako e.” hinihimas niya pa ang kaniyang tiyan habang ginagawa iyon.
Tumawa ako at kinain na lang ang biscuit.
Mabuti at nagkaroon ako ng mga kaibigan agad. Hindi sila mahirap pakisamahan, friendly pa nga itong mga kasama ko. Anim kami ngayon sa table. isa si Erika na kumakain pa rin, si Kyle na kinakausap ang ‘pres’ nila. si Erick na kumakain din (Kakambal ni Erika) gulat pa nga ako kanina, ngayon lang ako nakakita ng twin na magkamukha talaga. parang girl version si Erika ni Erick, tapos boy version naman ni Erick si Erica. As in, magkamukhang magkamuka sila. Parehas pa silang Half! ang pinagkaiba lang ang Height. Mas matangkad si Erick kaysa kay Erika.
Wala na naman sa sariling tumingin ako sa lalaking nasa harapan. Kumakain siya ngayon ng Spaghetti, maingat niya kinakain un. Malinis din talaga siya tignan sa suot niyang uniform. Wala kang makikitang gusot kahit isa.
Okay, okay!
Crush ko siya. Nagkakagusto talaga ako sa lalaking malinis sa sarili nila. Big check para sa akin iyon!
Shempre, malinis ako sa sarili ko. alangan naman magkagusto ako sa mga dugyot na lalaki?
Sa kakatingin ko sa kaniya, tumingin din siya sa akin. At ayan na naman ang ngisi niya.
“You know what, kanina ka pa sa jeep.” biglang sabi niya. umuwang ang labi ko. “Kanina ka pa panay tingin, nahulog ka na ba agad?” dagdag niya. Nainis naman ako agad!
“Excuse me?” nahihiya at naiinis kong sabi! nakatingin ang mga kasama ko sa akin.
“So nagkita na kayo kanina?” sabat ni elle.
“No!”
“Yes.”
sabay na sabi namin ng lalaking nasa harapan ko.
"Huh?” litong tanong ni elle. Umirap ako at nag buntong hininga.
" Oo, oo. nagkita na kami kanina. Nagkasabayan kase kami kanina sa jeep.” pag amin ko.
"At excuse me? What do you mean na nahulog na ako agad ?” baling ko dun sa mayabang!
“What, hindi ba?” nakangisi niyang tanong!
Ano ba nginingisi neto? kanina pa siya! Naasar na ako, arghhh.
“Kaya lang naman kita tinitignan kanina kase gusto ko sumabay sa ka schoolmate ko, okay?” pag dedepensa ko. “Hindi ko alam kung saan lusutan kase nag tricycle kami nang nag enroll ako.”
umismid ako pagkatapos ko magsalita.
Ang yabang niya!
" Hahaha.. relax. Nagbibiro lang naman ako e, init agad ng dugo mo, Ms. Sungit.” inirapan ko na lang siya sa sinabi.
"Bili lang ako biscuit.” baling ko kay Elle. hindi ko na siya inantay pang magsalita. Tumayo na ako at naghanap kung anong pwede kong bilhin.
Habang naghahanap ako, di mawala ang napag usapan namin kanina.
Mayabang talaga ang lalaking iyon! Nakakaasar siya!
Pinilit ko alisin un at nag focus maghanap ng makakain ko. Gusto ko ng palitaw, meron kaya sila nun?
"Excuse me po, may palitaw po kayo dito?” pagtatanong ko sa isang cashier.
“Oo, doon sa pinakadulo.” masungit at nagmamadaling sagot niya.
Hindi na tuloy ako nakapag thank you kase umalis siya.
Agad naman akong pumunta sa dulo na sinabi niya. At meron nga! may palitaw nga!
Kaso medyo mahaba ang pila.
Pumunta na ako sa dulo ng pila para makabili.
Maliit lang ang canteen nila, pero hindi naman din super liit. Siguro tama lang. kahit na ganun, marami silang benta. May mga biscuit, drinks, Spaghetti, siomai, siopao, turon, lumpia, palitaw at iba pa.
Ang problema lang, siksikan kami sa canteen kapag umpisa ng recess, doon ko na nafe-feel na parang ang liit ng canteen, kahit hindi nmn super liit ito. Maluwag naman kapag medyo patapos na ang recess, katulad ngayon. pero may pila pa rin.
“Bakit ang sungit mo?” muntikan na ako mapatalon sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko. Lumingon ako sa kaniya, nagtama agad ang tingin namin.
"Bakit ka ng gugulat, ah?” inis kong tanong sa kaniya.
Ano ba naman itong lalaking to, parang kabute! bigla na lang sumulpot sa kung saan!
"Ang ganda mo lalo sa malapitan..” parang wala sa sarili niyang sabi. Nanlalaki ang mata ko.. ganun din siya.gulat sa sinabi.
"Kaso masungit, ” dagdag niya ng makabawi.
Aba't!