Kabanata 3

571 Words
Bakit kaya kapag hindi na kayo magkaklase ng dati mong kaklase at naging kaibigan mo na rin, Mabilis silang makalimot? Na para bang hindi kayo magkakilala? na parang hindi kayo sabay nag recess. na parang hindi kayo sabay sabay umuwi. Nakakalungkot man isipin, pero may mga ganun talaga. Katulad ngayon, nasa SM ako para bumili ng kung ano.. nang makita ko ang dati kong kaklase, alam kong nakita rin nila ako. pero hindi nila ako pinansin. At masakit iyon. "Pauwi na po ako la” sagot ko kay lola ng tumawag siya. “Sige, ingat ka ha. baka umulan ngayon.” sabi nya. "May payong po akong dala la, wag po kayo mag alala.” paninigurado ko sa kaniya. Nag bye na lang siya sa sinabi ko at binaba ang tawag. Naglakad na ako palabas para sumakay na ng jeep. Si lola kase ang nag aalaga sa amin ngayon, may trabaho sila mama at papa, un nga lang gabing gabi na silang umuwi. maagang maaga naman sila umalis, kaya hindi namin sila gaano nakakasama o nakakausap. Pagkauwi ko, nagpahinga at naligo na ako para matulog. Hindi na ako kumain dahil tapos naman na. "Mag sleep na po ako la, night po.” sabi ko kay lola bago ako tumaas. "Sige na, goodnight din.” Pagkapasok ko sa kwarto ko, bumungad sa akin ang lamig ng silid. May kaya kami kaya noong grade 11 ako, sa private ako nag-aral. Pero habang patagal, parang nanghihinayang ako sa laki ng tuition na binabayaran. at isa pa, ibang iba ang school ng private sa public. simula kinder kase ako hanggang mag grade 10, sa pub school ako nag aral. sabi kase ni mama para masanay kami na. ayaw niya raw kase lumaki ang ulo namin. Naiintindihan ko un, kaya naman nang mag private ako, di ako sanay. nakakalula pati ang tuition doon! ••••••• Araw ng martes, pasukan ulit shempre. Dali dali na ako kumilos. Hanggat maari ayokong ma late. Importante sa akin ang oras. “La, aalis na po ako.” paalam ko kay lola, di ko na narinig ang sinabi niya dahil mabilis na ako umalis. “Good Morning po, Ma'am Diaz.” bati ko ng makarating na ako sa school. saktong pag punta ko ng faculty ang paglabas din ni ma'am. "Oh, Villarreal. aga natin ah?” nakangiting bati ni ma'am. Ngumiti ako. “Ayoko po kase ma late ma'am.” "Ano ka ba, kahit ma late ka ay ayos lang. basta makapasok ka pa rin. Kawawa ka nga dahil may pasok ka pa ng hapon e.” si ma'am habang naglalakad na kami sa room na papasukan ko. “Okay lang po ma'am, sanay po ako.” Ngumiti na lang si ma'am sa sinabi ko. "Hello ma'am, fresh niyo today ah?” bati ng isang estudyante ng may madaanan kami. Estudyante niya ito panigurado. “Ah, so kahapon hindi?” mataray kunwari na sabi ni ma'am. tumawa tuloy ang kaniyang kausap. “Hindi ma'am! araw araw ko fresh.” bawi niya Tumawa si ma'am doon at pabirong hinampas ang estudyante nya "Ikaw talagang bata ka, sige na. May klase pa ako.” pag paalam ni ma'am sa kausap. Naglakad kami ulit sa dulo ng 2nd floor. " Dito ka na agad dumiretso ha?” baling sa akin ni ma'am. tumango ako sa sinabi nya. “Okay po,” buti na lang sa second floor lang to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD