Claire's POV Halos isang oras na kong nakatitig sa pintuan ng coffee shop. Bakit wala pa siya? Sigurado akong ganitong oras ang napagusapan naming pagkikita. Tumingin ako sa wristwatch ko. Mukhang hindi na siya darating. Bumuntong hining ako at akmang kukunin na ang bag ko para tumayo pero natigil dahil sa biglang pagpasok ng babaeng nakasuot ng isang eleganteng damit. "Tamara." I murmured. She's really gorgeous. Walang sinumang hindi mapapatingin sa ganda niya tulad ngayon, halos lahat ng taong dinadaanan niya nakatingin pero diretso lang ang mata niya sa may pwesto ko. Umupo siya sa harapan ko na blanko lang ang maganda niyang mukha. Ito ang unang beses na makakausap ko siya. Alam kong best friend siya ni Mariev. Nakilala ko siya sa dapat kasal ng isa pa nilang kaibigan, Elaina

