Hinayaan ko lang na guluhin ng hangin ang buhok ko habang nakatanaw sa mga batang maingay na naglalaro hindi kalayuan sa lugar ko. Nasa ilalim ako ng malabong na puno at kasalukuyang nakaupo sa may kalakihang bato. I wish I was young as them.. Iyong walang iniisip.. yung hindi pa nakakaramdam ng sobrang sakit.. yung palagi lang masaya.. Hanggang kailan ako mananatili dito? Halos isang linggo na ako dito sa Sta. Aurela. Ito ang nag-iisang lugar na pumasok sa isip ko ng mga oras na gusto kong lumayo. Ito ang lugar na walang nakakaalam. Ang pamilya ko at maging sila Tamara ay hindi alam ito. This place was introduced to me by Usell, a college classmate. Siya ang naging kasama ko sa isang proyekto sa isang minor subject noon. We were asked to have our travel essay. And basically, w

