Naging tahimik ang lahat halatang nagulat sila sa sinabi niya. Nanuyo ang lalamunan ko sa sobrang bigla. Para akong mauubusan ng hininga dahil sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko. "M-My daughter?" si Dad na hindi makapaniwala. "And, this man.." muli niyang sinulyapan ang mga litrato. "Yes, Tito. I'm very sorry about that." muling natahimik ang lahat. Ramdam ko sa likod ko ang init na nagmumula sa dibdib niya. Ang kaninang panginginig at kabang nararamdaman ko ay unti unting nawala. Kung hindi siya dumating ay baka mahimatay ako sa sobrang tensyon at hindi makapaniwalang ekspresyon mula sa pamilya ko. "Then why you didn't bring her here, Zandro? Bakit sa hotel mo pa siya dinala?" ngayon ay muling bumalik ang kaseryosohan sa boses ni Dad. Mukhang tuluyan nang nakabawi sa nalaman. "

