We had a good dinner last night. Walang tigil ang pagbibiro at papuri ni Dad sa mga niluto ni Mommy. Parehas lang kaming tumatawa sa mga kalokohang kinukwento ni Dad. At tulad nga ng pinangako ko, sa mansyon ako natulog dahil inaasahan namin ang pagdating nila Kuya Marco. Pagkagising ay agad akong naligo at nag-ayos para bumaba. "Good morning, sweetheart." bati ni mommy nang makita niya akong pumasok ng kusina. Muli ay abala nanaman siya sa pag-aayos ng almusal. "Morning, Mom. Si Dad.?" tanong ko nang humalik ako sa pisngi niya. "I'm here, baby girl." sagot agad ni Dad na saktong pumasok din sa kusina. Pinatakan niya ako ng halik sa ulo bago yumakap kay Mom na tapos na rin sa pag-aayos ng almusal sa mesa. Napailing nalang ako. Such a lovely couple. "Wala pa sila, Kuya Marco?" mul

