"Marry me.." Did I hear it right? "W-What?" tanong ko dahil baka mali lang ang nadinig ko. "Marry me, Mariev." sagot niya. Nasa mukha niya ang kaseryosohan sa sinabi niya. He wants me to.. to marry him? Hindi ko tinanggal ang titig ko sakanya naghihintay na sabihing nagbibiro lang siya pero lumipas ang ilang segundo ay mukhang seryoso nga siya lalo na sa paraan ng titig niya sakin. "You're kidding me.." I said while shaking my head. Unti unti akong sumandal at umayos sa sariling upuan. Kinagat ko ang pang-ilalim na labi para pigilan ang gustong kumawala dito pero hindi ko din natagalan. I burst into spontaneous laughter. "Oh my Goodness!" napapikit ako sa pagtawa ko. Hindi ko alam kung kailan ako tumawa ng tulad nito dahil lang sa isang biro. Tumingin ako sakanya na tumatawa parin

