I slowly open my eyes. The light coming from my window is so warm. I smile as I tried to cover my eyes with the back of my hand. I love this kind of feeling.
Nanatili ako sa ganoon posisyon hanggang sa nagpasya ng tumayo. Mas lalo akong napangiti ng makita ang magandang kalangitan sa bintana. It's been a long week for me, at sa wakas ay nagkaroon ako ng pahinga.
Ilang minuto pa ang pinalipas ko bago magpasya maligo. Mabagal ang mga kilos ko lalo pa wala naman akong alam na pupuntahan ngayon. Abala din sila Elaina at Tamara sa mga sariling buhay. Habang wala din sila Mommy sa bahay dahil may binistang kaibigan.
I sighed. It's my rest day but I still want to make it productive.
Kaya naman natagpuan ko nalang ang sariling nasa kama matapos kunin ang laptop. I turned it on and started to check some of my emails.
Karamihan sa mga tiningnan at pinag-aralan ko ay ang mga nanggaling sa mga designers, drafters, and model makers. I studied their ideas in sketches and diagrams, some prepare blueprints of the designers' plans, and the models of build pieces of furniture.
Usually, the models are shown to us, to the managers, for our approval and to the engineers who plan the mass production of that piece of furniture. Kahit na nakita ko na ang mga ito ay kailangan ko pa din ikunsulta sa ibang managers at lalo na sa mga manufacturing engineers.
Tapos na ako sa isang design nang mapansin ko isang hindi kilalang email na ngayong araw lang din ang petsa ng pagkapadala.
The sender is unknown. "Weird.." I whispered before I opened it. Pakiramdam ko nawalan ako ng dugo sa buong katawan nang makita ang laman nito.
Mga litrato na halos pamilyar sa akin. Ang damit kong suot, ang lugar at ang kuwarto na kinamulatan ko ng araw na iyon.
Nanginig na inisa-isa ko ang mga litrato. Sobrang lasing ako at may lalaking hawak ako. Malinaw kong nakikita ang sarili sa bawat litrato pero ang lalaki na may medyo mahaba ang buhok ay hindi man maaninag sa mga litrato.
Hindi lang sa hotel ang mga litrato, meron din sa loob ng kwarto. Tuluyan na akong nanlamig nang makita ang isang litrato ay nakahiga ako sa kama habang ang estrangherong lalaki ay nakahawak sa balikat ko.. nakayuko at nakalapat ang mukha sa akin.
Parehas na hindi kita ang mukha namin. Did.. he just.. Damn!
From: Unknown
Subject: Unknown
To: Mariev Leigh Lamaitre
'Sending these pictures to your brother now.'
There were attached files from it. The sample pictures and a brown envelope. Ito ang sa tingin ko ipapadala niya.
Mabibigat ang hininga at halos nanginginig na lumabas ako ng condo! Hindi na ako makapag-isip ng maayos! Ang tanging alam ko ay hindi pwedeng makita ng pamilya ko! Lalong na ni Kuya Marco!
Sino ang lalaking iyon?! Bakit niya ginagawa ito?! Anong dahilan bakit niya ako pinapahamak?! Nangilid ang luha sa mata ko habang nagmamaneho.
Hindi ko magawang isipin ang magiging dissapoinment na makikita ko kila Mommy at Kuya Marco kapag nakita nila ang mga iyon!
Sa tanang buhay ko hindi ako nakapagmaneho ng sobrang bilis, ngayon nalang. Mabilis kong tinakbo ang papasok sa loob ng kompanya namin.
Hindi ko na nagawang batiin pabalik ang mga empleyado sa pagmamadali kong umakyat papunta sa opisina ni Kuya Marco. Nang makatapak sa tamang palapag napansin kong wala si Tina sa mesa niya, his secretary.
Ang isipang nasa loob na sila ng opisina ni Kuya ay mas nagpakaba sa akin. Malalaki ang hakbang na tinungo ko ito at walang sabing binuksang ang pinto.
Sumalubong sakin si Tina, at ang hindi inaasahang lalaki. Parehas silang napatingin sakin pero agad dumako ang tingin ko sa kamay ni Tina na inabot ang pamilyar na brown envelope kay Zandro.
"Miss Mariev?" si Tina pero hindi natanggal ang tingin kay Zandro na may hawak na ng envelope.
"W-What are you doing here?" kusang lumabas ang tanong na iyon sa bibig ko. After almost a week, we meet again. Anong ginagawa niya dito? So, he is really part of our company, huh?
"Meeting.." simple naman niyang sagot at bahagyang pang itinaas ang isang kilay sa akin. He's wearing a formal three piece suits with well-fitting design. It made him look darker and hotter.
The hell, Mariev?! Hindi iyan ang pinunta mo dito!
"Ah Miss Mariev your brother is not yet here. They just ended the meeting with board members. Nagpaiwan muna siya sa conference room sandali para kausapin si Mr. Galermo. Pahintay nalang din siya dito kung siya ang sadya ninyo, Miss Mariev." mahabang sabi ni Tina bago ngumiti at lumabas na ng opisina kaya naiwan kaming dalawa.
Bumilis lalo ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa hawak niya na envelope o dahil sa paraan ng pagkatitig niya sa akin.
Lumapit ako sa pwesto niya. Mukhang kakatayo lang niya sa couch kaninang pagpasok ko. Siya ang tumanggap ng envelope! Kailangan ko lang makuha sakanya ito!
"W-What's that?" kunyaring tanong ko sakanya kahit pa alam ko na ito.
"Oh? This one? I don't know. According to Marco's secretary someone delivered it for him. Ako nalang ang mag-aabot pagdating niya." nanuyo ang lalamunan ko.
"A-Ako na ang magbibigay sakanya." sabi ko at mabilis na kinuha ito sakanya.
Dahil sa pagiging agresibo ko sa paghablot ay biglang nabuksan ang envelope at nalaglag ang mga litrato. Nanlaking matang napasinhap ako at mabilis na pinulot ang mga ito.
"What are these?" rinig ko pang sabi niya at nagsimula ding pulutin ang ibang litrato.
Halos sabay kaming tumayo nang mapukot lahat. Agad dumako ang mata ko sakanya nang titigan niya isa isa ang mga litratong hawak.
"G-Give it back!" sinubukan kong kunin ang mga litratong sakanya pero mabilis niya itong itinaas habang tinitignan pa din.
"That's why you look uneasy, huh?" bato niya sakin habang pilit ko pa rin inaabot ang mga ito sakanya.
"Give it to me!" ngayon mas naging desididong makuha sakanya ang mga litrato. Dahil sa matangkad siya ay wala akong pagkakataon na makuha ito kung hindi niya ibibigay.
Natigil kami parehas sa ginagawa nang marinig ang boses ni Tina na parang may kausap at pabalik na dito. Si Kuya Marco!
Mabilis kong inilagay sa bag ko ang mga litrato kasama ang envelope. Bago pa tuluyang makapasok si Kuya sa loob nakita kong inilagay din ni Zandro sa loob ng suit niya ang iilan.
"Mariev?" muling bumaling ang tingin ko sa pinto nang pumasok si Kuya. "What are you doing here?" kunot noo niyang tanong bago napasilip din sa may likod ko, kay Zandro.
"U-Uhm.. W-Wala kasi akong magawa Kuya kaya naisip kong sumaglit dito." palusot ko habang ramdam ang bawat tahip ng puso ko.
"Really?" nahihiwagaan niyang balik. "Dapat ay nagpapahinga ka or something. Rest day mo ngayon." patuloy niya na agad kong hinanapan ng sagot.
"Y-Yeah. That's what I'm thinking. Bumisita lang ako at balak ko din talaga kumain sa labas at mamasyal." pinilit kong kalmahin ang sarili.
"Is that so? Well, you want to join me and Zandro for lunch?" si Kuya ulit pero may inihadlang si Tina.
"Sir Marco I would like to inform you about your lunch with Mr. Tablinga. It was reschedule today. I already received a call from his secretary confirming it. And after that, you also have the schedule for your wife's check-up." his secretary again.
"Oh yeah! I forgot that lunch already!" my brother exclaimed then pinched the bridge of his nose. Nang muling tumama ang mata niya sa direksyon namin ay may kasawian na doon. "Sorry, Zandro. May schedule pa pala ako."
"No worries, Marco. Go ahead. Let's just talk about the business proposal if we got more time." rinig kong sabi ng nasa likod ko. Paumanhing ngumiti si Kuya sakanya bago muling tumingin sakin.
"Sorry, sweetie. Hindi rin kita maisasama ngayon. Your brother is busy." pagbibiro niya pero halata ang pagkakadismaya.
"It's okay, Kuya." sagot ko sakanya ngayon ay medyo kumakalma na.
"If you want you can join me instead, Mariev." muli akong kinabahan sa sinabi ni Zandro. Napatingin ako sakanya at nakitang may kakaiba siyang pinapahiwatig doon.
"Zandro is right, Mav. Sakanya ka nalang muna sumabay." segunda ni Kuya Marco. He really trust this man. Naisip ko kung gaano na nila katagal kakilala ang isa't isa.
Sa huli, sumang-ayon nalang din ako. Hindi dahil sa gusto kong makasama siyang mananghalian! Gusto kong makuha ang mga litrato na hawak niya!
Dahil sa parehas kaming may dalang kotse ay sa malapit na restaurant kami pumunta. Pinili namin parehas ang malayo at pribadong parte ng lugar.
Tahimik kaming kumain pero hindi ko maiwasan ang pagtingin sakanya maya't maya. Habang ako na halos hindi makalma siya naman ay imprente lang na nakaupo at kumakain. He looks like he even enjoying his lunch.
Ilang minuto pa ang tiniis ko bago tuluyang natapos at ibigay ang buong atensyon niya sakin.
"Give it back. Sa akin ang mga litratong iyan." matapang kong sabi.
"You're afraid that your brother might see those photos. Why? Sino ang lalaking kasama mo sa hotel na iyon?" halos manlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"Not your concern anymore. Ibigay mo nalang sa akin ang mga litrato at huwag kang magtatangkang sabihin din ito kay Kuya!" medyo tumaas ang boses ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay. "Ibigay mo sa akin ang mga litrato." ulit ko pero mukhang wala siyang balak na gawin ito.
"Not until you tell me who is that man." mariin akong napapikit nang maalala ang dinner namin noong nakaraang linggo. Hindi siya titigil hanggang hindi niya nakukuha ang sagot.
"I don't know, alright?! I received an email regarding these photos. Hindi ko kilala kung sino at ano ang dahilan niya kung bakit niya ginagawa ito! Hindi ko rin kilala ang lalaking kasama ko ng gabing iyan! My family will raise hell if they found out!" that's it! Damn!
"You're in a trouble then." he stated. Ang kaba ko ay hindi mawala dahil alam kong totoo ang sinasabi niya. Malaking problema kaya gagawin ko ang lahat para hindi makita ng pamilya ko ang mga ito. Ano nalang ang magiging sagot ko sakanila? My family is very traditional and conservative!
"Kaya ibigay mo na sa akin ang mga litrato--."
"I can help you." natigilan ako at nanatiling tinitigan ang mata niya. Ganoon din siya sa akin. He darkly gazing at me. Hindi ko alam ilang segundo kaming nagtititigan pero nakakahumaling ang ganda ng mga mata niya.. at ang labi--Mariev!
Tumikhim ako at napakurap sa naiisip. "W-What do you mean?" halos pabulong kong tanong dahil sa sobrang paghuhuramente ng puso ko.
"I can help you. Tutulungan kitang itago ito sakanila. Tutulungan kitang mahanap ang lalaking nagpadala sayo ng mensahe.." he firmly said as his face leaned closer to my face. He licked his lower lip before uttered a word again. "But in one condition.."
Akala ko wala na mas bibilis pa t***k ng puso ko pero nagkamali ako. Halos pigil ang hiningang tumingin ako sa labi niya pero agad ding ibinalik sa madilim niyang mata..
"W-What condition?"
"Marry me."