Alam kong nasa likuran ko siya nang pagbuksan kami ng isang staff ng Croquet papasok sa loob.
"Good evening, Ma'am Mariev.. Sir." bati pa niya na agad ko na lang tinanguan.
Hindi ko magawang ngumiti dahil sa pinaghalong irita at kaba. Hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang mabilis na pagtibok ng puso dahil sa pagsama niya.
Hindi kalayuan ay nakita ko agad sila Tamara na nakaupo at abala sa usapan. Agad naman nila akong napasin nang tuluyan akong makalapit sakanila.
"Hi Mariev! You're lat--." natigil si Tamara sa pagsasalita dahil tumagos ang tingin niya sa likod ko. "Oh.. you're not alone." gusto kong mapangiwi nang makita ang kakaibang tingin nila sa akin.
"Hi Tamara, Elaina.." bati ko at humalik sa mga pisngi nila pero nanatili ang nakakalokong ekspresyon sa magaganda nilang mukha.
Tinaasan nila ako ng kilay habang may pilyong ngiti sa labi. Kilala ko sila! Siguradong hindi nila palalampasin ang tagpong ito.
"Have a seat." muli akong napangiwi nang makitang sa five seater table ang pwesto nila. What is it? Coincidence?
Pumunta siya sa pwestong isa pero medyo may distansya sa akin. Why? Do you want to be near him, Mariev? I mocked myself.
"And you are?" hindi na nakatiis na tanong ni Tamara.
"Good evening. I'm Zandro Montego." Montego? His surname is familiar but I don't know where I heard that. Inilahad niya ang kamay kay Tamara na kaagad naman nitong tinanggap. I secretly rolled my eyes.
"Tamara Villruz, nice to meet you." sagot niya na may pilyong ngiti pa rin sa labi.
"Elaina Lain Cornell, pleasure to meet you." Elaina shook his hand too.
"The pleasure is mine." bahagya siyang ngumiti bago umupo na rin, suplado!
Tumingin ako sa paligid at hindi ko maiwasang humanga. Alice, Elaina's cousin is a chief. Nang matayo ang lugar na ito ay naging isang paborito na rin namin na puntahan.
"So, Saan kayo nanggaling? Wala ka yatang nababanggit sa amin, Mariev?" si Tamara na hindi na natiis ang pagiging kuryoso sa unang beses na may kasama akong lalaki.
Well, hindi ko siya sinama, sumama siya!
Bumukas ang bibig para sana sa sagot pero naunahan ako ni Zandro. "We had dinner." Nanlaki ang mata ko sa sagot niya.
"W-With my family and family friends. The usual dinner, Tamara." Paglilinaw ko na mas ikinangiti lang niya.
"Ow.. I see.." I glared at her and she just gave me a damn innocent smile.
"How's your photoshoot, Tam?" singit ni Elaina. Lihim akong nagpasalamat sa tanong niya. Alam talaga niya kung saan sisingit sa usapan.
"It's done today." Tamara is covering the famous Golden face magazine next month.
"What's your next project?" muling tanong ni Elaina while sipping her wine. "Iyong pinagawa ni Kuya Samuel?" bahagyang nawala ang ngiti niya sa tanong na iyon.
"Nah. For now, I want to have a vacation, Elaina.." nakuha niya atensyon ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko rin magbakasyon kahit isang linggo pero hindi ko alam kung papayagan ako. Maraming dapat tapusing trabaho sa kompanya.
"Saan mo balak magbakasyon?" hindi ko napigilang itanong.
"I don't know yet. Out of the country, maybe." simpleng sagot niya at muling inilipat ang tingin kay Zandro. I saw her smiling at him again. Anong meron sa ngiti na iyan, Tamara?
"What about you, Zandro? Tell us about you. Hindi ka kasi yata nababanggit nitong best friend namin dito. Are you two friends or something? What do you do for a living?" sunod sunod na tanong niya na parang uhaw sa mga sagot.
"I'm running a shipping line, the MSL." halos mapanganga kami sa sagot niya. Hell! That's why his surname is familiar. Montego Shipping Line! The widely well-known company when it comes to shipping cargo through sea routes. At present, this company operations are spread all over the world.
"Wow.." si Tamara na unang nakabawi sa amin. The hell! He owns the MSL? This man is insane!
Wait! Business partners ba sila ni Kuya Marco? O konektado siya sa kompanya namin? I mean.. he's running a shipping company. And we started shipping our products years ago. Hindi ako sigurado pero dahil pamilyar sa akin ang Montego ay nasisigurado kong konektado nga siya sa kompanya namin.
Posibleng may kaugnayan nga siya kaya nandoon din siya sa dinner kanina. Pero kakilala rin niya ang mga Madrino, hindi ba? Kaano-ano niya ang mga ito? Montego ang apelido niya kaya imposibleng pamilya niya. Business partners din? Ah! Oo, girlfriend nga pala niya si Claire, yata?
Ilang beses pa akong napakurap dahil sa nalaman. Hindi na rin ako nagsalita at hinayaan na lang sila Tamara at Elaina na kausapin siya. Mukhang masaya silang nakikipag-usap sa kanya.
Napapailing na kinuha ko na lang ang phone ko, nagsasalita lang ako kapag kailangan.
My eyes is on my phone the whole time. Habang kinakalikot ko ito ay naalala kong hindi pa pala ako nagtext kay Mommy. Kailangan ko siyang padalhan ng mensahe para hindi sila mag-alala. I typed my message to her.
Me:
Mom I'll sleep in my condo. Don't wait for me, Okay? Good night! Give my kiss to Dad. I love you both.
Ilalapag ko na sana ang phone ko sa lamesa pero tumunog ito sa biglang pagdating ng mensahe ni Kuya Marco. Pasimple akong tumingin sa lalaking kaharap ko. He's having a good time chatting with these two gorgeous dolls.
Kuya Marco:
Where are you? Bakit hindi ka pa natutulog? It's already late Mariev.
Hindi siya mahilig sa text at laging tawag ang ginagamit kaya nagtaka akong mensahe ang pinadala niya. He could've just called me.
Me.
Kuya don't worry about me. I'm with Tamara and Elaina here at Alice's place. We're just having a small talk, after this we're off.
I waited to his reply. I can help it! Minsan ko lang na makipagpalitan siya ng mensahe. I chuckled when my phone beeped again.
Kuya Marco:
Are you going home? Kila Mom sa mansyon?
Muli akong nagreply sa kanya.
Me:
Nope. Sa condo ako ngayong gabi. I already texted Mom. Bakit ikaw hindi ka pa natutulog? Gising pa ba si Ate Sheena?
I heard a beeped again.
Kuya Marco:
No. She's sleeping next to me. I'm just reading some reports. Pagkatapos nito matutulog na rin ako. You should go home and rest too.
Mas napangit ako dito. Kaya pala nagtiyaga siya sa mensahe dahil nasa tabi niya ang asawa at natutulog. I typed my last message to him. I don't want to disturb him anymore.
Me:
I will, don't worry about me. Go to bed now, Kuya. This will be my last text. Good night and I love you.
After I sent my last text I put my phone on the table. Nahagip ng mata ko ang nakatitig na si Zandro. Kakaiba ang paraan ng pagtitig niya na nagpakunot sa noo ko. My phone beeped again, I grabbed it and read the new message from my brother.
Kuya Marco:
Okay, I love you too, sweetie. Take care.
Hindi na ako sumagot at inilapag na ito sa mesa. I can still feel his eyes on me! Bakit ganito siya makatitig sa akin?
"Hmm.. this man got it bad, huh?" biglang bulong ni Tamara sa akin pero nanatili ang tingin sa lalaking kaharap.
"What?" bulong kong pabalik sa kanya dahil hindi maintindihan ang sinasabi niya. Pero sa halip na sumagot siya sa akin ay isang nakakalokong ngiti lang ang ibinigay niya. Is she crazy?
Halos dalawang oras din kaming nagtagal sa restaurant ni Alice. I feel so tired and I don't know why. Ang ginawa lang ko lang naman buong gabi ay dinner na kasama ang lalaking ito.
"You're dating someone?" Nagulat ako sa tanong niya na kasalukuyang nasa daan na ang tingin habang nagmamaneho. "How long have you've been dating him?"
My mind wants to argue like why he suddenly asked me about my personal whereabouts. Pero dahil sa pagod na talaga ay hindi ko na gustong humaba pa.
"Two months." I simply answered.
"I see." I heard him but I didn't respond. Hindi naman siya nagtangka pang magsalita at katahimikan lang ang bumalot samin sa buong biyahe. Hindi ko alam kung bakit siya na naman ang naghahatid sa akin pauwi sa condo ko!
Ilang minuto lang ang naging biyahe namin dahil walang traffic. I sighed when I saw the name Horizon, ang gusali kung saan ang condo ko.
Walang ng masyadong tao sa labas nang huminto ang kotse niya malapit sa may entrance. Tumingin ako sa kanya saka nagsalita. "Thank you for the ride. I really appreciate it." pasasalamat ko. Kahit na ayaw kong aminin ay malaking tulong talaga ang nagawa niya.
He just looked at me without saying a word. Isang tingin muli ang ginawa ko sa kanya bago binuksan ang pinto ng kotse pero hindi ito mabuksan. It's locked!
"Is it him?" I frowned.
"Open the door." utos ko dahil mukhang sarado pa ito.
"Is it him?" ulit niya. What? Who what?
"What?" the hell is he talking about?
"Iyong katext mo kanina," madilim niyang sabi na ngayon ay nakatitig na din. Bigla akong napaisip. Katext? Dalawa lang ang alam kong pinadalhan ko ng mensahe kanina. Si Mommy at si Kuya. "Is it him? The man you're dating with?"
I stunned. Why is he asking me that question? "It's none of your business. Open the door!"
"I won't not until you answer my question." What?! This man is crazy!
I sighed. Sinusubukan mas pahabain din ang pasensya. Masyado na akong pagod para makipagtalo ng matagal. I want to rest.
"Alright! It wasn't him, Okay?! It was my brother!" I said trying to breathe. "Happy now? Open the damn door!" I hissed again. I heard him sighed before he smiled. God! What's wrong with him?!
"Good then." Sabi niya saka walang sabing bumaba para pagbuksan ako ng pintuan.
Mabilis akong bumaba at tumalikod na sa kanya pero muli niya akong hinila pabalik. "Ano na naman?!" He's getting into my nerves now!
Tinaasan lang niya ako ng kilay bago may kinuha sa bulsa at ibinigay sa akin.
"Keep it! I don't need your calling card. Ito na rin naman ang huli nating pagkikita." I said with all my confidence.
"Oh trust me, baby. We will see each other again, for sure." I stiffed. Hindi ko alam kung natigilan ako sa sinabi niyang magkikita kami ulit o dahil sa naging pagtawag niya.
Damn! Hindi pa man ako nakakabawi ay nagawa niyang kunin ang purse ko at doon inilagay ang card niya.
"Hey! I told you I don't need your--." I got interrupted when he planted a kiss on my left cheek.
"See you again.." he whispered in my ear before walking back to his car. Naiwan lang ako nakatulala hanggang sa tuluyang pumasok sa sistema ko ang ginawa niya.
"Jerk!" That man is freaking p*****t!