I looked away. I grabbed my wine and sipped with it while waiting for his answer. Sa tingin ko hindi na niya kailangan pa sumagot dahil sa klase ng tingin niya sa katabi ay mukhang may kakaiba dito.
"I actually have someone right now, Tito. Right now, I'm taking it slow." sagot niya sa tanong. See? I was right. Muli akong uminom sa wine ko.
"Just like what I've expected, hijo. Mas hindi ako maniniwala kung wala kang naliligawan." natatawang kumento pa ni Dad.
Hindi pa naman ako nanakakabawi doon nang biglang si Tita Betinna naman ang nagtanong.
"What about you, Mariev? Do you have boyfriend?" muntikan na matapon ang iniinom ko dahil dito. Tumingin ako sa kanya na nakangiti lang sa akin. Natahimik silang lahat at mukhang interasado ang lahat sa sagot ko, maging siya.
May ilang segundo kong pinakalma ang sarili bago ngumiti. "Well, uhm.. I'm dating someone.." wala sa sariling sagot. Oh really now, Mariev? Friends lang kayo ni Jarred baka nakakalimutan mo?
"Well, no question for her. I think it will be a shock if your daughter is not dating someone, Mariella. Men should visit their doctors if they didn't see how beautiful she is." pagpuri ni Tita Betinna sa akin. Ngumiti ako sa kanya bilang pasasalamat dito.
"Hindi mo yata nababanggit sa amin ang tungkol sa bagay na iyan, hija?" Si Dad na seryosong nakatingin sa akin. Bahagya akong napalunok nang mapansin maging si Kuya Marco ay biglang kumunot ang noo at sobra na rin ang pagiging siryoso sa sinabi ko.
"You know that I'm not in the habit of telling this kind of stuff, Dad." sagot ko kahit pa bigla akong nagsisi sa konting pagsisinungaling.
We are not dating. Ilang beses lang kaming lumabas ni Jarred. Sinabi ko lang iyon para may masagot. Isa pa wala naman akong binanggit na pangalan kaya ayos lang siguro.
"Wala naman masama sa dating Fhern. As long she's okay and happy about it, right hija?" muling isang tipid na ngiti lang ang sinagot ko sa kanya.
Bumalik naman agad sa kanina ang usapan matapos ito. Well, maliban kay Kuya na seryoso pa rin ang tingin sa akin.
Ilang oras pang nagtagal ang hapunan hanggang sa wakas ay natapos din. Mataman lang ako nakamasid sa kanila paglabas ng restaurant at naghihintay ng mga sasakyan.
Naunang umalis sila Kuya Marco dahil sa mukhang napagod si Ate Sheen. Huli na nang maisip kong papahatid sana ko sa kanila. Hindi pa nila alam na lakad ko pagkatapos nitong hapunan. Kung magpapahatid ako sa kanila ay out of the way ang resto ni Alice. Shoul I take a cab then?
"It was really a great dinner Mariella. We should do this more often." Nakipagbeso si Tita Betinna kay Mommy na sumag-ayon naman agad sa sinabi ng ginang. Nagpaalam at nakipagkamay na rin si Dad kay Tito Thed. Lumapit si Claire sa akin para magpaalam na din.
"Hi. I hope we could hang out together. Here's my number. Call me anytime you want." Bahagya akong nagulat nang abot niya ang isang card.
"Sure, Claire." tinanggap ko ang bigay niya sa akin. Ilang segundo muli niya akong tinitigan bago mabilis na niyakap. May kakaiba talaga sa kinikilos ng pamilyang ito.
Pagkatapos niya ay ganoon din ang ginawa ng mga magulang niya sa akin. Tinitigan at saka niyakap ng mahigpit. "We will appreciate if you visit us, hija. Of course, if you're not busy."
Tango lang ang naging sagot ko dahil napansin ko ang lalaking nangangalang Zandro na lumapit kay Claire. Mukhang nagpaalam din ito sa kanya dahil matapos yakapin ay hinalikan pa niya ito sa may sentido.
"Rest well. Just call me if you need me." rinig ko pang sabi niya kay Claire na nakangiting tinanguan naman ng isa. Mabilis kong iniwas ang tingin sa kanila.
Sakto naman dito ang pagtunog ng phone ko para sa isang mensahe. Agad kong binuksan ito nang makitang si Tamara.
Tamara:
Where are you? We're here.
I hit my reply to her.
Me:
Coming..
Naging maikli lang ang naging palitan namin ng mensaha bago muling tumingin sa mga Madrino. Isang muling pagpapaalam ang ginawa nila bago sila sumakay sa kotse at tuluyang umalis.
Nang mawala sila ay kaagad kong nilipat ang atensyon kila Mommy. Kailangan ko ng magpaalam sa kanila.
"Mom hindi ako sasabay pauwi. I will meet Elaina and Tamara tonight at Alice restaurant."
"Sa ganitong oras, sweetheart?" tanong ni mommy.
"You don't have your car with you. It's late and dangerous, Mariev." segunda ni Dad. Halatang ayaw ang ideyang aalis pa ako.
"It's okay, Dad. I'll take the cab. Magiging mabilis lang naman kami doon." paninigurado ko sa kanya.
"Delikado pa rin. We don't know people nowadays." pilit niya.
"Dad I can handle it--." and I got interrupted.
"If it's okay I could give her a ride, Tito Fhernon." mabilis akong napatingin sa kanya na agad din sinalubong ng maitim niyang tingin. He's still here? Akala ko umalis na rin siya kasabay nila Claire.
Nakita kong nakatinginan sila Mommy sa kanya. Huwag nilang sabihing papayag sila? Hindi ko naman kilala ang lalaking ito.
"No need. It's okay I can manage--." He interrupted me again.
"I insist." pilit niya na ngayon ay tumingin kila Dad.
"Is it okay with you, hijo?" My eyes widened
"D-Dad I'm really okay taking--."
"Sweetheart kung gusto mong makipagkita sa mga kaibigan mo sa ganitong oras ay sige pero kailangan may maghatid sa'yo. It's for your own safety." umawang ang labi ko sa sinabi niya So, kapag hindi ako sumama sa lalaking ito ay hindi nila ako papayagang umalis? "We will go now. Si Zandro na lang ang maghahatid sa'yo. Mas mapapanatag ako sa kanya kaysa bumyahe kang mag-isa."
Lumapit sa akin si mommy para makahalik sa pisngi ko. "We're doing this for you. Now just obey your father and be safe Mariev. I love you, sweetheart."
"Zandro take care, okay? At salamat na rin sa gagawin mong paghatid sa anak ko. I'll see you again, young man." my Dad smiled before they shook their hands.
"No problem, Sir. I'll surely see you again." ngumiti lang si Daddy sa kanya bago pumasok sa may backseat, katabi ni Mommy.
"Take care.." I whispered before my parents vanished. Ilang segundo akong nanatiling nakatingin sa sinasakyan nila hanggang sa mawala ito. Ngayon kaming dalawa na lang ang natitira.
"Let's go." sabi niya saka na nagmartsa sa direksyon ng isang kulay itim at magandang kotse. Sumunod ako sa kanya pero matapos ang ilang hakbang ay napahinto ako dahil sa naisip.
Mukhang napansin niya ang paghinto ko kaya natigil din siya at tumingin sa akin. Nagtagal ang tinginan namin at medyo kinabahan ako lalo pa nagsalubong ang magaganda niyang kilay. Tumikhim ako at lumapit pa sa kanya.
"Hey, uhm.. I really appreciate your help but I don't really want to bother you. Pwede naman talaga akong magtaxi na lang. Hindi mo na ako kailangang ihatid dahil baka out of way ka or may pupuntahan."
Hindi siya nagsalita at nanatiling nakatitig lang sa akin. Para bang walang narinig o hindi naintindihan ang sinabi ko dahil ang buong atensyon niya ay nasa pagtingin sa mukha ko.
Nakuha ko na ring mailang pero walang kurap ang madiin niyang mata sa akin. Tumikhim ako at muling nagsalita.
"Uhm.. Thanks anyway." umatras ako at akmang aalis na pero kaagad niya akong nahila pabalik.
"Not so fast." napasinghap ako sa biglang pagkakahawak niya sa pulsuhan ko. "Ihahatid kita tulad ng alam ng mga magulang mo."
Napatingin ako sa kamay niya. Hindi man masakit ito pero mahigpit ang hawak niya, tama lang na hindi ako makaalis. Napalunok ako at bahagyang nanginig ang labi sa intensidad ng mata niya ngayon.
"Pwede naman talaga akong--."
"Pinagkatiwala ka ng Daddy mo sa akin. You're my responsibility." I saw him clenched his jaw as he said those words. Does he really need to be like this? Nagtitigan kami at parehas na ayaw magpatalo.
Nakatulala lang ako sa kanya haggang sa hilain niya ako papunta sa kotse niya na malapit na sa amin. Umikot kami sa may front seat at kaagad niya akong pinagbuksan ng pinto. "Get in."
Sa huli wala na akong nagawa kung hindi sumakay. Isinara niya ang pinto bago siya umikot din sa kabila at pumasok.
"Seatbelt." He said when he closed his door. Hindi agad ako nakagalaw dahil sa abala sa bango ng sasakyan. His smell is all over the car, very manly and addicting. Nabalik ako sa kasalukuyan nang akmang lalapit siya para hilain ang seatbelt ko.
"I-I can do it." taranta kong sabi sa kanya. Bakit ba parang sobrang akong apektado sa lalaking ito?
"Where to?" he asked.
"Croquet." simpleng sagot ko sa pangalan ng resto ni Alice. Hindi na siya nagsalita kaya tingin ko ay alam niya ang lugar. Isang malaming na hininga ang pinakawalan ko at nanahimik.
Nanatili na lang akong tumingin sa labas ng bintana. The town is still alive and busy. Napangiti ako, dati pinapangarap ko lang na makita ang kapaligiran pero ngayon pwede ko na rin mapuntahan ng hindi natatakot na baka may mangyaring masama sa akin. I'm really happy that my operation succeeded.
Sana nakilala ko ang taong nagbigay ng mga mata ko ngayon. Ang balita ko ay ang babaeng pinanggalingan ng mga ito ay namatay dahil sa isang aksidente. Kahit ang pamilya niya ay pumunta sa ibang bansa matapos ang libing niya para makalimot. Sana nakapagpasalamat man ako sa kanila bago sila umalis.
Ilang minuto ang biyahe hanggang sa mapansing lumiko na ang kotse niya sa isang pamilyar na restaurant. Inihinto niya ito sa malapit bago pinatay ang makina. Tumingin ako sa kanya saka muling nagsalita.
"Thanks for the ride.." pasasalamat ko pero tumingin lang siya sa akin at walang sabing tinanggal ang seatbelt niya. Lumabas siya ng kotse at umikot para pagbuksan ako ulit ng pinto.
Nagtatanong na tingin ang binigay ko sa kanya habang nanatili lang sa kinauupuan ko.
"After you.." he stated. Huwag niyang sabihin na pati sa loob sasama siya?! The hell with this man?!