Kabanata 4

1681 Words
"Sila ba ang mga anak mo?" Naputol ang tingin ko sa babae nang marinig ang tanong ng lalaki kay Dad. Nasa likuran ako nila Ate Sheena at Kuya Marco. "Yes. This is my son Marco with his lovely wife Sheena," nakita kong nakipagkamay at bumati ang dalawa sa kanila. Humakbang ako ng isang beses para makita rin nila ako. "And.. uh, my daughter Mariev Leigh." "Good evening po. It's my pleasure to meet you." I smiled as I greeted them. Kaya lang, hindi ko alam kung matutuwa ako sa nakita kong reaksyon sa kanila. Mataman lang nila akong tinitigan na parang ngayon lang nakakita ng.. I don't know.. like something rare maybe. Nagulat ako nang lumapit sa akin ang magandang ginang saka hinaplos ang mukha ko. "T-Tita Betinna na lang, hija." Hindi ko magawang tanggalin ang tingin ko sa kanya. I can see something in her eyes, is it.. longing? but for what? Nasa ilang segundo kaming ganoon ang ayos hanggang sa niyakap niya ako. Nararamdaman kong parang yumugyog ang balikat niya pero hindi ako sigurado. Napatingin ako sa babaeng nakatitig sa akin kanina, may luha na rin ang dumadaloy sa maganda niyang mukha. What's going on? "Betinna.." tawag ng matandang lalaki saka hinawakan ang magkabilang balikat niya. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at natulala ako dahil pinupunasan niya ang luha sa mata. Anong nangyayari? Bakit siya umiiyak? "Tito Thed na lang, hija. It's nice to finally meet you." pakilala rin niya habang nakatitig sa mga mata ko. What the hell is happening? "Anyway, this is our daughter Claire." I looked at the girl who still looking at me. Seriously? Hindi ko maintindihan ang pamilya nila. They're so weird! "Hi Claire. How are you?" tanong ko saka ngumiti sa kanya. "H-Hi.. I'm fine." Lumapit pa siya na hindi pa rin tinatanggal ang tingin sa akin. Maya maya pa niyakap din niya ako tulad ng ginawa ng mga magulang niya. Tumikhim si daddy. "Let's have our sits everyone. I'm starving." sabi niya na sinabayan pa ng mahinang tawa. Bumitaw si Claire sa pagkakayakap sa akin pero nanatili pa rin ang titig. Ako na mismo ang umiwas para umupo na sa upuaan katabi ni Ate Sheena. "I want to congratulate you Mariella for your new shop." si Tita Betinna noong nasa kalagitnaan na kami ng pagkain. Ang tinutukoy niya ay ang bagong bukas na flower shop ni Mommy na makikita sa isang mall. My Mom loves flowers, she has a garden in our mansion. Nagpasalamat naman si Mommy at napunta na sa kung saan ang mg naging usapan nila, karamihan tungkol sa negosyo. Napabuntong hininga na lang ako at nanatili lang ang tingin sa kinakain. Lumipas pa ang ilang mahabang minuto ay nanatili lang ang usapan nila, nasasali ako kapag kailangan o may tinatanong. Their conversation is still going on but I decided to raised my head and speak. "Uhm can I excuse myself to the restroom?" paalam ko. Sandaling natigil ang usapan nila dahil dito. May ilang segundong tumingin pa si Mommy sa akin, tinitimbang ang katotohanan. Ang alaala niya noong huli akong ganito ay hindi maganda kaya napataas siya ng kilay sakin. I smiled at her. This time, I really need to use the restroom. "Okay, sweetheart. Hurry back here, okay?" paalala niya na tinanguan ko agad. "Excuse me." ngiti kong palam sandali sa kanila bago tinahak na ang daan papunta sa restroom bitbit ang clutch purse. I thought this night will be a great! Knowing that Ate Sheena is pregnant and they're going to announce it tonight but.. but those people, there is something off about them. Nang makapasok sa restroom ay agad kong ginawa ang pinunta. Nag-ayos na rin ako ng konti hanggang sa maalala sila Elaina kaya nagpadala ako ng mesahe sa kanila. Me: Where are you? Mabilis akong nakatanggap ng reply sa kanila. Tamara: On my way to Alice resto. Elaina: I'm here already. See you. Nang ayos na ay muli na akong bumalik sa mesa namin. Habang naglalakad ay nakatingin lang ako sa paligid pero bumagal ang paglakad ko nang mapansin ang bagong pigura na ngayon ay bumabati sa lahat. Hindi ko siya masyadong nakikita dahil medyo nakatahilid siya.. pero.. sandali.. pamilyar ang likod na iyon. No way! Saktong paglapit ko ay mas malinaw ko na siyang nakita. Paano? Halos napahugot ako ng hininga nang tuluyan nagtama ang paningin namin at ngumiti tulad ng kanina. This man. No freaking way! "Oh sweetheart there you are." kung hindi dahil sa pagtawag ni Mommy sa akin ay mananatili akong natitigilan sa kanya. My heart is beating so hard! Siguro dahil sa gulat na nandito ang lalaking kanina lang ay nakasalamuha ko. Eleganteng naka-ayos ang kanyang buhok kahit may iilang kumakakawala sa gilid ng noo niya. He is now wearing a formal black polo shirt and pants that show off his well-define body. His eyes turned darker because of the pale lights, and his lips.. they were really sensual.. "Mariev.." napakurap ako sa pagkakarinig sa boses ni Kuya. Ang init ay mabilis kong naramdamang kumalat sa buo kong mukha. Damn it, Mariev! Tumikhim ako para itago ang kahihiyan ko sa sarili. Lumapit ako sa upuan ko at napansin kong nakatingin din ang lalaki sa akin. Nakikilala kaya niya ako? "And this is may daughter, hijo. Mariev Leigh." si Daddy kaya muli akong napatingin sa kanya. Nanatili siyang nakatingin sa akin kaya agad nagtama ang mga mata namin. "Zandro Montego. Pleasure to meet you.." may ilang segundo akong napatitig sa inilahad niyang kamay. At dahil ayaw kong madagdagan pa ang kahihiyan ay mabilis kong tinanggap ito. "Mariev, the pleasure is mine." bahagya nawala ang ngiti ko dahil sa kakaibang ngiti niya. Mukhang naalala niya ako! Nanatiling naghuhuramente ang puso ko kahit pa muli kaming bumalik sa pagkakaupo. Dahil sa sobrang okupado sa kilos ng mga Madrino kanina ay hindi ko napansin na pang ten seater ang mesa na nakareserve sa amin. Bago muling nagpatuloy ang usapan nila ay napansin kong umupo siya sa tabi ni Claire, na halos katapatan ko. Kaagad na nakasalubong ang ngiti ni Claire para sa kanya. Inalis ko ang tingin sa kanila at tinuon sa pagkain ko. Nagpatuloy lang sila sa kung anuman usapan nila. Nakikinig lang ako habang nagkukwento si Dad sa mga nangyayari sa negosyo namin nitong nakaraang taon. Lamaitre is in manufacture furniture industry. We offer custom, high-end affordable, and accessible furniture. Matapos ibigay ni Daddy kay Kuya Marco ang negosyo naging mas maganda ito. Don't get me wrong, my Dad is a powerful businessman. Pero noong nagsimulang si Kuya Marco na ang humawak ay parang kung anong mahika ang mayroon siya. The moment he took over the position we started shipping products in a large volumes all over the world. And that's why my brother is really quite scary than my father. I can't imagine his ways. He's a risk taker and.. well, cruel. Business is business to him. At dahil medyo mabigat na ang trabaho sa malaking pagbabago sa kompanya ay tuluyan na si Kuya ang namahala. May edad na si Daddy kaya pagbisita na lang ang ginagawa nila ni Mommy. "Mav try this. It tastes good." bumalik ako sa kasalukuyan nang mapatingin kay Ate Sheena nang may inilagay sa plato ko. I just smiled at her. Ganito ba talaga ang naglilihi? Yup! Ako ang unang nasabihin nila sa pagbubuntis niya isang linggo pa lang ang nakakaraan. Hindi pa alam nila Mommy dahil susopresahin nila ang dalawa ngayon. "Sa ganyang edad ay parehas na kayo ni Marco na matagumpay sa negosyo." rinig kong magiliw na sabi ni Daddy. "Keep it up, young men." "It's such an honor to hear it from you, Tito Fhernon." mabilis akong napasulyap sa kanya. Tito Fhernon? Kilala niya si Dad? "Siguradong namana rin ni Marco ang galing niya sa inyo sa pagnenegosyo, Tito." mas lalo akong naguluhan. Tito Fhernon and Marco? First name basis? The hell? Kilala niya pamilya ko? Halos lahat ng kaibigan ni Kuya Marco ay kilala ko. Hindi man sa pangalan pero sa mukha ay alam ko. Hindi ko alam na kilala siya ni Kuya. "Yeah. Marco is doing great, and I'm so proud of him." Pagmamalaking sabi ni Dad na may ngiti sa labi. "Thanks, Dad. Well, I need to strive harder especially now," tumingin si Kuya Marco kay Ate Sheena. The spark on their eyes. Here it is, the surprise. "..now that I'll be a father soon.." Biglang natahimik ang lahat sa sinabi ni Kuya. Nawala ang kaninang iniisip ko dahil sa sayang naramdaman ngayon. At maging ang mga kasama namin ay mukhang nabigla sa sorpresa nila. "Oh my God! Sheena.. Marco." si Mommy na parang hindi makapaniwala at parang maiiyak.  "Congratulations, honey." mabilis na tumayo si Mommy para yakapin sila Kuya at Ate Sheena. "Pinamumukha mo na talaga akong matanda, Marco! Congratulations, son!" si Dad na kahit nagbibiro ay halata ang sobrang tuwa sa mga mata. "Mukhang kailangan nga natin ipagdiwang ito!" si Tito Thed na itinaas pa ang hawak na baso. "Cheers for this blessing.. Congratulations!" "Congratulations! I wish more happiness for the both of you." si Tita Betinna na malawak ang pagkakangiti. "Thank you,Tito.. Tita." sagot ni Kuya saka hinalikan sa pisngi si Ate Sheena. Palihim na lang akong ngumiti. So whipped, brother. "Congrats for your future baby, Marco." nagkunwari na lang akong walang narinig. I lifted my glass and sipped on it. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kanya at nakatingin din pala siya sa akin. Mabilis kong binawi ang paningin ko. Sa pag-iwas ko ay natuon kay Claire ang mga mata ko. Nakangiti lang siya pero hindi rin nagsasalita. Parehas na napapanis ang laway namin nito. Natigil lang ang pagtingin ko sa kanya nang marinig muli ang boses ni Dad. "What about you, Zandro? You're not getting any younger, hijo. Do you have a girlfriend? Don't tell me you're not with someone. You got the looks and has the means.." bigla akong naging interasado sa magiging sagot niya. Pasulyap kong ibinalik ang tingin sa gawi niya. Hindi ko nagawang tanggalin ang mga mata ko sa kanya lalo pa nang tumingin siya sa katabi niya.. kay Claire.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD