Napabuntong hininga ako na napatitig kay Elaina. She's spacing out. Kanina pa kami magkasama pero napapansin ko ang pagkakatulala niya madalas.
Ang pamilyar na galit kay Nick ay gumapang sa sistema ko. Paano niya nasikmura na magdusa ang isang tao para lang sa kagustuhan niya? Paano niya matatawag na pagmamahal ang mayroon siya kay Elaina? Nakikita ba niya ang naging epekto nito sa kanya? Damn him!
"Elaina.." mababaw kong tawag sa kanya pero nanatiling nakatulala siya sa hawak na straw at wala sa sariling hinahalo ang iniinom. "Elaina.." ulit ko na mas malakas ang boses.
"H-Huh?" doon pa lang siya tumingin sa akin. "U-Uh sorry, Mav. You were saying?" panibagong buntong hininga ang pinakawalan ko.
"Are you alright?" Obviously she's not!
"Yes. May iniisip lang ako." She replied and gave me a faint smiled
After that day in cafe, heto na lang ulit ang muling pagkikita namin. Nang yayain niya akong lumabas kanina ay kaagad akong sumama. Ang sabi niya ay kinausap niya ang abogado ng kanilang pamilya kanina tungkol sa iilang bagay. Pagkatapos ay doon niya ako niyayang mamasyal. I feel like she doesn't want to go home yet so I agreed to her
Tamara wanted to join us too but she's still doing her photo shoot. Kaya nagpasya na lang kami na magkita muli mamaya sa restaurant ni Alice.
"Hindi ba may dinner pala kayo mamayang gabe?" ngayon ay nakatuon na ang atensyon niya sa akin.
"Oo, pero pupuntahan ko pa rin kayo." ngiti kong sagot sa kanya. Ngumiti rin siya sa akin pero alam kong hanggang ngayon nahihirapan siya sa sitwasyon nila ng pamilya niya.
"Thank you. Mav. And sorry if I keep on bugging you." What?
"Are you kidding me now, Elaina? You're not bugging me! I love spending my time with you and Tamara. Don't ever think that again. That's what best friends are for." sagot ko na nagpatawa sa kanya.
Matapos namin sa cafe na iyon ay kumain na rin kami ng tanghalian sa malapit na restaurant. We choose restaurant that serves asian cuisines and we both enjoyed it
Matapos kumain nagyaya naman siyang na magpatreatment. We had our manicures and pedicures. Also, some hair services like cutting, styling and coloring. Tamang tama ito dahil may lakad din kami mamaya.
Sa natitirang oras ay nagawa pa namin magshopping ng mga damit at ilang nagugustuhang gamit. Nang napansin namin na dumidilim na ay doon pa lang kami nagpasyang lumabas na.
"Thank you, Mav. I'll see you again later." paalam niya nang dumating na ang sundo niya. Dala ko ang kotse ko kaya hindi na ako mahihirapan pang magpasundo para umuwi.
"You're welcome, Elaina. See you. Take care." isang halik sa pisngi ang ginawad namin sa isa't isa bago siya tuluyang sumakay ng kotse at umalis.
Nang tuluyang mawala na sa paningin ko ang kotse nila ay saka lamang ako nagpasyang pumunta sa parking lot. Hindi namn ganoon kalayo sa pinagsunduan kay Elaina at sa parking kung saan ko iniwan ang kotse ko. I'm a bit tired but I can still attend our family dinner later.
Dahil papalubog na ang araw ay medyo dumilim ang sa parking lot kaya binilisan ko ang kilos ko. Medyo natigilan pa ako dahil hindi kalayuan sa sasakyan ko ay may dalawang lalaking abalang naglalagay din ng pinamili sa likod ng isang kotseng kaharap nila.
Nagkatinginan kami ng isa sa kanila pero agad ko din inalis nang makalapit ako sa kotse ko Pinatunog ko ito at binuksan ang pinto sa may backseat para ilagay ang pinamili. Pagtapos ay agad ko din sinara saka pumunta na sa pinto ng driver seat at binuksan pero hindi ko ito mahila.
"What the hell?" mahina kong usal nang inulit ang pagbukas ng pinto. What's wrong with my door?
"Is there a problem, Miss?" halos mapatalon ako sa gulat dahil sa pagkakarinig ng boses ng lalaki. Napatingin ako at nakita ang dalawang lalaki kanina hindi kalayuan. Parehas na nakangisi ang mga ito kaya mas nagpursigi akong mabuksan ang pintuan ko.
"N-No. Nothing." I said and tried to open it again. Hindi pa rin ito mabuksan.
"Hey beautiful we can help you. It looks like you're having a hard time--." Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya.
"No. It's nothing serious. I'm alright. Thanks anyway." Nakita kong mas lalo silang napangiti kaya kinabahan na ako.
"Nope, we will help you." Pilit nila saka nagsimulang lumapit sa akin.
"I.. I said I'm fine don't bother--." naputol ang sasabihin ko nang may maramdaman akong kamay na humawak sa bewang ko.
"What's wrong, baby?" nagtaasan ang balahibo ko sa batok ng maramdaman ang init at bango ng hininga ng kung sino malapit sa tenga ko. "Do we have a problem here?" he said dangerously. Akala ko para sa akin ang kalamigang iyon pero natanto kong sa mga lalaki ito.
"W-Wala. Akala namin kailangan ng tulong saka walang kasama." nakita kong ang gulat sa dalawang lalaki na nasa harapan. Tumikhim pa ang isa na parang natakot bago mabilis pa sa hangin na umalis sa harapan namin.
"L-Let go of me." I stammered but I was able to move myself from him. "How dare you to touch--." napahugot ako ng hininga nang maliwanag kong nakita ang mukha niya.
My heart flutters rapidly inside my chest. He's actually gazing at me. I looked up into his intense eyes and our eyes locked. How could it be even possible for someone to have these kind of eyes? He has this deep dark eyes, long eyelashes and thick eyebrows.
Unconsciously, I scanned his appearance. He's tall with more than six two in height. I can see a portion of his brawny chest in his unbuttonend white polo. He has edgy and strong jaw lines, high upturned nose, and.. and.. the most sensual lips I've ever seen.
"I'm afraid I might melt." muli akong napasinghap sa pagsasalita niya. Oh great, Mariev!
"W-What?" I feel so stupid right now.
"You're checking me out." I did! No! Damn! I tried to regain my composure.
"E-Excuse me? I'm not checking you out." I fired back but he just smirked.
"Uh huh.." he sensually hummed. My eyes widened when he made his way towards me.
"W-What are you doing?" tanong ko pero mas lalo siyang lumapit sa akin. Nagsimula akong mataranta sa ginawa niya. Pigil ang hininga ko dahil mas lalo pa siyang dumikit kaya napakasandal na ako sa kotse ko. "H-Hey! What are you doing?"
Hindi ko alam kung may hangin pang nakakalusot sa pagitan namin. Konting galaw lang ng mukha ko at mahahalikan ko siya! This man is crazy! Halos mawalan na ako ng hininga nang bigla kong narinig ang isang tunog sa gilid ko. Unti unti siyang lumayo sa akin nang bumukas ang pinto ng kotse ko.
"You're not checking me out? Alright then." he gave me another playful grinned before he turned his back on me. Wala akong nagawa kung hindi tumitig sa likod niya na papalayo na. He has a sexy back--. What the hell Mariev?!
Pinakawalan ko ang hiningan pinipigilan ko na pala. Pakiramdam ko nanghina ako sa ilang segundong pagtayo ko kasama ang lalaking iyon.
Mariin kong isinara ang mata ko saka muling binuksan. Nahagip ng mata ko ang pinto ng kotse na ngayon bahagya ng nakabukas. Great! Bakit ngayon lang ito bumukas?!
Hanggang sa pagsapit ng gabi ay hindi naalis sa isip ko ang tagpong iyon. "Someone is not in the mood right now." mabilis na nabaling ang atensyon ko sa nagsalita.
"Kuya.." tumayo ako sa pagkakaupo para salubungin siya. Isang mabilis na yakap ang ginawa ko. He looks so handsome with his black polo. Mabilis din nawala ang atensyon ko sa kanya at lumipat kay Ate Sheena.
"Ate! Wow! You're so gorgeous." papuri ko nang yumakap at humalik din sa kanya. She looks sexy with her bloody bodycon dress and high heels. Ate Sheena was famous model before she married my brother. Kaya hindi na ako nagtataka kung bakit agad siyang tinali ni Kuya Marco sa kanya.
"No, sweetie! You're stunning!" uminit ang pisngi ko nang pagmasdan pa niya ako. For tonight, I am wearing an elegant black high neck halter dress and paired it with stiletto.
Nawaglit sa isip ko ang naging tagpo kanina dahil sa naging kwentuhan namin. Nang matapos at handa na ang lahat ay tumulak na din kami paalis.
We rode in seperate cars. Sa kotse nila Kuya Marco ako sumakay, habang si Mommy at Daddy sa isang kotse kasama si Mang Damian na family driver namin. Hindi ko dinala ang kotse ko dahil balak ko ay papahatid na lang kila Kuya Marco sa lugar na pagkikitaan namin nila Elaina.
It took us twenty minutes to finally arrived. Sa isang sikat na restaurant ang naging reservations ng family dinner. Naging malikot ang mata ko nang pagmasdan ang mga detalye ng lugar.
La Quex glows as if fireflies had been released inside. Bright and dim flames cast the kindest possible light. The polished interiors feature a quite intimate, wall-to-wall windows, leather-top tables, exposed wood ceiling beams, and simple swirling decorations. To the side is the cozy bar that can look out onto a lush garden.
"Betinna!" masayang bati ni Mommy sa babaeng kasalukuyang tumayo sa pagkakaupo. Nawala ang atensyon ko sa paligid at tumingin sa masayang ginang na bumeso din sa kanya.
"Mariella! You're still beautiful!" puri ng magandang ginang din kay Mommy. Sa tingin ko halos magkasing edad lang sila ni mommy. May kasama din siyang lalaki na sa tingin ko kasing edad naman ni Daddy.
"Fhern it's been a long time." nakangiting salubong din ng may edad na lalaki kay Dad. Hindi sila pamilyar sa akin.
"Thedeo it's good to see you again." masaya silang nakipagkamay sa isa't isa nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin.
Hindi ko alam pero bigla akong hindi mapakali kaya inilibot ko mga mata ko sa kanila hanggang sa mapansin ang magandang babae na nasa likod noong ginang na nangangalang Betinna.
Suot ang isang dark blue lace tulle ay mataman siyang nakatitig sa akin. Nanatili lang siyang nakatingin kaya bahagya akong ngumiti sa kanya. Nakita ko na halos kontroladong napahugot siya ng hininga. Kumislap din ang mata niya na parang maiiyak habang nakatitig sa akin. Is she okay?