Nalaman ni Kuya ang ginawa kong pagtakas kahapon. Sa totoo lang mas kinakatakutan ko siya kaysa sa mga magulang namin. Mas seryoso at istrikto siya pagdating sa ganitong mga bagay.
"Paano kung may nangyaring masama sa'yo, huh?" mababaw pero madiin niyang asik sa akin habang kumakain kami ng pananghalian.
"We already talked about it, Marco. Nangako naman siya na hindi na mauulit pa." si Dad pagkatapos na uminom. Si Mommy tahimik lang nakikinig.
"Kahit na, Dad. Paano kung may nangyari sa kanya?" patuloy pa rin ni Kuya. Kung hindi pa siya hinawakan ni Ate Sheena, his wife, ay hindi matitigil ang panenermon niya.
"Babe relax, alright? Hindi naman na niya uulitin pa." his wife softly caress his forearm. Mabilis nabaling ang atensyon ni Kuya doon at agad na umamo ang mukha. Agad ko rin kinuha iyon na pagkakataon at magsalita na.
"Sorry, Kuya. Hindi na mauulit talaga. I'm really sorry." Sa huli, isang malalim na hininga na lang ang isinagot ni Kuya Marco.
You got it bad, huh? My brother is so soft when it comes to his wife. Napangiti na lang ako nang kindatan ako ni Ate Sheena, we're ally.
Matapos ng tanghalian ay nanatili pa ng ilang oras sila Kuya. Hindi na sila sa mansyon nakatira simula ng ikasal silang dalawa kaya naman pagbisita na lang ang nagagawa nila kadalasan.
Bago sila umalis ay pinaalala sa kanila ni Dad ang magiging dinner namin kasama ang kaibigan ng pamilya. Hindi na rin naman bago ito sa akin kaya hindi na ako nagsalita at tumango na lang din.
"Behave, alright? I love you." napangiti ako kay Kuya nang makahalik na siya sa pisngi ko bilang pagpapaalam.
"Yes, Kuya. I love you too." I know how much he loves me. He's just really strict.
Nagpaalam at humalik din si Ate Sheena sa akin. "See you soon, sweetie. Love you."
"Thank you, Ate. Love you always." nakangiti kong paalam din sa kanya. She's the only and the best sister-in-law ever.
Nang makaalis na sila ay naging abala din sila Mommy. Dahil wala naman akong ginagawa at medyo pagod pa ay nagpahinga na lang ako sa sariling silid.
Ang pagpapahinga ko ay nagambala lang dahil sa isang tawag na natanggap ko mula kay Elaina. Kaagad akong nataranta dahil sa pagkakarinig ng mga hikbi niya sa kabilang linya.
"Wait for me, Elaina! Papunta na ako!" sa sobrang pagmamadali hindi ko na alam kung paano ako nakapagpaalam at nakapagmaneho papunta sa kinaroroonan niya.
Halos patakbo ang ginawa ko nang pumasok sa loob ng isang kilala cafe. Sa may pribadong parte at walang masyadong tao ko siya nakita. Kaagad kong sinalubong ng yakap si Elaina nang makita ang pamamaga ng kanyang mga mata.
"A-Anong nangyari? Tell me, Elaina."
Nagsimula siyang umiyak sa balikat ko. Nakuha pang dumating din nila Tamara ay hindi pa rin siya nagsasalita. Nang makalma siya ng kaunti doon niya nilahad ang lahat.
"Elaina please calm down." pilit ko siyang pinakalma pagkatapos niyang ilahad sa amin ang nangyari.
"God! I never thought Nick will do that to you!" I looked at Tamara and she's beyond livid. Nasa tabi niya si Francis na isa rin sa mga kaibigan namin. Halos isang oras ang binyahe nila mula sa location ng photoshoot nila para makabalik.
"I-I hate him! I really hate him." Hirap na sabi ni Elaina habang patuloy lang sa pag-iyak. Hindi ko inaasahan na ganito kabigat ang problema nila ng pamilya niya.
Ang kumpanyang itinataguyod at pinaghirapan ng ama niya, sa isang iglap pwedeng na lang mawala. Tanging sila Nick lang ang may hawak para hindi tuluyang mawala ito sa kanila. And Nick blackmailed her! Gusto niya na pakasalan siya ni Elaina! Damn! I hate him! Kinamumuhian ko ang mga lalaking sobrang makasarili gaya niya! I won't dream to have a man like him! They can't just do something against our will.
"That crazy asshole! Gagawin talaga niya ang lahat para makuha ka! I'm going to kill him!" Tamara hissed again.
"Tamara calm your freaking nerves too. Let's think something to solve this." singit ni Francis pero masamang tingin lang ang isinagot ni Tamara sa kanya. Bago pa magbangayan ang dalawa ay kaagad na akong sumingit sa usapan.
"Tahan na Elaina. Wala na ba talagang magagawa? Maybe, we could help you." Sunud sunod na iling lang ang sinagot ni Elaina sakin.
"Nothing, they have like almost fifty percent of our company. At hindi ko alam bakit nagkaganoon. Hindi ko alam bakit hindi nalaman agad ni Daddy. Pakiramdam ko ginamit nila ang pera at impluwensya nila para lang matupad ang gusto niya." Mas lalong lumakas ang iyak niya.
"So, what is your plan? Are you going to marry that psycho?!" muling tanong ni Tamara na halata pa rin ang galit sa magandang mukha.
"I-I don't know. I don't want to marry him.. but what will happen to my family?" Naaawa na ako sa kanya. Alam kong mahal niya ang magulang niya pero hindi niya gusto si Nick para magpakasal dito.
"I will ask my parents to help you, Elaina." saad ko habang hinahaplos ko pa rin ang likod niya. Baka may magawa sila Mommy para matulungan sila.
"Yeah, me too. I'll talk to my brother." segunda ni Tamara. Hindi namin pwedeng basta na lang pabayaan si Elaina. Alam namin na ayaw niya kay Nick. Hindi kami papayag na matali siya sa taong ayaw naman niya simula palang. Walang sino man sa amin na gugustuhing isakripisyo niya ang sarili at magpakasal sa lalaking hindi niya mahal.
Halos ilang oras ang lumipas bago siya tuluyang kumalma.
"T-Thank you. Kung wala kayo hindi ko alam kung anong gagawin ko."
"Elaina we're always here for you, remember that." simula pa noon at hanggang ngayon palaging nasa tabi namin ang isa't isa. Gagawin namin ang lahat para matulungan ang bawat isa sa amin.
Sinundo si Elaina ni Alice, ang pinsan niya para sa kanila muna magpalipas ng oras. Sa tingin ko ay ayaw muna niyang umuwi ngayon dahil sa mga nangyayari.
Ilang minuto rin at nagpaalam na sina Tamara at Francis na babalik na sila sa photoshoot nila. Ayaw na sanang bumalik ni Tamara pero pinilit siya ni Farncis dahil may kontrata siyang pinirmahan na kailangan niyang sundin.
Nagpasya na rin akong umuwi kasunod nila. Sa hapunan iyon ang naging usapan namin ng mga magulang ko.
"Let's see what we can do about it, sweetheart. We will try. Hindi madali pero titingnan ko ang magagawa ko para kay Elaina." malamlam akong tumingin kay Daddy. Masaya na kaagad niyang pinagbigyan ang hiling ko.
"Nakakatakot ang pagmamahal na mayroon si Nick para kay Elaina. It's not healthy anymore." kumento ni Mommy at tumingin sa akin bago kay Dad.
"Yeah. He's a psycho, Mom." mabilis kong ayon kay Mommy. Nagkatinginan silang dalawa. Bahagyang tumikhim si Dad bago muling nagsalita.
"Well, depende na lang din siguro sa tao. Siguro ay talagang mahal na mahal niya ang kaibigan mo. Ang mali lang ni Nick ay sa maling paraan niya gustong mahalin din siya." seryosong sabi ni Dad. I can see something in his eyes but I can't comprehend it.
Tinapos namin ang hapunan sa pag-uusap na lang namin ni Mommy tungkol sa pagpasyal at pagbili ng bagong damit. It's been a while since our last shopping together.
Kaya naman kinabukasan, natagpuan ko na lang ang sariling kasama siya sa isang mall. "What do you think, sweetheart?" malawak ang ngiti niya habang hawak ang dalawang damit na nagustuhan. "Which one?"
I smiled at her. Seeing her is like seeing myself. I almost inherited all my traits to her, I am her replica and I love it. I love our brown eyes, raven shiny hair, fair complexion, turned-up nose and heart shaped lips. She looks a bit strict while I look more softer.
"Hmm.." tinitigan ko ang mga hawak niya. Pagdating sa pagbili ng damit ay halos parehas din ang gusto namin kaya gusto niya na kasama ako kapag lumalabas gaya nito. "The red one is more elegant and pretty, Mom."
"Just as I thought." mabilis niyang usal saka agad na binili ang sinabi ko. Habang nagbabayad siya ay inabala ko ang sarili sa pagtingin ng mga damit pero agad din natigil nang makatanggap ng isang mensahe.
Jarred:
Morning, Mav. Are you busy today? How about lunch?
Mabilis na uminit ang pisngi ko sa pagkakabasa ng mensahe niya. Bahagya pa akong nanginig na nagtipa ng sagot.
Me:
Morning. Today? I'm with my Mom. Sorry.
Nang mapadala ang mensahe ko ay nanatili akong nakatingin sa phone para hintayin kung may sagot pa siya. Sa sobrang tutok ko rito ay hindi ko na napansin ang pagdating ni Mommy.
"Is that the man you like, Mariev? Jarred, right?" halos mapatalon ako dahil nasa tabi ko na siya. Nakatingin na siya sa phone at alam kong nakita na niya.
"Mom!" ramdam ko ang mas lalong pagpula ng mukha.
"What? I'm just asking? What did he say?" siya na seryoso na at parang gusto pang sumilip ulit. Kaagad ko itinago ito at hinarap na siya.
"T-Tapos ka na po ba? Let's go to the other boutique, Mommy." sinubukan kong hilain siya pero taas ang isang kilay at hindi nagpatianod sa akin. "What?" tanong ko kahit alam ko naman ang dahilan.
"If you like him then invite him to our house, Mariev. Gusto ko na kami ang unang makilala sa lalaking nagugustuhan mo, kung meron man at siya na nga iyan." istrikto niyang sabi.
"Mommy!" tuluyan na nanlaki mga mata ko. How will I do that? I can't!
"I'm serious Marive Leigh." napapikit na lang ako nang wala na siyang dinagdag pa at tumalikod na papunta sa kabilang boutique.
Hell! I know my family is accommodating and kind but why will I invite him? We're.. We're just friends!
Pinaypay ko ang mga kamay sa mukha bago muling kinuha ang phone para sa panibagong mensahe niya.
Jarred:
Ow okay. We still have next time. Enjoy your day.