I'm the most stupid person.. Matapos kong malaman ang kasinungalingan niya I still find myself standing in front of this house. Ano pa bang ginawaga ko dito?! Malinaw na niloko niya ako.. malinaw na pinaikot niya ako sa kamay niya! Ano ba talaga ang gusto niya?! Bakit nagpakasal siya sa akin? Hindi ko alam kung paano ako nakaalis sa mansyon nila Lala matapos kong malaman ang totoo, sa mismong bibig ni Claire.. Kahit siya alam ang lahat ng ito pero mas pinili niyang maging inosente! Humugot ako ng malalim na hininga at hinawakan ang pihitan ng pintuan saka unti unti pumasok. Unang bumulaga sakin ang iilang kandila na nakahilera at parang daanan papuntang sala. Pinatingkad ang ganda nito ng mga petals ng bulaklak at ang mismomg dilim ng paligid. My throat ached even more.. what is

