Sumakit ang ulo ko sa kakaisip kung paano kumilos sa sitwasyon namin ni Zandro. Umuwi ako ng gabing iyon. Sinubukan niya akong kausapin pero malamig lang ang naging tungo ko sakanya. Nanatili ako sa isang silid at sinarado ko ito. May ilang beses niyang sinubukang humingi ng tawad at gustong mag-usap kami pero sarado ang isip ko. Ang tanging hindi nagpagalit sakin ng sobra ay ang kaalamang hindi niya ako pinilit. Hindi siya gumamit ng spare key para lang pilitin ako. Nanatiling ganoon ang relasyon namin at hinayaan niya ako. He let me but I still hate him. "Mariev." napatigil ako sa paglakad ng maramdamang may kamay na humawak sa akin. Tinignan ko lang siya pero mukhang wala siyang balak na tanggalin ang kamay niya kaya ako na mismo lumayo sakanya. "What is it?" simple kong ta

