Bahagya ng madilim sa labas. Ang ingay at masayang kwentuhan ng mga tao ang sumalubong sa akin. "Nagugutom ka ba, hija?" ngumiti ako kay Manang Helen, may dala siyang mga gamit at mukhang palabas ng masyon. "Hindi ho sisilip lang ho ako sa labas." alam ko kasing may kasiyahan bukas. Sabi ni Manang Helen pasalamat daw iyon sa pagtatapos ng pagtatanim. Hindi ko alam na may ganito pala sa probinsya. Siguro para narin sa mga masisipag na trabahador. "Ah ganoon ba? Halika at sumabay ka na sakin." aniya na agad ko naman sinunod. Mas lalong lumalakas ang ingay habang papalabas kami ni Manang Helen. May nagkukwentuhan, may nag-aasaran, at may nagtatawanan din. Napangiti ako, ganito lang kasimple ang buhay ng mga tao dito. Ang saya lang manatili dito dahil maganda ang paligid, mababait an

