Masayang usapan ang nadatnan ko sa kusina nang makababa ako. "Hija sakto ang gising mo. Halika kaluluto lang ng putong, mainit init pa." si Manang Helen habang inililipat sa plato ang mga puto. Sa itsura at amoy ng mga ito ay mukhang masarap nga. Pagkauwi namin kanina galing Taldawan ay nakatulog ako siguro dahil sa pagod ko sa paglangoy at sa pag-iisp na rin. "Dito na ho kayo maupo, señorita." ngumiti ako kay Melba nang ituro niya ang isang upuan malapit kay Manang Helen. "Salamat." pinagmasda ko sila. Maliban kay aling Manang Helen ay nandito rin sila Melba at Banee. "Nakapagpahinga ka ba ng maayos, hija? Mukhang napagod ka sa pagpasyal natin." si Manang Helen saka ako binigyan ng maiinom. "Oho nakapagpahinga ho ng maayos." nakangiti kong sagot. "Hmm.. si Zandro ho?" gusto kong

