ELARA LACANILAO Tuwing umaga ay para akong laging nanghihina at naduduwal. Maging si Arjhay ay hindi ko na nasasamahan sa agahan dahil hindi ko kayang tumayo. Hindi na rin kami natuloy sa pag punta ng Quezon dahil sa maselan kong pag lilihi. "Mahal, pwede mo ba akong samahan sa banyo?" tanong ko kay Arjhay, kakagising ko lang at ang asawa ko naman ay nagbibihis na para pumasok sa kanyang opisina. "Hon, baka kailangan muna magpa tingin sa OB, nahihirapan ka na. Baka naman may gamot na pwede mong inuman para ma-lessen ang nararamdaman mong hilo at pagsusuka." sabi ni Arjhay. "Ayos lang naman ako, mamaya mawawala na ito. Tumawag ako kay nanay kagabi ang sabi niya dala lang daw ito ng pag bubuntis ko." Sagot ko kay Arjhay. Nakikita ko sa mga mata niya ang labis na pag aalala sa akin

