THIRD PERSON. Masaya ang mag asawa ng malaman nila na buntis na si Elara. "Hon, kailangan din nating sabihin kay Heaven na magkakaroon na siya ng kapatid." Sabi ni Ajhay. "Sigurado ako matutuwa siya kapag nalaman niya na magkakaroon na siya ng kapatid." Sabi naman ni Elara. "Pero gusto ko sana isurprise din natin siya." Muli niyang sabi. Kumuha si Elara ng isang maliit na box at doon niya rin inilagay ang kanyang pregnacy test. Ganun din ang result ng labtest niya na nakalagay na buntis siya. Pagkatapos niyang ilagay sa box ay nilagyan niya na rin ng ribbon, saka sila naglakad papunta sa kwarto ni Heaven. Kumatok silang mag asawa pagtapat sa kwarto ni Heaven saka nila ito binuksan. "Mommy, Daddy, why are you here?" Tanong sa kanila ni Heaven. "Baby, may gift kami sayo ng Dad

