ARJHAY SAAVEDRA Wala akong nagawa nang pinatulog ako ni Elara sa guest room. Natatawa lang ako; yung dating pinagtatawanan ko na sina Kuya Troy at Kuya Ethan na laging pinapatulog sa guest room at condo nila, na pinagtatawanan ko dati, ay parang ganun na rin ako sa kanila ngayon. Totoo nga ang sabi nila, mukang kailangan ko ng magpa member sa kanila. Napapailing na lang ako, hindi ako makapaniwala na dito ako sa guest room natulog kagabi. Tumayo na ako sa kama at naligo sa banyo, mabuti na lang at meron din akong damit dito kaya hindi ko na kailangan pumasok sa silid namin ni Elara. Pagtapos kong magbihis

