ELARA LACANILAO "Hon, let's go magpahinga na tayo sa silid natin." Aya sa akin ni Arjhay, matapos kaming mag kaayos dito sa sala. Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Akala niya yata ganun lang kadali, pagkatapos ng ginawa niya ay okay na sa akin ang lahat. Nakalimutan niya yata na ako si Elara, hindi ganun kadali mapaamo. "Arjhay, sa guest room ka ngayon matutulog." Seryoso kong sabi sa kanya. "What?!" gulat niyang sabi sa akin at halatang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. "Anong what? Hindi porket sabi ko na okay na tayo ay ganun-ganun na lang 'yun. Nakalimutan mo yata na kapag may ginawa ka, always face the consequences of your actions," mataray kong sabi sa kanya. Napakamot si Arjhay sa ulo, halatang hindi inaasahan ang sinabi ko. Ilang segundo siyang nakatitig sa akin

