THIRD PERSON
Ngayon ang araw ng alis ni Elara sa kanilang baryo kasama si Manang Sabel. Nakahanda na lahat ng gamit niya at hinihintay na lang niyang daanan siya ni Manang Sabel.
"Nay, gising na po ba si Tatay?" tanong niya sa kanyang ina.
"Puntahan mo na lang sa silid anak para makapagpaalam ka sa kanya." Sagot naman ng kayang nanay.
Tumayo si Elara sa bangkong kinauupuan niya at naglakad papunta sa silid kung saan naroon ang kanyang ama.
"Tay, aalis na po ako, iinom ka po palagi ng gamot mo para mabilis kang gumaling tay. Huwag mo muna pong isipin ang panggastos dito sa bahay at ako na pong bahala. Ipapadala ko po ang sahod ko sa inyo para may maibili po kayo ng gamot niyo." punong-puno ng pagmamahal na sabi ni Elara sa kanyang Ama.
"Anak, mag iingat ka sa Maynila ha, pagbubutihin mo ang trabaho mo. Huwag mong pababayaan ang iyong sarili, kung hindi lang sana ako naaksidente hindi mo kailangang umalis. Aalagaan mo ang sarili mo doon, wala kami ng Nanay mo para alagaan ka." naluluhang sabi ng kanyang ama.
Ramdam ni Elara ang labis na pagmamahal sa kanya ng kanyang pamilya. Lumaki siya sa hirap pero sagana naman sa pagmamahal na hindi pwedeng tumbasan ng salapi.
"Lara, anak, nasa labas na si Mareng Sabel. Aalis na daw kayo at baka gabihin kayo sa biyahe." tawag ng ina ni Elara sa kanya.
"Tay, alis na po ako ha, gusto ko pag uwi ko dito magaling ka na. Mag iipon po ako para makabili ng cellphone na pwede niyong gamitin para matawagan ko po kayo." naluluhang sabi ni Elara.
Ang bigat ng dibdib niya, kung pwede lang na hindi na siya aalis ay ginawa niya na. Napakahirap palang iwan ang mga taong nakasama mo hanggang sa paglaki mo. Buong higpit na nagyakap ang mag ama at pagkatapos ay tumayo na si Elara para lumabas ng silid.
"Nay, mag iingat po kayo dito. Magpapadala po ako agad kapag may sahod na ako. Pag may kailangan po kayo, huwag po kayo mahihiya magsabi sa akin. Pwede po kayo makisuyo sa mga anak ni manang Sabel na ipasabi sa akin." Bilin ni Elara sa kanyang ina.
"Mare, ikaw na ang bahala sa anak ko ha, turuan mo na lang siya kung may mga bagay siyang hindi alam. Ikaw na muna ang tumayong nanay niya habang malayo siya sa akin." umiiyak na sabi ng ina ni Elara kay Manang Sabel.
Pagdating ng tricycle na sasakyan nila papuntang bayan ay binuhat na ni Elara ang kanyang bag. Muli siyang yumakap sa kanyang ina at nagpaalam, halos ayaw niya ng bumitaw sa nanay niya.
"ELara, halika na at baka maiwan tayo ng bus, matagal na naman ang susunod na biyahe." aya ni Manang Sabel kay Elara.
Kusa ng bumitiw ang dalaga sa kanyang ina, mabibigat ang mga paang inihakbang niya ang mga ito papunta sa tricycle na sasakyan nila. Muli pa siyang kumaway sa kanyang ina habang papalayo na sila.
"Huwag ka ng umiyak, Elara. Isipin mo na lang malaki ang maitutulong mo sa pamilya mo. Alam mo ba na sobrang bait ng mga amo natin, lalo na si Ma'am Weng at Ma'am Chellie. Kahit ang mga asawa nila ay mabait din. Si sir Arjhay ang magiging amo mo, mabait din naman siya. Medyo naging masungit lang siya mula ng mawala si Ma'am Azalea. Huwag kang mag alala, may makakasama ka naman sa mansion nila. Kapag may problema ka ay pwede mo akong puntahan sa mansion nila Ma'am Weng dahil siya ang amo ko." Sabi ni Manang Sabel kay Elara.
Alas tres na ng hapon ng makarating sila ng terminal sa Maynila. Tumawag na si manang Sabel Kay Weng kaya agad naman silang pinasundo sa kanilang driver.
"Halika na Elara, nandito na ang sundo natin." tawag sa kanya ni Manang Sabel.
Sumunod naman sa kanya ang dalaga at tinulungan siya ng driver na ilagay sa may compartment ang bag na dala nila ni Manang Sabel.
"Manang, ang ganda naman po ng kasama mo, siya po ba ang magiging yaya ng anak ni sir Arjhay?" tanong ng driver na si Rodel.
"Oo, siya si Elara... Elara siya naman si Rodel ang Family Driver nila Ma'am Weng. Mag iingat ka sa kanya, mahilig yan mang uto ng katulong." sabi ni Manang kay Elara.
Hindi nagtagal ay pumasok na ang sasakyan nila sa isang exclusive subdivision sa may Makati. Manghang-mangha si Elara sa ganda ng mga bahay na nakikita niya. Ngayon lang siya nakarating ng Maynila, hindi niya akalain na ganito kayaman ang magiging amo niya. Pagtapat nila sa isang malaking gate ay lalong nalula si Elara. Hanggang sa buksan ang gate at nakita niya kung gaano kalaki at kaganda ang buong bahay.
"Manang, ito po ba ang bahay ng magiging amo ko?" nanlalaki ang mata na tanong ng dalaga.
"Hindi, bahay ito ng amo ko na si Ma'am Weng. Yang naunang bahay ay bahay naman ng panganay nila na si sir Troy at yang sa dulo ang bahay ng magiging amo mo na si Sir Arjhay." sagot ni Manang Sabel sa Dalaga.
"Wow! Manang ang yayaman pala nilang magkakapatid. Ngayon lang ako nakakita ng ganito kayaman at ganito kalalaking bahay." humahangang sabi ni Elara.
"Halika na pumasok na tayo at naghihintay na sa loob si Ma'am Weng." sabi ni Manang Sabel.
Bumaba na sila ng sasakyan at at naglakad na sila papunta sa maindoor.
"Ang laki naman po ng pintuan nila? Mga higante po ba ang nakatira dito?" inosenteng sabi ni Elara.
Natawa naman si Manang Sabel dahil sa tinuran ng dalaga.
"Ikaw talagang bata ka, hindi mga higante ang nakatira dito. Ganito talaga kalalaki ang pinto ng malalaking bahay, lalo na sa bahay ng mayayamang kagaya ng mga amo natin." sagot ni manang.
Nagulat pa si Elara ng biglang bumukas ang pinto at lumabas ang mga batang nagtatakbuhan. Patakbong pumunta si Heaven sa likod ni Elara para magtago.
"Hi Manang, you're back, we miss you." sabi ni Anika kay manang Sabel. "Manang, who is she?" biglang baling naman ni Anika kay Elara.
"Ma'am Anika, siya po ang magiging yaya ni Heaven, si Elara." pakilala naman ni Manang kay Elara.
"I like her, Manang, she's beautiful like me and Heaven." Malaki ang pagkakangiting sabi ni Anika.
"Really, you are my nanny?" gulat naman na tanong ni Heaven.
"Manang, nandito na po pala kayo? Bakit hindi pa po kayo pumapasok?" sabay na napalingon si Manang at Elara sa pinanggalingan ng boses. Nakita nila si Weng na papalapit na sa kanila.
"Good afternoon po, Maam." bati ni Elara kay Weng.
"Ikaw naba si Elara?" nakangiti naman na sabi ni Weng sa dalaga.
"Opo ma'am." nahihiya nitong tugon.
"Pasok na kayo, ipapakilala kita sa kapatid ko. Tamang-tama kadarating niya lang." wika ni Weng sa dalaga.
"Tita... I like her!" biglang sabi ni Heaven na nasalikuran ni Elara.
"Really baby, tell that to you dad." nakangiting sabi ni Weng sa kanyang pamangkin.
Binuhat ni weng si Heaven habang kasunod naman nila si Elara, pagkarating nila sa living ay ipinatawag na ni Eng si Arjhay sa kasambahay nila. Nagpaalam na naman si Manang na pupunta na sa silid niya para makapagpahinga na.
"Elara maupo ka, kinakabahan ka ba?" nakangiting tanong ni Weng.
"Medyo po, Maam." nahihiya namang sagot ni Elara.
"Manang, pwede niyo po bang igawaan ng juice si Elara, para marelax siya." nakangiting utos nito sa isa nilang kasambahay. "Huwag kng mag alala hindi naman nangangain ng tao ang kapatid ko, nangangat lang." ani pa nga.
"Naku ma'am, pwede pa po bang mag back out, baka po kasi lapain niya ako. Gusto ko pa pong mabuhay ng matagal." sabi ni Elara.
"Excuse me, anong tingin mo sa akin walang taste!" masungit na sabi ni Arjhay habang pababa ng hagdan. "Kung gusto mong mag back out maluwag ang pinto, makakaalis ka na. Hindi ko kailangan ang yaya na kasing atribida mo." matapang na muling sabi ni Arjhay.
"Arjhay! Can you hear yourself? Elara didn't intend to mock you; she said that because I teased her. Your child is here, listening to what you're saying. Is that what you want her to learn from you? You're being unreasonable," Weng scolded her brother.
"Dad, I like her to be my nanny, can you hire her?" Arjhay's daughter, Heaven, innocently said.
"See, even your child knows how to recognize a good person. If you don't like her, then it's just for your child. Just don't let me hear that you're speaking to her harshly. That's not how our mother raised us, you know that, Arjhay," Weng said authoritatively.
"Okay, fine. If that's what my child wants, there's nothing I can do. But if I see even one mistake, I'll kick her out immediately, and no questions asked."
"Salamat po Sir," mahinang sabi ni Elara.
"Get your things and follow me." utos ni Arjhay kay Elara. "Ate, uuwi na kami, ako ng bahala sa anak ko. Pakisabi na lang kay kuya Troy na papasok na ako bukas sa opisina. Thank you for taking care of us." sabi ni Arjhay.
Hinatid na sila ni Weng hanggang sa pinto, nakaasunod naman si Elara sa mag ama hanggang makarating sila sa labas. Pinasok ni Arjhay si Heaven sa back seat at si Elara naman ay nananatiling nakatayo sa labas.
"Anong tinatayo-tayo mo dyan, huwag muna hintayin na ipagbukas kita ng pinto. Get inside the car." Mariin na sabi ni Arjhay.
"Sir, pasensya na po, hindi ko po kasi alam kung paano buksan ang sasakyan mo. Wala naman po kasi kaming ganitong sasakyan sa probinsya, bangka lang po ang meron kami." pag amin ni Elara kay Arjhay kahit nahihiya siya.
"My God, taga saang bundok ka aba galing. Parang mas magiging problema pa kita kesa sa anak ko. Baka ikaw pa ang alagaan ko kung ganyan ka katanga." pang iinsulto sa kanya ni Arjhay.
Parang gusto ng lumubog ni Elara sa kinatatayuan niya dahil sa pagkapahiya. Gusto niya ng umiyak dahil sa masasakit na salitang ipinupukol sa kanya ni Arjhay.
Nakita niyang umikot ang binata papunta sa kanya.
"Dito mo hahawakan kapag bubuksan mo ang pinto at pipindutin mo lang sa ilalalim. Subukan mo para next time alam muna." utos ng binata. Agad naman sumunod si Elara at natuwa siya ng magawa niyang buksan ang pinto ng sasakyan. "Kapag naman nasa loob ka dito mo lang hahawakan para mabuksan mo ulit ang pinto. Naiintindihan mo ba?" muling sabi ni Arjhay.
"Opo, maraming salamat po, Sir." tugon ni Elara sa kanya.
Sumakay na si Arjhay sa sasakyan niya at pinaandar niya na ito, wala pang 5 minuto ay nakarating na sila sa kanyang mansion. Bitbit ang bag niya ay bumaba na siya sa sasakyan. Sa kabilang pinto naman ay pinagbuksan ni Arjhay ang kanyang anak.
"Sir, ito po ba ang bahay mo? Napakalaki naman po?" Wala sa sariling sabi ni Elara.
Habang lumilibot ang mata niya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ay naglakad na papasok ng bahay si Arjhay buhat ang kanyang anak. Paglingon ni Elara ay wala na ang mag ama sa harap niya. Nakita niya ang mga ito ay papasok na sa pinto ang mag ama.
Mabilis na tumakbo si Elara para maabutan ang mag ama, humihingal pa siya ng abutan niya ang mga ito na papasok na sa malaking pinto.
"Sir, bakit nio naman po ako iniwan? Hindi nio man lang po ako tinawag." wika ni Elara.
"Sino ba ang amo sa ating dalawa, kabago bago mo pa lang ganyan na ang ugali mo. Ilugar mo ang sarili mo, hindi kita kamag anak para kausapin mo ako ng ganyan." matapang na sagot ni Arjhay sa dalaga. "Manang, pakihatid nga po sila sa kwarto ng anak ko at pakituro na rin mo sa kanya ang magiging silid niya." utos ni Arjhay,
Iniabot ni arjhay si Heaven kay Elara saka ito nauna ng umalis. Sumunod naman si Elara sa kasambahay na tingin niya ay kaedaran lang ni manang Sabel.
"Ano nga pa lang pangalan mo, ineng?"
"Elara po." nahihiyang sagot niya.
"Kayo po Manang ano po itatawag ko sa inyo?" tanong naman ng dalaga.
"Manang Ising na lang ang itawag mo sa akin, o kaya Nanay Ising, ikaw na bahala ineng kung ano ang gusto mo." sabi ni Ising kay Elara.
"Sige po Nay Ising na lang po ang itatawag ko sa inyo, para muka pa rin akong may Nanay kahit malayo ako sa pamilya ko." Ani naman NI Elara.
Nakarating na sila ng Second floor at huminto sila sa pinto ng silid ni Heaven. Pinihit ni Ising ang pinto saka sila pumasok sa loob.
"Ito ang silid ng alaga mo, halika at ituturo ko sayo ang silid mo." sabi ni Nay Ising kay Elara.
Muli silang lumabas ng ng kwarto ni Heaven at huminto sa katabi nitong silid na mas maliit lang.
"Ito naman ang magiging silid mo, dahil ikaw ang yaya ni Heaven hindi ka pwedeng malayo sa kanya. Kailangan mong laging bantayan ang bata at huwag mong hahayaan na masugatan. May kalikutan pa siya kaya bantayin pa, alagaan mo siyang mabuti para hindi ka magka problema kay Sir Arjhay. Mabait naman siya basta maging maayos ka lang. Sige na bumalik na kayo sa silid ng alaga mo at paliguan mo na siya. Mamaya ay ipapatawag ko kayo para sa miryenda niya." Sabi ni nay Isang kay Elara saka ito lumabas ng silid at naiwan na lang ang dalawa sa kwarto ni Heaven.