ELARA LACANILAO Tagumpay ang plano, pumayag si Sir Arjhay na bayaran ako para magpanggap na Girlfriend niya sa harap ng mga kaibigan niya. Madadagdagan na naman ang ipapadala ko sa pamilya ko sa Quezon. Kung alam ko lang na ganito pala kabilis kumita ng pera sana noon pa ako pumunta dito sa Manila para nag trabaho. Nagpakahirap pa akong mamasukan na tindera dito pala malaki ang sahod. Magkasama kami ni Heaven dito sa kanyang silid, binibihisan ko siya ng damit dahil ipapasyal daw namin si Heaven sabi ng Daddy niya. Habang binibihisan ko ng damit ang alaga ko ay pumasok naman dito sa silid si Sir Arjhay. “Are you ready, baby? We’re going to Star City. Di ba matagal munang gustong pumunta sa amusement park?” excited na tanong ni Sir Arjhay kay Heaven. “Yehey! Thank you, daddy. Can yaya

