ARJHAY SAAVEDRA Napapayag ko si Elara sa sa gusto ko, ang babae talagang yun pagdating sa pera di magpapatalo. Hindi ko alam kung ano ang nakain ko at gusto kong magpanggap siya bilang girlfriend ko. Nagtataka rin ako sa sarili ko, sigurado ako na kapag nalaman ni Ate Weng ang ginawa ko ay masesermunan na naman ako. “We are here,” nagtanggal ako ng seat belt ko at umikot ako kay Elara para pag buksan siya. “Thank you,” nakangiti niyang sabi. Nakita ko sa mga mata niya ang excitement, agad niyang kinuha si Heaven at ako naman ay binitbit ko na ang bag na dala niya na gamit ng anak ko. “Sir, dito po ba tayo pupunta?” Namamangha niyang tanong. Parang nag twi-twinkle pa ang mga mata niya. “Hindi, doon tayo pupunta.” Pang aasar ko naman sa kanya. Ewan ko ba kung bakit natutuwa ako k

