ARJHAY SAAVEDRA Tapos na ang isang araw na pahinga ko, back to reality na naman. Tambak na trabaho dito sa opisina at kaliwa’t kanan na meeting na kailangan kong puntahan. Nakakapagod ang araw-araw na routine ko, pero walang magagawa dahil hindi ko pwedeng pabayaan ang negosyong ito. Ibinilin na sa akin ito ni kuya Troy kaya dapat ko itong mapalago. Maganda naman ang status ngayon ng kumpanya. Hindi naman ito mag papahuli sa mga leading company ngayon sa market. Infact, marami kaming mga bagong kliyente na gustong kami ang maging contructor ng mga building na ipapagawa. "Our company is leading the way in innovation, and we are committed to providing high-standard materials for all our projects. If you choose us, we will make sure to give our all to this project. We will assign our most

