THIRD PERSON Nagmamadaling bumalik si Arjhay sa Venue, hoping na maabutan niya doon si Elara. Nagmamadali niyang ipinark ang sasakyan niya pag hinto niya sa main entrance ng Hotel. Ibinato niya sa Driver niya ang susi ng sasakyan niya at nagmamadali niyang tinungo ang function hall. “Ate, nasaan na si Elara?” Hinihingal pang tanong ni Arjhay sa kanyang ate. “Umuwi na, maaga pa daw aalis ang mga magulang niya bukas. Uuwi na kasi ng Quezon.” Sagot ni Weng sa kanyang kapatid. “Ate, ikaw ba ang nagtago kay Elara?” Gusto malaman ni Arjhay ang totoo. “HIndi ko siya ttinago, tinulungan ko lang siyang maabot ang pangarap niya. Nakita ko kung paano mo siya maliitin. Ikaw na kapatid ko, ikaw na kasama kong lumaki sa hirap ang siya pang tao na mang aapi sa kanya.” Sagot ni Weng sa kapatid niya.

