CHAPTER 69

2074 Words

ELARA LACANILAO Hindi ko pinahalata kay Nanay na may problema ako, ayaw ko siyang madamay sa problema ko. Tahimik akong pumasok sa silid ko at doon padapa akong umiyak. Tanging ang unan ko lang ang piping saksi sa pagdadalamhati ng aking puso dahil sa panloloko sa akin ni Gab. Nag aagaw na ang liwanag at dilim pero hindi pa rin ako makatulog. Sige lang ako sa pag iyak, ayaw maubos ang luha ko. Nakarinig ako ng katok sa aking pinto ngunit ayaw ko silang pag buksan. Alam ko sila nanay yun, marahil ay paalis na sila. “Anak, aalis na kami, iniwan ko sa lamesa ang almusal mo. Kapag nagugutom ka kumain ka na lang ha. Mag-iingat ka dito, mahal na mahal ka namin.” Narinig kon sabi ni nanay,. Gusto ko silang takbuhin at yakapin ng mahigpit. Pero hindi ko magawa dahil sa mata kong magang maga.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD