ARJHAY SAAVEDRA
"Hon, huwag ka ng umiyak tanggap ko na kung ano man ang mangyayari sa akin ngayon. Napapagod na rin ako at gusto ko ng magpahinga." sabi ng aking asawa si Azalea.
"No honey, you need to fight for your life para sa amin ng anak mo. Masyado pang bata si Heaven para iwan mo. Hon, lumaban ka!" patuloy ako sa pag susumamo para muli niya pang gustuhing mabuhay.
Mahal na mahal ko ang asawa kong si Azalea, siya lang ang nag iisang babaeng minahal ko at nangako kaming habang buhay na magsasama. Pero dahil sa sakit niya leukemia, unti-unti na akong nawawalan ng pag asa na gagaling siya.
"Arjhay, tatagan mo ang loob mo, hindi ka pwedeng manghina dahil may isang bata pa na umaasa sayo." sabi ni Ate Weng, siya ang kasama ko ng isugod ko kagabi si Azalea dito sa ospital.
"Ate, natatakot ako, ayaw kong mawala sa akin ang asawa ko. Mahal na mahal ko siya ate." para akong bata na umiiyak sa ate ko, hawak ko ang kamay ni Azalea habang walang malay siyang nakahiga dito sa ICU.
"Arjhay, ang lahat ng nangyayari ngayon ay may dahilan. Huwag kang panghinaan ng loob, naririnig ka ng asawa mo. Sayo lang siya kumukuha ng lakas at alam mong ikaw lang din ang nagpapalakas ng loob niya para lumaban. Ginagawa naman natin ang lahat, pero hindi natin hawak ang buhay natin. Tanging Diyos lamang ang nakakaalam kung hanggang saan lang tayo pwedeng mabuhay."
Ang sakit lang isipin na ang babaeng pinakamamahal ko ay mawawala sa akin. Siya ang naging takbuhan ko noong panahong nahihirapan ako sa pag aaral dito sa Amerika. Siya ang taga pagtanggol ko kapag binubully ako ng mga kaklase kong Amerikano. Paano ko tatanggapin ang kaisa-isang babae na nagturo sa akin kung paano magmahal. Siya lang ang tanging babae na minahal ko ng ganito at wala na akong babaeng mamahalin kundi siya lang.
Nakita ko si Azalea na parang nahihirapang huminga; hawak niya ang kamay ko at ayaw niyang bitawan.
"Ate, ang asawa ko!" takot na takot kong sabi.
Mabilis naman na pinindot ni Ate Weng ang red button para tawagin ang mga doktor. Mabilis naman na nagdatingan ang mga nurse at mga doktor.
"Please, go outside!" sabi sa amin ng doktor.
"Please, doctor, do everything for my wife! I'm begging you!" pagmamakawa ko sa kanila.
Hinila na ako ni Ate Weng palabas ng ICU.
"Arjhay, hayaan na natin ang mga doktor na gamutin ang asawa mo. Alam natin na mangyayari ito, kaya huminahon ka. Lahat naman tayo doon ang punta." marami pang sinasabi sa akin ang ate ko, pero kahit isa ay wala na akong maintindihan. Takot na takot ako na baka mawala na sa akin si Azalea.
Mula dito sa labas ng ICU nakatanaw ao sa bintanang salamin at kitang-kita ko kung paano nila irevive ang asawa ko. Ang dalawang kamay ko ay nakatukod lang sa glass window habang ang buong katawan ko ay unti-unti nang nanginginig sa takot. Takot na ngayon ko lang nararamdaman.
"Lord, ako na lang huwag ang asawa ko," paulit-ulit kong sinasambit sa isip ko ang mga dasal at pagsusumamo ko sa diyos.
"Arjhay, anak," narinig kong tawag sa akin ni Papa. Nandito sila para damayan ako, nandito ang buong pamilya ko para samahan ako.
"Dad, I can't lose my wife, hindi ko po kaya," umiiyak kong sabi kay Daddy. Mahigpit niya akong niyakap at hinimas-himas ang likod ko.
"Son, be strong! We're just here to support you. Nandito kaming pamilya mo, dadamayan ka namin sa mabigat na pinagdadaanan mo. Kapit lang, anak, sa nasa itaas; tutulungan ka niyang malagpasan ang lahat ng ito," muling sabi sa akin ni Daddy.
Binuksan ng nurse ang pinto ng ICU.
"Time of death: 11:45 P.M." Parang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang sinabi ng doctor. Bigla na lang akong napaluhod, nawalan ako bigla ng lakas, at para na akong mauupos na kandila.
"No...!" malakas kong sigaw. "Hindi pa patay ang asawa ko, please doc, do something!" pakiusap kong muli sa doctor, nakaluhod ako at nakahawak sa gown na suot ng doctor.
"We've done everything, but the patient's body can't take it anymore. We are sorry for your loss, Mr. Saavedra. That's all we can do."
Parang isang patalim ang bawat salita ng doktor na aking narinig, naging bingi ako sa mga salita ng aking pamilya. Para akong nasa isang kahon na walang nakikita kundi puro dilim at nakabibinging katahimikan. "Hindi pa patay ang asawa ko, natutulog lang siya," umiiyak kong sabi kasabay ng malakas kong iyak. Hindi ko matanggap ang sinabi ng doktor na wala na si Azalea, ang babaeng pinag alayan ko ng buhay ko at nangako kami sa isa't isa na magsasama habang buhay.
Kahit nahihirapan ako ay pinilit kong tumayo para lapitan ang aking asawa na wala ng buhay. Inalalayan naman ako ni kuya Troy at ni kuya Ethan at inilapit nila ako kay Azalea.
"Mahal ko, bakit mo ako iniwan. Nangako ka sa akin na di mo ako iiwan di ba! Bakit ngayon mag isa na lang ako? Gumising ka, mahal ko! Tumayo ka dyan, huwag ka naman mag biro ng ganito!" patuloy lang ang pag iyak ko sa harap ng aking asawa.
"Arjhay, anak, hayaan na nating magpahinga si Azalea. Ilang taon na rin siyang nakikipaglaban sa sakit niya, ngayon wala na siyang sakit na nararamdaman. Alalahanin na lang natin ang mga huling sandaling kapiling natin siya. Yung Azalea na malakas at masayahin, yung Azalea na laging nakangiti at laging handang ibigay ang sarili maging masaya ka lang. Tama na anak, pakawalan muna ang asawa mo." umiiyak na rin na sabi sa akin ni Mommy.
Bakit ganun? Wala ni isa mang salita ang makapagpagaan ng nararamdaman ko. Wala ni isa mang salita ang makapag alis ng sakit na dumdurog sa puso ko. Pakiramdam ko gusto ko na ring sumama sa asawa ko, gusto ko na siyang makasama kahit sa kabilang buhay pa.
Habang yakap-yakap ko si Azalea ay lumapit sa akin si Ate Weng at Ate Chellie.
"Arjhay, kailangan na nilang kunin si Azalea." sabi ni Ate Chellie, dama ko ang panginginig ng kanyang boses.
"Ayaw ko ate, dito lang siya sa tabi ko!" sabi ko sa kabila ng pag-iyak ko.
"Arjhay, kailangan na natin dalahin sa Morgue si Azalea para ihanda na siya sa kanyang la-" hindi na tinuloy ni Ate Weng ang kanyang sasabihin.
"Ate, sa huling pagkkataon, kahit ngayon lang. Hayaan niyo muna akong makasama ko ang asawa ko, kahit ngayon lang hayaan niyong mayakap ko siya." patuloy ang pag iyak na sabi ko sa aking pamilya.
Napakasakit mawalan ng taong minamahal, walang kasing sakit. Hindi ko maipaliwanag dahil walang kahit na isa mang salita ang makakatanggal ng sakit na nararamdaman ko ngayon. "Pangako mahal ko, ikaw lang ang mamahalin ko, ang lahat ng pag mamahal ko sayo ay ibubuhos ko sa anak nating si Heave. Pahinga ka na mahal ko, hanggang sa muli nating pagkikita. Mahal na mahal na mahal kita... Azalea...!"