CHAPTER 2

1175 Words
ARJHAY SAAVEDRA Kaharap ko ngayon ang kabaong ni Azalea, tinititigan ko lang ang napakaganda at napakaamong mukha ng aking asawa. Hindi ko lubos maisip na dahil lang sa sakit niyang Leukemia ay natuldukan ang masayang pagsasama naming dalawa. Tatlong taon pa lang ang anak namin at nangangailangan pa ito ng kalinga ng isang ina. "Mahal ko, bumangon ka na dyan, hinahanap ka na ni Heaven!" pagsusumamo ko sa harapan ng kabaong niya. Hindi maampat ang luhang patuloy lang na dumadaloy sa aking mata. "Arjhay, magpahinga ka muna. Kahapon kapa walang tulog, baka ikaw naman ang magkasakit." boses ni Ate Weng na tila nag aalala sa kalagayan ko. "Hayaan niyo na lang ako dito, Ate, ayaw kong iwan ang asawa ko. Gusto ko siyang makasama kahit man lang sa huling sandali." umiiyak ko ani. "Pero Arjhay, makinig ka naman kay ate. Si Azalea lang ang nawala nandito pa si Heaven. Paano kung ikaw naman ang magkasakit? Paano naman ang nag-iisa mong anak? Hindi gugustuhin ni Azalea na pabayaan mo si Heaven." Pagpupumilit sa akin ni Ate. "Kaya ko ang sarili ko ate, huwag ninyo aong alalahanin. Wala akong sakit kaya malabo yang iniisip mo. Ang asawa ko iiwan niya na ako ng tuluyan bukas. Ngayon kung pipilitin mo akong umalis sa tabi niya, mabuti pang umalis na kyong lahat. Dito at iwan na lang ninyo akong mag isa." naiinis kong sabi sa ate ko. Alam kong mali na pagsalitaan ko siya ng ganun; hindi kasi nila naiintindihan ang sakit na mawalan ng asawa. Hindi lang basta asawa sa akin si Azalea, kundi kaibigan at kakampi ko siya sa lahat ng bagay. My number one supporter, my cheerleader, and my life. "Babe, hayaan muna natin si Arjhay. Ibigay na natin ito sa kanya, hindi madali ag pinagdadaanan niya. Intindihin na lang natin siya." narinig ko namang sabi ni Kuya Ethan sa kanyang asawa. Tinapik pa ako ni Kuya Ethan sa balikat bago niya inakay si Ate weng pabalik sa upuan nila. "Arjhay, kung ayaw mo magpahinga, naintindihan namin, anak. Pero sana kahit konti, kumain ka; isipin mo din kaming pamilya mo, lalo na ang anak mo," sabi sa akin ni Mommy. Kinuha ko ang dala niyang sandwich at kahit ayaw ko sanang kumain ay pinilit ko itong kainin. Hindi ko siya tunay na ina, pero mula ng mahanap kami ni Daddy ay itinuring niya na kaming tunay na anak. "Thank you mom," simpleng pasasalamat ko kay mommy. "Magpakatatag ka lang anak, malalagpasan mo din lahat ng pagsubok na ito." Bigla na lang tumulo ang luha ko, lumapit sa akin si Mommy at niyakap niya ako ng buong higpit. Inakay ako ni mommy at pinaupo niya ako sa isang upuan na katabi niya. Dahil sa sobrang pagod at puyat ay inagaw na ako ng antok. Nagising ako na nasa isang di pamilyar na lugar, para akong may naririnig na lagaslas ng tubig, mga hampas ng alon sa dalampasigan. Naglakad ako para hanapin kung saan naroroon ang naririnig kong lagaslas ng tubig. Naglakad pa ako ng naglakad hanggang sa may makita akong isang babae na masayang nakikipag laro sa mga alon. Mahaba ang buhok na naka kulay puti na dress na sumasayad pa sa buhangin. Kaya nagdesisyon akong lapitan siya. "Miss, excuse me, pwede bang magtanong kung anong lugar ito." sabi ko sa kanya. Lumingon siya sa akin at ngiting ngiti pa. "Mahal ko, kanina pa kita hinihintay? Bakit ang tagal mong dumating?" ani niya sa akin. Anong saya ng puso ko ng makita ko si Azalea na nasa aking harapan. "Mahal ko, ikaw ba talaga yan?" mangiyak ngiyak na tanong ko sa kanya. "Ako nga mahal ko, halika samahan mo muna akong maupo dito sa may katawan ng puno ng niyog." aya niya sa akin. Sumunod ako sa kanya at umupo kami sa malaking katawan ng puno ng niyog, naka sandig siya sa balikat ko habang ako naman ay naka akbay lang sa kanya. "Mahal ko, aalis lang muna ako; baka matagalan bago ulit tayo magkita. Lagi mong iingatan ang sarili mo, alagaan mo si Heaven kagaya ng pag-aalaga ko sa inyong dalawa. Kung sakali man na hindi agad ako makabalik, gusto ko na humanap ka ng isang babae na magiging mommy ni Heaven. Isang babae na kaya niyang mahalin ang anak natin at aakuin niyang parang kanya. Mahal ko, mangako ka sa akin, kapag wala na ako, gusto ko lagi kang maging masaya. Lagi mong iisipin na nasa tabi mo lang ako at binabantayan ko kayo ng anak natin. Mahal na mahal na mahal ko po kayong dalawa," sabi niya sa akin habang nakatingin siya sa malayo at nakasandig ang ulo niya sa aking balikat. "Mahal ko, bakit mo naman 'yan sinasabi? Saan ka ba pupunta? Pwede mo naman kaming isama ni Heaven sa pupuntahan mo. Saka, wala na akong balak maghanap ng ibang babae maliban lang sa'yo. Masaya na ako sa relasyon natin; alam mo naman 'yun, di ba? Mahal ko, ayaw kong magkahiwalay tayo. Dito ka lang sa tabi ko," malambing kong sabi. "Arjhay, kailangan ko nang umalis; may naghihintay na sa akin," bigla akong nataranta sa sinabi niya. "No! Mahal ko, dito ka lang, please! Huwag mo akong iwan," mabilis kong sabi, sabay hawak sa kamay niya para pigilan siya at hindi tuluyang umalis. Pilit niyang inaalis ang pagkakahawak ko sa kamay niya, at parang may kung anong humihila sa kanya. "Arjhay, bumalik ka na sa anak natin. Kailangan ka niya; huwag mo siyang papabayaan. Ang bilin ko sa'yo, humanap ka ng babaeng ipapalit mo sa akin at mamahalin si Heaven na parang tunay niyang anak," muling sabi ni Azalea, saka tuluyan nang bumitaw ang kamay niya sa akin. Pinilit ko siyang habulin, pero bigla na lang siyang nawala at di ko na alam kung saan siya pumunta. "Arjhay! Anak! Gising!" isang malakas na sampal ang nagpagising sa akin. Para akong galing sa isang malalim na balon at nag hahabol ng hininga pagka gising ko. "Dad, where am I?" tanong ko kay Daddy. "Nasaan po ang asawa ko?" hinihingal ko pang tanong. "Anak, kailangan mo ng maligo, maya-maya lang ay ihahatid na natin ang asawa mo sa kanyang resting place." narinig kong sabi ni Daddy. "No Dad, buhay ang asawa ko. Nakausap ko siya, nakasama ko siya, may pinuntahan lang siya dad! Pero nanga ko siya na babalik siya!" kinakabahan kong sabi. "Arjhay,enoug! Hindi na nakakatulong sayo yang inaasal mo. Alam kong nasasaktan ka, pero tanggapin mo sa sarili mo na patay na ang asawa mo! Tumigil ka na sa kahibangan mo!" malakas na sigaw sa akin ni Daddy. Saka niya ako hinila palabas ng kwarto, dinala niya ako sa harap nga asawa ko at doon ko nakita ang asawa kong payapang naka higa sa kanyang casket. "Azalea! Tulungan mo akong makayanan ang pagkawala mo mahal ko! Tulungan mo akong tanggapin ng maluwag sa puso ko na tuluyan muna kaming iniwan ng anak mo! Mahal ko, tanggalin mo ang sakit na nararamdaman ko bunsod ng pagkawala mo. Tulungan mo akaoanga magsimulang muli!" umiiyak kong bulong habang nakaluhod ako sa casket ng namayapa kong asawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD