CHAPTER 3

1352 Words
ARJHAY SAAVEDRA Matapos namin maihatid ang aking asawa sa kanyang huling hantungan ay umuwi na kami ng aking anak sa aming bahay. Isang nakabibinging katahimikan ang agad na sumalubong sa akin pag pasok ko pa lang sa pinto. Yung dating masayang pakiramdam sa tuwing uuwi ako ng bahay ay para isang napakahabang kalungkutan na ngayon. Hindi ko kayang ipaliwanag ang nararamdaman ko sa mga oraas na ito habang buhat ko ang aming anak na si Heaven. Pumasok ako sa loob ng bahay namin at agad naman akong sinalubong ng yaya ni Heaven para kuhain siya sa akin. Agad akong dumiretso sa bar counter para kumuha ng alak at dinala ko ito sa aking silid. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap ang pagkawala ng asawa ko. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak hanggang sa tuluyan na akong maging manhid. Pinipilit ko namang magpakatatag pero bakit napakahirap gawin. Nakatingin lang ako sa malaking larawan ni Azalea na nasa dingding, napakaganda ng kanyang ngiti at buhay na buhay. Ito yung mga panahon na hindi ko pa alam na may sakit siya. Matagal niya na palang nilalabanan ang sakit niyang leukemia pero hindi niya sinabi sa akin. Kaya pala mdalas ko sya noon makitang may mga pasa sa braso at binti. Kung hindi ko pa siya pinilit na tanungin kung bakit parang unti-unti ko siyang nakikitang nanghihina hindi niya sa akin sasabihin ang totoo. "Azalea, mahal ko, bumalik ka na sa akin, please. Hindi ko kaya ng wala ka." umiiyak kong sabi habang patuloy lang ako sa paglagok ng alak. Ang sakit isipin na kahit kailan ay hindi na namin siya makakasama ng anak ko, lalaki si Heaven na hindi niya man lang mararamdaman ang pag aalaga ng kanyang pinakamamahal na ina. Durog na durog ang puso ko dahil sa sakit ng pagkamatay niya. "Azalea... Azalea... Mahal ko, bakit mo ako iniwan. Isama muna ako, parang hindi ko kaya na wala ka sa tabi ko, mahal ko!" sinisinok-sinok ko pang sigaw hbang lasing na lasing na ako. Hindi ko na alam kung gaano karami ang nainom ko basta ang alam ko lang kailangan kong lasingin ang sarili ko para kahit papaano ay maibsan ang sakit na nararamdaman ko. Tumayo ako at lumapit ako sa intercom at muling nag pakuha ng panibagong bote ng alak. Nang dumating ang kasambahay ko ay agad kong nilagok ang alak na Johnny Walker, wala na akong pakialam kung hard pa ito. Hilong hilo na ako dahil sa kalasingan hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng ulirat. Napabalikwas ako ng bangon ng isang malakas na sampal ang naramdaman kong dumapo sa aking pisngi. "Anong balak mong gawin sa buhay mo, Arjhay!" malakas na sigaw sa akin ni ate Weng. "Bumangon ka diyan at iligpit mo ang gamit ninyong mag ama, isasama kita pabalik ng Manila. Hindi ako papayag na sirain mo ang buhay mo kakainom ng alak dito. Kung hindi ka makikinig sa akin, kalimutan mo ng magkapatid tayong dalawa at kalimutan mo na ring pamilya mo kami. Tutal si Azalea lang naman ang pinahahalagaan mo!" galit na galit na sabi ni ate Weng sa akin. Nasa likod niya lang si Kuya Ethan na asawa niya at si kuya Troy na kapatid namin. Hindi ako agad nakatayo, hilo pa ako dala ng alak at lalo pa akong nahilo sa malakas na sampal ng ate ko. Sa totoo lang mas takot ako sa kanya at malaki ang respeto ko kay ate Weng. Siya ang nagtaguyod sa amin ni Sam noong panahon na hirap pa kami sa buhay at ng mamatay ang aming ina. Si Ate Weng ang tumayong ama at ina sa aming magkapatid. "Ate, hindi ba pwedeng pabayaan mo muna ako, nagluluksa pa ako sa pagkamatay ng asawa ko. Hindi madali ang mamatayan, hindi madali ang pinagdadaanan ko." namamaos ang boses na sabi ko kay ate. "Wala akong pakialam kung nagluluksa ka, pero hindi ibig sabhin nun na magpapakamatay ka na sa pag inom mo ng alak. For God sake Arjhay may anak kayo ni Azalea na umaasa sayo. Ano pababayaan mo na lang ang pamangkin ko? Sa tingin mo matutuwa ba ang asawa mo sa nakikita niyang ginagawa mo?" halata ko na ang galit sa boses ni Ate Weng, hindi na ako nagtangka pang sumagot sa kanya. Alam ko na kapag ginawa ko yun ay baka bigwasan niya na ako. Sa pamilya namin siya ang pinaka nasusunod maging si Daddy at Mommy, ang opinyon ni Ate ang pinakamahalaga sa lahat. "Pack your things, uuwi na tayo ng Pilipinas mamayang gabi. Pinaayos ko na ang gamit ni Heaven sa yaya niya. Kaya mga gamit mo na lng ang aayusin mo. Huwag ka ng magtangka pang sumagot dahi buo na ang desisyon ko na sa Manila na lang kayo titirang mag ama." maawtoridad na utos ni Ate sa akin. Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Para sa aming magkakapatid batas ang utos ni Ate Weng. Kahit mag asawa na ako ay madalas pa rin niya akong pagalitan, lalo na kung alam niyang mali ang ginagawa ko. "Doon ka namin sa baba hihintayin, huwag munang tatangkaing tumakas Arjhay, gusto ko lang mapaayos ang buhay ninyong mag ama. Sa Pilipinas mababantayan kita at doon makakapag move on ka kahit papaano. Hindi ko sinasabi na kalimutan mo si Azalea, ang sinasabi ko lang ay kailangan mong gawing normal muli ang buhay mo. Alang-alang na lang sa anak mo at sa aming pamilya mo." muli niyang sabi bago tuluyang lumabas ng silid ko. Labag man sa loob ko ay sumunod ako sa kanya, nag empake ako ng damit ko. Ayaw ko mang umalis at iwan ang lahat ng masasayang ala-ala namin sa bahay na ito ay wala na akong magawa. Nakapagdesisyon na ang ate ko at wala din akong plano pang makipagtalo sa kanya. Kinuha ko ang larawan ni Azalea na nakapatong sa bedside table namin at inilagay ko rin sa aking maleta. Marami siyang larawan sa cellphone ko pero ang larawan niyang iyon ang pinaka paborito ko. Pagkatapos kong mag empake ay pumasok ako sa banyo at doon ko muling ibinuhos ang sakit na nararamdaman ko. "Mahal ko, iiwan muna kita dito, pero ang ala-ala mo ay palagi lang nasa puso ko. Mahal na mahal kita at kahit kailan ay hindi na iyon magbabago." usal ko kasabay ng pag-iyak ko habang patuloy na umaagos ang maligamgam na tubig sa aking mukha. Hindi naman nagtagal ay lumabas na din ako ng banyo. Nabihis na ako at agad na lumabas ng aking silid dala ang maleta na naglalaman ng mga damit ko pauwi ng Pilipinas. "Akala ko hindi ka na matatapos eh, pupuntahan na naman sana kita para sapakin ng matauhan ka." seryoso ang mukha na sabi ni ate Weng. "Sasama na nga ate, bakit ka ba laging galit?" reklamo ko sa kanya. "Daddy, where are we going?" tanong ng aking 4years old na anak na si Heaven. "Baby, where going to the Philippines, di ba you want to play with your ate Anika? She is waiting for you na." masiglang sagot ni ate Weng kay Heaven. Kinausap ko lang ang mga kasambahay namin na puro mga pilipino, bago ako bumalik sa sala at binuhat ang anak ko palabas ng bahay namin. Mabigat ang dibdib kong iwan ang bahay namin na naging piping saksi sa pagmamahalan namin ni Azalea. Ngunit tama nga siguro ang kapatid ko, hindi ko kakayaning mag move forward kung hindi ko pansamantalang iiwan ang lugar na ito. Patuloy lang akong malulungkot at magmumukmok kung nandirito lang ako. Kapag nasa Pilipinas na ako mas malilibang ko ang sarili ko, itutuon ko na lang ang buhay ko sa trabaho. May mga negosyo naman kami dun na pinapatakbo ni Kuya Troy at ibibigay nila sa akin para doon ko ma divert ang isip ko. "Babalik ako mahal ko, dadalawin pa rin kita. Sa ngayon kailangan ko muna ulit na buuhin ang sarili ko, para maipagpatuloy ko ang buhay kahit wala ka na. Lagi ka pa rin sa puso ko, Azalea." bulong ko sa aking sarili habang isang sulyap palayo sa lugar kung saan kami unang nangarap at buo ng aming pamilya......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD