CHAPTER 4

1831 Words
ARJHAY SAAVEDRA Gabi na ng lumapag ang eroplanong sinasakyan namin sa Ninoy Aquino International Airport. Binuhat ko na ang anak kong si Heaven dahil mahimbing pa rin ang tulog niya. Dahil nasa business class kami ay nauna na kaming lumapag. Kasama ko ang mga kapatid ko at ang pamilya nila. Si Sam lang ang naiwan sa America dahil nag aaral pa siya kasama niya sila Daddy at Mommy. Wala rin naman akong balak magtagal dito sa Pilipinas, pagbibigyan ko lang ang gusto Ni ate Weng at Ate Chellie para hindi na nila ako kinukulit. "Arjhay, doon muna kayo ng pamangkin ko tumuloy sa bahay nain, bukas ipapaayos ko ang bahay ninyo at kukuha pa ako ng mga kasambahay na makakasama ninyo." maawtoridad na sabi sa akin ni Ate Weng. "Pwede bang sa penthouse na lang kami ng anak ko Tumuloy, kaya ko naman." sagot ko, umaasa na papayagan niya ako. "No!" mariin niyang sabi. "You stay in our house, huwag ka ng tumanggi dahil hindi ako papayag na lumipat ka ng penthouse mo. Wala kayong kasambahay, paano kung maisipan mo na naman mag lasing? Paano ang pamangkin ko? Mag isip ka nga Arjhay, may anak ka na. Unahin mo si Heaven bago yang nararamdaman mo." mataas na ang tono ng boses ni Ate Weng. "Bro, sumunod ka na lang sa ate mo, wala ka rin magagawa dahil hindi naman yan papayag na mag stay kayo sa ibang house. Sundin mo na lang siya hanggang sa makahanap siya ng katulong at yaya ng anak mo." sabi ni Kuya Ethan. Hindi na ako sumagot pa, alam ko naman na pag sinabi ni ate wala ng dapat pag usapan pa. Nakarating kami sa mansion nila Ate Weng at sila kuya Trot at Ate Chellie naman ay sa katabing bahay lang nila. Meron din akong bahay dito na katabi lang din nila pero hindi ko pa iyon natitirahan. Dito sana kami lilipat ni Azalea pag gumaling na siya. Pero ngayong wala na siya, kami na lang ng anak ko ang titira. Malungkot pero wala nama akong magagawa, kailangan kong magpatuloy sa buhay para kay Heaven. "Ipasok mo muna si Heaven sa room ni Anika, may isang bed doon na pinalagay ang pamangkin mo para kay Heaven." Utos sa akin ni Ate. Inakyat ko na ang anak ko sa room ni Anika at marahang inihiga siya sa kama. Nang maiayos ko na siya ay lumabas din ako ng silid nila at dumiretso sa aking silid. Naghubad ako ng damit ako at pumasok ako sa banyo, dito ko naramdaman na parang pagod na pagod ako. Tumapat ako sa shower head at nagsimula ng dumaloy ang maligamgam na tubig sa aking katawan. Ipinikit ko ang aking mata, muli na namang bumalik ang sakit dahil ang balintataw ni Azalea ang muli kong nakita sa aking isip. Nakangiti siya at masayang nakikipag usap sa akin. "Azalea, tulungan mo akong makabangon mula sa sakit na dulot ng pagkawala mo. Alam kong hindi mo gustong nagkakaganito ako, pipilitin kong makabangon mula sa sakit at pighati. Itutuon ko ang aking sarili sa trabaho at pagpapalaki ng ating anak, pero mananatili ka pa rin sa aking puso at isipan. Mahal ko, ikaw lang ang mamahalin ng puso ko." umiiyak kong sabi na animo nakikipag usap ako sa namayapa kong asawa. Matapos akong maligo ay agad na akong lumabas ng banyo, tinuyo ang aking buhok at nag suot ng boxer brief. Hindi ako sanay matulog na nakadamit tanging boxer brief lamang ang suot ko kapag natutulog ako. "Daddy... Wake up, I'm hungry," sabi ng maliit na tinig ng aking anak. Binuhat ko si Heaven mula sa gilid at pinahiga ko siya sa tabi ko. "What do you want for breakfast?" inaantok kong tanong sa anak ko. "Dad, can you make me a pancake?" "Okay, let me fix myself first. Go to the kitchen and wait for me there. Tumalon na ang anak ko sa kama at tumakbo na palabas ng kwarto ko. Alam kong hindi pa batid ni Heaven kung ano ang nangyari sa mommy niya. Ayaw ko siyang biglain, marahil kaya gusto ni Azalea na mag asawa akong muli ay para magkaroon si Heaven ng matatawag niyang mommy. Hindi ko lang alam kung kakayanin ko pang magmahal muli, si Azalea lang ang babaeng tinatangi ng puso ko. Hanggang sa huli siya lang ang mamahalin ko. Nang makapag hilamos at toothbrush na ako ay nagsuot na ako ng jogging pants at sando. Lumabas ako ng silid ko at naglakad patungo sa may hagdan. Mula dito sa taas ay dinig na dinig ko ang boses ni Anika at ni Heaven na malakas na nagtatawanan. Kalaro din nila ang dalawa pang kakambal ni Anika na sina Mavy at Liam. Triplets ang panganay na anak nila Kuya Ethan at Ate Weng. Wala pa dito ang anak ni Ate Chellie at kuya Troy na si Keiko. Mabuti na rin siguro na narito kami sa Pilipinas para malibang ang anak ko kasama ng mga pinsan niya. Pagbaba ko sa hagdan ay agad akong sinalubong ng anak ko. "Daddy, can you play with us?" hila-hila na ni Heaven ang kamay ko at dinala ako kung saan sila nag lalaro ni Anika ng barbie house. "Baby, I thought you want to eat pancake, magluluto lang si daddy para makapag breakfast ka na ha." malambing kong sabi sa aking anak. "Huwag ka nang magluto, nag paluto na ako kay manang ng almusal ng mga bata. Kailangan natin mag usap Arjhay, sabi ni Kuya Troy ikaw daw muna ang humawak sa family business natin na nasa makati. Hindi niya na maharap kaya ikaw na ang humalili. Tutal Engineer ka naman, mas dapat nga na ikaw na ang mamahala sa SAAVEDRA CONSTRUCTION BUILDERS. Ako na ang bahalang maghanap ng mga kasambahay mo at pti ng yaya ni Heaven. Magpapahanap ako sa probinsya tamang tama uuwi si Manang Sabel ng Quezon baka may kamag anak siya na gustong maging yaya." sabi sa akin ni Ate Weng. "Napalinis muna ba ate ang bahay ko? Kailan ba kami pwedeng lumipat?" tanong ko bago ako humigop ng kape ko. "Anytime pwede na kayo lumipat, ipapasama ko sa inyo ang 2 kong katulong at dalawa din kay kuya Troy. Sa laki ng bahay mo hindi yan kaya ng dalawang kasambahay lang." sabi ni Ate. "Yaya na lang ni Heaven ang hahanapin ko, gusto ko may mga pupunta mamaya dito para sa interview at depende kung magugustuhan ko sila. Pansamantala habang wala pang yaya si Heaven ay pwede mo muna siyang iwan dito para may kalaro siya kapag pumasok ka na sa office mo." muling sabi ni Ate Weng. "Okay, mukhang naplano muna lahat kaya bahala ka na ate." sagot ko. "Mamaya lang ay darating na ang apat na aplikanteng mag aapply para maging yaya ng pamangkin ko. Gusto ko isa ka sa titingin sa kanila para makita mo din kung pasok sa standard mo." tumango lang ako at nagsimula ng kumain. Pagkatapos namin kumain ay bumalik muna ako sa kwarto ko bago maligo. Hindi naman ako nagtagal sa paliligo, saktong pagtapos ko ay may kumakatok na sa pintuan ng silid ko. "Sir, pinapatawag na po kayo ni Ma'am Weng nasa baba na raw po ang mga aplikante para maging yaya ni heaven." narinig kong sabi na kasambahay. "Pakisabi bababa na ako." mahina ko ring sigaw. Nagmadali na ako sa pag bibihis at agad na lumabas ng silid ko. Pumasok ako sa library kung saan ni Ate Weng iinterview-hin ang apat na aplikante. Nadaanan ko pa sa sala ang 3 babae, sa tingin ko nasa mid 20's or 30's na sila. Hindi ko naman sila masyadong pinansin at dumiretso na ako sa library. Nilapitan ko si Ate at tumabi ako sa kanya. "This is my brother, sya ang father ng batang aalagaan mo kung sakaling matatanggap ka." Pakilala ni Ate Weng sa akin. "Mahilig ka ba sa bata at mahaba ba ang iyong pasensya?" diretsahan kong tanong. "Opo naman sir, Lalo na kung kasing gwapo niyo po ang daddy." sagot niya na ikinataas ng kilay ko. Hindi pa siya natatanggap pero pinakita niya na agad na hindi trabaho ang hanap niya. "Miss, hindi ako ang aalagaan mo kundi ang anak ko. Mag apply ka na lang ulit kung kaya munang mag alaga ng bata." seryoso kong sabi sa kanya. Saka ko pinatawag ang susunod na aplikante. "Good morning, Ma'am, Sir." "Ayon sa resume mo, pang anim na ang pamangkin ko na aalagaan mo? Bakit ka umaalis sa dati mong amo?" tanong ni Ate. "Kasi po madam, masama po ugali ng mga nagiging amo ko. Saka alam niyo po ba kadalasan sa mga naging amo ko may kabit sila kaya lagi sila nag aaway na mag asawa. Minsan nakikita pa naming binubogbog ang ang madam ko." sagot niya. "Miss, interview ito kung paano ka mag alaga ng bata, hindi para ichismis sa amin ang kwento ng mga naging amo mo. Pwede ka ng lumabas, ayaw ko sa lahat ang chismosang yaya." naiirita kong sabi. Pinatawag na namin ang pangatlo pero same ng nauna mukang hindi naman anak ko ang gusto niyang alagaan. Kaya pinalabas ko agad, at pinatawag yung pang apat. Pagpasok niya pa lang ay napakunot na ang kilay ko. "Miss, ano ba inaapplyan mo?" salubong ang kilay na tanong ko. "Yaya po," may kalandiang sagot niya, "Ayun naman pala, hindi kailangan na labas ang cleavage mo dahil mag aalaga ka lang ng anak ko." "Sir sa ganito po kasing damit ako komportable." sagot niya pa. "Pwes, sa club ka na lang mag apply baka doon matanggap ka. Mag aalaga ka ng bata kaya hindi mo dapat ilabas yang dibdib mo. Pwede ka nang umalis." sabi ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang ako, ganito na ba ang mga nag aapply ng Yaya mukang yung amo naman ang gusto nilang alagaan hindi ang bata. Marami na akong nakitang ganoong klaseng babae noong binata ako. Kaya alam ko na ang galawan nila, ayaw ko ng pinapakitaan ako ng motibo, tapos kapag pinatulan mo at inayawan huhuthutan ka na nila. "Ate, wala na bang mas matino pa sa mga aplikante mo. Di ba le ng walang yaya si heaven kung mga ganun klase lang din naman ang magiging yaya niya." inis kong sabi kay Ate, "Pwede ba kumalma ka nga, paano tayo makakahanap ng yaya ni Heaven kung ganyan ka naman kasungit. Hinahanapan mo sila ng mali, okay naman yung pangatlo ikaw lang ang problema." sabi sa akin ni Ate. "Gusto kong maging yaya yung kayang alagaan ang anak ko at hindi ako ang babantayan. Yung makikita kong may malasakit kay Heaven at sad to say hindi ko nakita yon sa kanila." sabi ko kay ate. "Okay magpapahanap ako kay Manag Sabel, uuwi siya sa probinsya nila at baka doon merong gustong pumasok ng yaya." sabi sa akin ni ate, "Bahala k na ate basta hindi lang mukang malandi nakagaya ng apat na nauna. " sagot ko sa kanya saka ako lumabas ng library at hinanap ko ang anak ko para makalaro ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD