ELARA LACANILAO Hiyang hiya ako sa ginawa ni Sir Arjhay, imbes na siya ang gugulatin ko, ako ang nagulat sa nagkita ko. Hindi ko alam kung anong parte ng katawan ko ang tatakpan ko. Kahit tulog nakita kong mahaba at malaki siya. Malaki ang ano niya.... ang junjun niya, paano ko pa siya haharapin nito. Masyado ng makasalanan ang mata ko. Nakahnga lang ako ng maluwag ng makalabas ako sa silid niya, iniwan ko siya halos mamatay na sa kakatawa dahil sa kabastusang ginawa niya. Kinarma na yata ako, puro kasi panggugulang din ginagawa ko kay Sir Arjhay. Bahala na, hindi ko na lang muna siya papansinin kapag nakita ko siya. Pinuntahan ko na sa silid ang alaga ko para hilamusan at ng makapag almusal na siya. Pumasok ako sa silid niya at nakita ko ngang gising na siya. "Good morning, Yaya! I dr

