ARJHAY SAAVEDRA "Sir, gising binabangungot ka po!" malakas na sabi ni Elara sa akin halos matabingi ang pisngi ko dahil sa pag sampal niya. "Bakit mo ako sinampal? Alam mo bang ang lakas ng sampal mo," galit kong sigaw kay Elara. Para akong nabingi sa lakas ng sampal niya na parang umuugong tuloy ang tenga ko. "Sir, narinig kasi kitang umuungol kanina pa kita inuuga hindi ka magising, wala na po akong ibang choice kundi sampalin ka. Effective naman, ayan nagising ka na." katwiran niya sa akin. "Get out of my room!" sigaw ko sa kanya. "Uli-uli huwag kang papasok dito sa kwarto ko." galit kong sabi. Nanghihinayang ako, dahil sa kanya nagising ako, minsan na lang magpakita sa akin si Azalea. Kahit anong pikit ko hindi na ulit siya bumalik sa panaginip ko. Nakaramdam na naman ako ng lun

