ARJHAY SAAVEDRA "Sir, huwag mong kakalimutan mag drive thru sa makdo, nagugutom na kasi ako." paalala sa akin ni Elara. "Okay, sige, pero wag mo din kakalimutan ang done deal kiss ko." natatawa kong sabi, actually sinusubukan ko lang talaga siya, pti yata ako nahahawa na sa kakulitan niya. "Sir, joke nga lang po yun, ikaw naman di na mabiro." sabi niya sa akin. "Ah ganun ba? Eh di joke din yung salary increase ko at makdo." seryoso kong sagot sa kanya. "Ay, walang ganun, Sir. Ang usapan ay usapan, huwag mo akong binubudol. Nag done deal na tayo kaya tapos na." giit niya sa akin. "Hindi pa tapos kasi wala pa ang done deal kiss ko." giit ko rin sa kanya. Nakita kong pumikit ang mata niya na para bang nagpipigil ng galit niya, hinayaan ko na lang siya. Tinuon ko na lang ang atensyon ko

