"I love you!" ani Gino kay Jenny. Napanganga ang dalaga sa pinagtapat ng binata. Ang pinakahihintay ni Jenny na marinig mula kay Gino. "Sigurado ka ba diyan sa sinasabi mo?" nakatitig ba tanong ni Jenny kahit na sa kaloob looban ng kanyang puso ay labis labis ang kanyang katuwaan. Lumalakas ang pintig ng kanyang puso. "Oo. Mahal kita. I know it takes time na ipagtapat ko sa 'yo ang feelings ko pero Jenny, sigurado ako sa nararamdaman ko. Sigurado na ako." buong pusong sagot naman ni Gino. Pansamantalang nag-isip si Jenny. This is it pansit ika nga. Walang pagsidlan ang saya sa kanyang puso. Ngunit sa likod ng kanyang isip ay may Sam. Kung tatanggapin niya ngayon ang pag-ibig na iniaalay ni Gino, napaka-unfair naman kay Sam kung hindi man lang siya magsasabi sa lalakeng noong una pa lan

