bc

Mr. Sungit is my Patient (Completed)

book_age18+
4.9K
FOLLOW
16.2K
READ
drama
comedy
twisted
sweet
humorous
lighthearted
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

This is about a story of two individuals with different views and characters. Si babae ay isang masayahin, easy to get along, palakaibigan at bungisngis habang si lalake ay daladala ata lahat ng bigat sa mundo. Masungit, perfectionist at higit sa lahat hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at hindi alam magsabi ng salitang sorry.

Pagtatagpuin sila ng isang pangyayari na babago sa kani-kanilang buhay. Can Jenny turn Gino into a happy man? Magkakasalubong kaya ang kanilanh mga damdamin in the long run? Iyan ang abangan!

Ito ay kwento hina Gino at Jenny!!!! (^-^)

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Kriiiiiiing!!! Kriiiiiiing!!" Tunog ng phone ang gumising kay Gino sa umagan iyun. Pabaling baling siya sa kamay saka marahang kinapa ang phone na nakalapag sa lamesita malapit sa kanyang kama. "Hello?" sagot niya na hindi man lang tinignan kung sino ang tumatawag dahil pikit pa ang mga inaantok pang mata. "Gino! What the hell!! Where are you!" sigaw ng boses sa kabilang linya na nakapagpamulat bigla sa kanyang mga mata. Pamilyar na boses na kapag naririnig niya ay parang tumatayo ang mga balahibo niya sa nerbiyos, ang kanyang Papa. "Pa good morning." nakuha pa niyang bati habang paupo sa gilid ng kama. "Nakuha mo pang mag-good morning? Asan ka na ba? The clients are waiting here!" ani ng matanda. Tiningala niya ang orasan sa kanyang dingding and he got shocked ng makitang 9am na pala. "Oh my! Pa sorry. I'm on my way na." sagot niya at dali-daling ibinaba ang tawag at mabulis nang tinungo ang banyo para maligo. Si Gino ay nag-iisang anak nina Mr. Alejandro at Mrs. Silvia Alarcon na nagmamay-ari ng mga hotels and resorts sa Pilipinas. Nag-iisang anak lang nila si Gino ngunit hindi nila ito ginawang spoiled bagkus ay mahigpit sila dito lalong lalo na ang ama. Kapag nagsalita ang ama ay parang batas na sa kanila kaya naman lumaki si Gino na takot sa ama. Matapos makapagbihis ay dali-dali na niyang pinulot ang mga papeles na kakailanganin niya para sa kanyang business presentation sa mga kliyente. They are looking for investors sa bagong bukas nilang resort sa Laguna. Pagdating niya sa kanlang main office ay nasa labas na ng conference room ang ina at ama niya. Halatang galit ang ama sa itsura pa lang nitong nakahalukipkip at kunot na kunot ang noo. "Where have you been?" agad na tanong ng kanyang ama paglapit na paglapit niya. Nakayuko lang sya dito. "Mamaya na 'yan. Naghihintay ang mga kliyente sa loob." putol ng ina nito. Umirap lang ang ama niya sakanya saka inayos ang kanyang damit bago tuluyang pumasok sa loob. "Bakit ba lagi ka na lang ganyan huh Gino? Kailan ka ba magtatanda? Alam na alam mong ayaw ng Papa mo ang pinaghihintay siya." sermon ng ina. "Ma, pwede huwag muna ngayon?" aniya saka pumasok na sa loob. Ang Papa niya ang CEO ng kompanya at ang Mama naamn niya ang President at si Gino ang Vice-President. "Sorry for keeping all of you wait, i'll take the blame for that." ani Gino ng humarap na sa mga kliyente nila. Agad niyang sinimulan ang kanyang presentation. Hinintay muna ng Papa niya na makaalis ang mga tao sa conference room bago siya hinarap. "What was that?" tanong ng ama ng makaalis na ang lahat. Tinignan niya ito ng mapagtanong na tingin. "What?" "Kailan ka ba titino huh Gino? Wala ka na ba talagang aatupaging maganda kundi 'yang pagsu-surfing na yan at pati ang mga obligasyon mo dito sa opisina ay nakakalimutan mo na?" singhal ng ama dahil ito sa pagkalate niya. "Sorry Pa. I didn't mean to and besides tapos na din naman and it went well." mahinahon niyang sagot. "Hindi ka magtatanda kung palagi kang may rason na lang sa lahat!" galit na tugon ng ama saka binato sa harapan ni Gino ang hawak hawak na folder. Natahimik lang si Gino at ang ina naman niya ay ganun din. Kung ano kasi ang sasabihin ng ama ay 'yun ang masusunod kahit minsan ay labag na sa kanyang kalooban. Naghahari ang respeto at takot niya dito ganun din ang ina. Binuksan ni Gino ang laman ng folder saka binasa. "Papers for Transfer" Dahil sa palagi kang ganyan, i want to transfer you sa ating isang kompanya sa Laguna. You wll be incharge in there. This will be a challenge to you and i don't want disappointments Gino you know me." matapang at ma-awtoritado niyang wika. "Pero Pa...." "Sundin mo na lang ang Papa mo para hindi na magkagulo." putol naman sa kanya ng ina. Wala na siyang nagawa kundi sundin ang sinabi ng ina. Lalo lang magagalit ang Papa nito kung susuway pa siya. Nasa kanya naman kasi ang blame kung bakit dahil mas inaatupag nga niya ang surfing sport niya. "Okay." sagot na lang niya. Paglabas na paglabas niya sa conference room ay dire-diretso siyang pumasok sa kanyang opisina na kunot ang noo. Kitang kita iyun ng kanyang sekretarya kaya naman agad itong nanahimik at pumwesto sa kanyang desk dahil sa takot na siya ang mapagbalingan ng galit nito. SA KABILANG BANDA.. "Mommy smile naman diyan. Say cheese." kulit ni Jenny sa kanyang ina habang nakahawak ito sa kanyang digital camera. Ipinopokus nito ang lente sa mukha ng ina. "Ano ka ba Jenny. Tumigil ka nga. Nakikita mong busy ako sa niluluto ko." saway naman ng ina niya. "Eh hindi naman kita hinahawakan.Just hold that carrots and smile sa camera.Tapos!" sagot naman niya. "Ay ewan ko talaga sa 'yong bata ka." "Dali na...." pilit sa ina. Dahil sa pangungulit niya sa ina ay naubliga tuloy siyang hawakan ang carrots at ngumiti sa harap ng camerang hawak ni Jenny. "Click" tunog ng camera sabay ng pagflash ng lights nito. "Ayun. Oh kitams mudra, maganda ka." wika niya habang pinapakita sa ina ang kuinuhang litrato. Napapangiti naman ang ina habang pinagmamasdan ang kanyang litrato. Isa lang ito sa mga araw na kinukulit sya ni Jenny para sa picture taking. Nakahiligan kasi niya ito ang pagkuha ng ma larawan and it became her hobby aside sa trabaho niyang physical therapist sa isang private hospital. "Ngayon siguro naman ay lubayan mo na ako sa pangungulit mo na 'yan at kailangan ko ng matapos na lutuin ang tanghalian natin. Uuwi ang daddy mo galing trabaho kaya dapat matapos na ako." ani ng ina. "Sure 'tas mamaya picture ulit tayo nila daddy hahaha." natatawang sagot niya. Agad niyang iniwan ang ina sa kusina para pumasok sa kanyang kwarto. Agad siyang umupo sa harap ng kanyang laptop, binuksan ito at tinanggal ang memory card ng kanyang camera saka isinaksak sa bukas ng laptop. Isa -isa niyang pinagmasdan ang mga larawang laman ng memory card na 'yun. Mga larawang matagal nang nakaimbak dito. Larawan nila ng kanyang Mommy at Daddy at mga kaibigan niya. Tumapat ang larawan ng kanyang bestfriend na si Myleen na nakabase na ngayon sa Us kasama ng pamilya. Biglang naisapian niyang kausapin ito thru skype, swerte naman na online ang isa. "Oh anong balita sa 'yo diyan jenny my friend?" tanong ni Myleen. "Naku heto okay lang naman. Wala akong trabaho ngayon. Eh ikaw? Buksan mo kaya 'yang video mo ano ng makita naman kita." "Huwag na pangit ako ngayon." tanggi ni Myleen. "Kailan ka ba kasi naging maganda aber?" biro ni Jenny na nakapagpatawa sa kanilang dalawa. "Shunga ka talaga kahit kaylan Jenny." "Ang sarap mo kasing asarin eh. Nagtitingin ako ng mga pictures sa laptop ko eh nakita kita kaya tinawagan kita kaagad. Bigla kita namiss friend." "Namiss din kita alam mo ba, kahit na may pagkashunga-shunga ka minsa. Oh ano hindi ka pa ba mag-aasawa?" paibang tanong ni Myleen. "Boyfriend nga wala eh, asawa pa kaya? Hello? Hahahaha." "Hahaha. Maghanap ka na kasi abah! Trenta ka na uy!" "Huwag mo nga maipaalala ang edad ko at nagmumukha akong matanda masyado. Edad lang 'yan Myleen pero sa mukha hindi naman ako papatalo sa mga bainte singko anyos ano." buong pagmamalaking sagot ni Jenny na tama naman. Kahit treta anyos na siya ay hindi halata sa kanyang mukha dahil na din siguro sa alaga niya ito at sa pagiging masayahin niya. "Aysus! Nagbuhat na naman ng bangko ang isa diyan. Anong silbi ng ganda kung walang asawa aber? Hahaha." biro ulit ni Myleen. "Ewan ko sa 'yo! Hahahaha. Umuwi ka na kasi para makapagbonding na tayo in person saka may bagong bukas na resort dito sa Laguna, papicnik ka 'pag-uwi mo." "Sige ba, basta sa pag-uwi ko may fafa ka na." singit ulit ni Myleen sa usapang boyfriend. "Jenny! Halika na kain na!" tawag ng ina niya mula sa kusina. "Sige po 'My nandiyan na!" sigaw din na sagot sa ina. "Oh pa'no out na ako, sa uulitin ulit tinatawag na ako ni mommy. Ingat ka na lang diyan huh. I love you shunga!" paalam sa kaibigan. "Sige ingat. Babush nganga. Hahahaha" nakuha pang magbiro ulit ni Myleen. Natatawang bumaba sa kusina si Jenny dahil sa kagagawan ng kaibigan. Bagay talaga silang magbestfriend dahil sa kanilang kabaliwan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
781.7K
bc

POSSESIVE MINE

read
972.4K
bc

The Billionaire's Obsession

read
2.8K
bc

CEO SINGLE DAD OWN BY NANNY ( Tagalog )

read
427.8K
bc

Taz Ezra Westaria

read
107.2K
bc

My Ex, My Client (TAGALOG/TAGLISH)

read
416.3K
bc

Billionaire's Twins

read
264.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook