Chapter 2

1486 Words
Habang kumakain silang pamilya sina Jenny ay ngsalita ang ama. "Jenny iha, ano na? Kailan ka ba mag-aasawa?" tanong nito. "Pa.... Bakit nauumay na ba kayo sa pagmumukha ko na lagi ninyong nakikita?" ngiti niya. "Hindi naman sa ganun. Tumatanda ka na eh nag-iisang anak ka lang namin sana naman makita pa namin ang apo namin bago man lang kani mamatay." sagot ng ama. "Pa, antayin niyo na lang darating din tayo diyan. Sa ngayon eh ako muna ang baby ninyo. Hehe." pabiro ulit niya. "Ikaw talagang bata ka. Yang pagkuha ng larawan kasi ang lagi mong inaatupag kapag wala kang trabaho kaya naman walang makaporma na ligawan ka." singit ng ina. "Huwag na idamay ang photography sa usapang ito dhil 'yun ang boyfriend ko ngayon." sagot naman niya. "Kahit kailan puro ka kalokohan." ang ama. Kinabukasan ay pumunta siya sa bahay ng isa sa kanyang pasyente, kina Mr. Eddie Villaflor. Siya ang pasyente niyang tanging dinadayo niya sa kanilang bahay para sa kanyang therapy. Iyun kasi ang gusto ng pamilya ng matanda para hindi na bumiyahe pa papunta sa ospital na pinagtatrabahuan ni Jenny. Tatlong araw sa loob ng isang linggo lang naman ang therapy ng matanda kaya ibinibigay niya ang Martes, Huwebes at Sabadong araw niya. "Good morning sir Eddie." magiliw niyang bati sa matanda. "Wow! Nandito na ang hinihintay ko." sagot naman ng matanda na nakaupo sa kanyang wheelchair. "Mukhang hinihintay mo talaga ako ah sir Eddie? Excited ka na ba sa therapy?" tanong niya. Lumapit ang asawa ng matanda. "Naku Jenny kanina ka pa niya inaantay.Gusto daw niya sa may tabing dagat pumunta at doon mo na daw siya i-therapy kahit huwag muna daw ang usual na ginagawa mo. Ewan ko ba bat gusto niya pumunta doon." paliwanag ng asawa ng matanda. "Malayo po ba dito ang beach?" naitanong ni Jenny. "Hindi naman. Ipahahatid ko na lang kayo sa driver kung payag ka.".sagot ng ginang. "Hmmmmm. Sige po. Baka kailangan nga ni Sir ng preskong hangin baka doon na siya tuluyang gumaling." nangingiting sagot niya. Inihanda na nila ang gagamitin saka sila lumakas na. Sampung minuto lang ang biyahe mula sa bahay ng mga Villaflor sa beach. "Saan ba dito manong ang walang masyadong tao?" tanong ni Jenny sa driver. "May alam po ako Ma'am na hindi pa masyadong dinadayo dito." sagot ng driver. "Sige doon na lang tayo para mas tahimik si Sir Ed." sagot ni Jenny. Samantala... Nag-iimpake na si Gino sa loob ng kanyang opisina. Kailangan niyang makuha ang mga dapat niyang dalhing gamit para aa paglipat niua sa Laguna. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya sang-ayon sa pagtatransfer sa kanya ng ama ngunit wala naman siyang magaw kundi ang sundin ito. "Hay naku pare, kung hindi lang dahil kay Papa at sa negosyo hindi ako luluwas papuntang Laguna." reklamo niya sa kanyang kaibigan habang nag-uusap sila sa phone. "Medyo malayu-layo ka din sa barkada kung ganun. Paano na ang mga ginagawa natin dito 'di hindi ka na niyan makakadalo?" tanong naman ng kaibigan. "Iyun na nga pare ang ayaw ko. Alam mo naman ako hindi ako napipirmi sa bahay." kunot noong sagot niya. "Sabgay okay din sa Laguna ka, mas mapagtutuunan mo ng maigi ang pagsusurf mo kapag wala ka nang trabaho. Hayaan mo dadalaw dalawin ka namin doon para sa mga surfing activities." ani ng kaibigan. "Sige pare. Alis na ako. Kailangan ko pang mag-empake ng damit ko. Baka once in a while nalang ako uuwi from Laguna katamad magbibiyahe." paalam sa kaibigan. "Sige pare." Kinagabihan ay kinausap ulit siya ng kanyang Papa. "Gino trabaho ang pupuntahan mo dun huh baka aatupagin mo na naman yang pagsusurf mo." paalala niya. "Hayaan mo iho kapag may oras kami ay kami na lang ang pupunta sa 'yo. May sarili kang titirhan doon sa resort kaya huwag kang mag-alala." segunda ng ina. "Sige po." Nagpaalam na sa mga magulang at napagpasyahan niyang doon na lang sa resort maghahapunan. Ilang oras din ang biyage mula Maynila hanggang Laguna. Dala dala niya ang kanyang sasakyan ay binaybay niya ang kahabaan ng daan. Nang makarating siya ay namangha siya sa ganda ng beach. Taman tamang matatanaw mo ang dagat mula sa kanyang sariling bahay. Ilang metro lang ang layo nito mula sa dalampasigan at sa maputing buhangin ng dagat. "Okay.. Not bad." kausap sa sarili. May kinuha din na parang tutulong sa kanya sa mga pangangailangan niya. Under-renovation pa ang resort kaya naman hindi pa kumpleto. May ginagawa pang parang tulay sa may dagat na sa tantiya niya ay mahigit 50 metro at may maliit na kubo sa dulo. Maganda talaga ang lugar kaya naman pala siya ang ipinadala ng Papa niya dito para masupervise ang trabaho. Ilang sandali pa ay dumating ang engineer. "Hello Mr. Alcantara! I'm Engineer Sammuel Villaflor na umaasikaso sa development ng resort." iniabot ng lalake ang kamay. Agad naman na tinanggap iyun ni Gino. "Hello. Just call me Gino." sagot ni Gino. Halos magkaedad lang kasi anh kanilang itsura. "Tinawagan ako ng Daddy mo to tour you around the perimeter " ani ng Engineer. "Si Papa talaga. Okay. Just let me have my cap first." sagot niya saka dali daling kinuha ang sumbrero. Inuna nila napuntahan ang pangalawang Inn na pinapagawa saka sinunod ang restaurant/bar at saka iba pang mga pwedeng magamit ng ma bibisita doon. Matapos iyun ay sa mga cottage naman sa may malapit sa dalampasigan. Nagpalagay sila ng mga maliliit na cottages para silungan ng mga nagsuswimming oh magpapahangin lang. "Ilang buwan pa ba bago matapos ang lahat?" tanong ni Gino. "Maybe a month or so. Konti n lang naman ang gagawin dito." sagot naman bi Engineer. "Okay. Gusto ko kasi na magpabukas na kami para masimulan na ang pagtanggap ng mga bisita dito. Siya nga pala, ying cottage doon tapos na ba?" taning niya habang itinuturo ang cottage na nilagay sa may tulay sa gitna ng dagat. "Malapit na. Maglalagay na lang kami ng lights doon then okay na." sagot naman ng isa. Iginagala ni Gino ang kanyang mga mata sa paligid ng may mapansing tao sa doon. "Is it allowed na magpapasok ng mga tao dito?" nakakunot ang noong tanong ni Gino. "I guess not. May signage naman ata sa may bungad." sagot naman ni Engineer saka tinignan ang direksiyon ng mata ni Gino. "I will just handle that." dagdag niya ng makita na may nakapasok nga. "No. I will do it. Magkita na lang ulit tayo kapag may iko-consult ako." sagot niya at nagpaalam na. Tinungo niya ang kinaroroonan ng taong nakita na nakapasok sa kanilang property. Habang papalapit siya ay nakikinita niya ang isang babaeng na may tulak-tulak na wheelchair. Lunapit pa siya sa mga ito. Nang siguradong maririnig siya ay doon na siya ngsalit. "Miss hindi mo ba alam na bawal kayo dito?" wika niya. Napalingon ang babae. "Hello. Bawal ba? Wala kasi akong nakitang sinage eh." paliwanag naman ng babae. "By the way i'm Jenny and his Sur Eddie." pakilala ni Jenny. "Hindi ko tinatanong ang pangalan mo o ang kasama mo. Ang sinasabi ko ay bawal kayo rito." matapang na sagot ni Gino. Umarangkada na naman ang pagkasuplado nito. Nabigla si Sur Eddie sa inasta ng lalake na nasa harapan nila. "Pwedeng sandali lang kami dito? Hindi kasi namin alam." si Jenny ulit ang sumagot. "Hindi pwede!" giit ni Gino. "Ang damot naman ng lalakeng ito." sa isip ni Jenny. Dahil doon ay may naisip siya. Bumulong siya kay Sir Eddie. "Sir, supalpalan mo nga ang mayabang na 'yan." bulong niya. Napangiti naman ang matanda. Alam niya ang ibig sabihin ni Jenny s kanyang sinabi. "Ehem!" ani Sir Eddie. "Iho, hindi naman siguro kawalan sa yaman mo kung tatambay lang kami dito ng mga ilang minuto." malumanay ngunit may hapit na wika ng matanda. "At saka iho maganda ang pakikipag-usap ng kasama ko sana naman umasta kang tao kasi tao din kami na humarap sa 'yo." patuloy ng matanda. Parang binuhusan ng malamig na tubig si Gino sa wika ng matanda. Si Jenny naman ay palihim na ngumingiti. "Sige hahayaan ko kayo ngayon pero dapat hindi na ito mauulit." bawi na lang ni Gino sa pagsusuplado niya. Nang makalayo ang lalake ay doon na pinakawalan ni Jenny ang halakhak na kanina pa niya pinipigil.. "Hahahaha. Ang galing niyo Sir Eddie. Walang sinabi talaga sa inyo ang Mr. Sungit na 'yun." tawang tawa na wika ni Jenny. "Ang dami mo kasing alam eh ayun wala tuloy nasabi." tugon naman ni Sir Eddie....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD