Chapter 3

1551 Words
Habang nagtatawanan sina Sir Eddie at Jenny ay nauulinigan iyun ni Gino na lalong nagpa-init sa kanyang ulo. Nakukunot ang kanyang noo na lumayo sa dalawa. Nang makarating siya sa kanyang tinutuluyan ay padabog na ibinagsak ang phone sa sofa. "Shiiiit!!!" sigaw niya. Dahil sa inis ay iisa lang ang makakapagpakalma sa kanyang bararamdaman, 'yun ay ang pagsurf. Dali dali niyang kinuha ang mga gagamitin niya saka nagpalit ng kanyang swimming trunk saka lumabas ng bahay. Ilang metro lang ang layo ng kanyang kinalalagyan sa dagat kaya naman ay nilakad nlang niya. Paglingon niya sa kinaroroonan ng babae at matanda na sumira sa kanyang mood ay wala na ang mga ito. Agad siya lumusong sa dagat at taman tama na medyo malalaki ang mga alon sa mga oras na 'yun. Minaniobra niya ang bawat along hahampas sa surfing board niya. Isabg oras din siyang nakalusong sa dagat bago siya umahon at umuwi na. Habang nagbibihis ay nakatanggap si Gino ng mensahe sa phone niya galing kay Stephanie. Si Stephanie o Steph kung tawagin ng mga kaibigan ay isang Orthopedic Surgeon at dating kasintahan ni Gino na nakilala niya habang nag-aaral ang una bilang doktor. Bilang mas pinagtuunan ni Stephanie ang pag-aaral at ang practice niya bilang isang surgeon ay nakipaghiwalay siya kay Gino but still they became good friends kahit na ganun ang nangyari. Steph was assign in a Laguna General Hospital as a Surgeon. "Gino, i heard you're here in Laguna?" tanong ng isa sa text. "Aaah yes!" sagot naman ni Gino. "Pasyalan mo naman ako dito sa ospital, we'll gonna have lunch together." anyaya ni Steph. "Okay. Balak ko talaga sanang pumunta diyan ngayon. I will be there in 30 minutes." sagot naman niya. Dali dali siyang nag-ayos. Nagsuot lang siya ng pants and hia favorite shirts to wear kung lumalabas siya, collared shirts. Ayaw na ayaw niya nagsusuot ng mga longsleeve polos dahil hindi siya komportable. He only use them when he attend functions and big meetings. Nang makapag-ayos na ay lumabas na suya agad. Samantala.... Nag makauwi sina Sir Eddie saka Jenny sa bahay ng una ay hindi pa rin makaget over ang dalaga sa oagpapahiyang ginawa ng matanda sa lalakeng may-ari ng resort. Nangingiti pa rn siya kung naiisip niya. "Sir Eddie next time ulit huh?" aniya sa matanda. "Salamat ulit s oras mo Jenny. Ang sarap mong kasama kaya naman gustong gusto kitang lagi nandito." sagot ni Sir Eddie. "Kung pwede lang sana la araw araw Sir kaso may iba din akong mga pasyente.. Hayaan mo pagbalik ko ipapasyal kita ulit pero hindi na doon sa pinuntahan natin baka magalit na naman ang masungit na 'yun. Hehehe." wika sa matanda. "Sige sige gusto ko 'yan." nangingiting sagot ni Sir Eddie. Nagpaalam na si Jenny sa mag-asawa saka umalis. Dahil tanghalian na ay dumiretso siya sa kanilang bahay para doon na magtanghalian. Nakaugalian na din kasi ng ama na umuwi para lang kumain, malapit lang naman ang trabaho sa bahay. "Hello mother earth!" bati sa inang naghahanda ng pagkain sa kusina kasama ng kanilang katulong. "Mother earth?" kunot noong tanong ng ina. "Mama, mudra, ina! Hahaha" tawang tawa na biro niya. "Sa dami ng mga kalokohang alam mo!" sagit ng ina saka pumulot ng maliit na munggo saka binato sa kanya. "Hahahaha.. Biro lang. Anong ulam?" "Gumawa kami ng paborito mong Sinigang na isda." "Wow! Alam na alam ah." "Siyempre! Dali maghugas ka na ng makakain ka na. Mamaya pa ang Papa mo." utos ng ina. "Sige po. Kailangan ko ding pumunta agad sa ospital ngayon.! sagot naman niya. Matapos niya kumain ay umalis din siya agad. Hindi na niya naabutan ang ama. Dala dala ang sariling kotse papasok sa trabaho. Nasa parking lot na siya ng wala siyang mahanap na space para sa kanyang sasakyan. Punong puno ang parking area ng ospital kaya naman nagpaikot-ikot muna siya ng ilang minuto. Habang nag-iikot ay taman tama namang may paalis na sasakyan. Mabilis niya iyung tinungo. May isang sasakyan din na papasok at pinupuntirta ang space na iniwan ng paalis na kotse kaya naman pinaharurot niya ang kanyang sasakyan at inilusot sa space na 'yun at TADA!! Mas nauna siya. Kung hindi niya napansin ang papasok na sasakyan ay baka siya ang nawalan. Pagkapark niya ay itinigil ng may-ari ng sasakyan ang kanyang kotse sa harapan mismo ng kotse niya. Pagkababa niya sa kanyang sasakyan ay siya ding pagbaba ng lalake ng salamin ng kotse niya. "Hoy Miss!! Akin ang space na 'yan!" galit na wika ng lalake. "Huh? Kanina pa kaya ako dito nagpapaikot-ikot just to find a parkibg space tapos sasabihin mo sa 'yo? Never!!" inis na sagot ni Jenny. "What the......!" hindi itinuloy ng lalake ang sasabihin bagkus ay pinaharurot niya ang sasakyan palabas ng parking area. "Grabe huh. Kung makasigaw wagas? Parang siya naman nagmamay-ari ng parking area." she murmured to herself. "Pero infairness mabilis ako. Hahaha" nangingisi niyang wika sa sarili.. Habang naglalakad papasok sa hospital ay naalala niya ang mukha ng lalake. "Oo siya! Siya ang masungit na lalake sa reaort!" aniya. Hindi makapaniwala na makikita na naman niya ang lalakeng 'yun. "Buti nga sa kanya!" dagdag pa niya na parang naloloka na nagsasalita mag-isa at tuluyang pumasok sa kanyang clinic. Sa kabilang band naman ay naghanap na lang si Gino ng mapaparkingang iba dahil inabot na siya ng sampung minuto kakaikot sa parking area ng ospital pero wala pa rin. Sa kabilang building siya nakakuha kahit binayaran na lang niya. Nakakunot ang noong naglakad papunta sa clinic ni Stephany. "Oh bakit lukot na naman 'yang mukha mi? Aba! Hindi b maganda ang mood mo na makita ako?" biro ni Stephany sa kanya habang papasok siya sa clinic nito. "Nakakainit kasi ng ulo 'yung umagaw ng parking lot ko ayun tuloy natagalan ako." sagot niya. "Kamusta na?" tanong niya sa dalaga habang humahalik ito sa pisngi nito. "Well, i'm good. Hayaan mo na 'yun. Don't make it ruin your day and besides yang mga wrinkles mo nagsisilabasan na naman." pagbibiro ni Stephany. Kilala niya kasi ang ugali ni Gino. Ayaw na ayaw niya ang nalalamangan o naaagawan at mabilis uminit ang ulo nito. What he says must be obeyed. 'Yan ang motto niya pero kapag sa ama, para siyang maamong tupa. "So we have lunch o bobolahin mo lang ako dito?" seryosong taning ni Gino kay Steph.. "Hahaha. Relax. Siyempre kakain tayo. Kaya nga kita inimbita dito kasi ililibre mo ako." ngiting sagot naman ng dalaga. "Then tara na. Gutom na rin ako. Baka lalong uminit ang ulo ko." ngising sagot naman niya na halatang natanggal kaunti ang inis niya. Dinampot agad ni Stephany ang kanyang bag saka sila lumabas ng ospital. "Alam mo, kailangan mo na siguro ng lovelife para naman matanggal yang pagiging masungit mo." birong turan ni Stephany habang hinihintay nila ang kanilang order sa kanilang mesa. Sa malapit na restaurant lang sila pumunta dahil kailangang makabalik ni Stephany sa ospital. "Kailan pa naging sgot ang lovelife aa buhay ko sige nga? At saka hindi pa ako handa ano. Sakit lang sa ulo 'yan." sagot namn niya. "Huh? Ay halatang tatandang binata ka nga niyan Gino. Ilang taon ka na?" "Oh Steph, don't start me.with my age again. Ilang taon lang ang pagitan natin ano." "Mas bata naman ako and besides may lovelife ako eh ikaw nganga.. Gusto mo ihanapan kita?" si Stephany. "Forget it!! Nandiyan na ang food natin. Kumain na lang tayo." pag-iiba niya. He doesn't want to talk about lovelife lalong lalo na kay Stephany. Until now kasi ay may nararamdaman pa rin siya dito. He just keep it to himself dahil may karelasyon ng iba ang dalaga and they will going to tie the knot soon. Stephany is his most serious relationship. Stephany is 25 years old when they strted their relationship but it only lasted two years dahil sa studies and practice ng dalaga. She's studying while Gino runs their business with his dad. Kulang na kulang sila sa oras na dalawa and it triggers that to make their relationship struggled at nauwi sa hiwalayan. Habang magkasama sila ngayon ay palihim na pinagmamasdan ni Gino si Stephany. In his mind, Stephany is still beautiful and never will it fade. Kung hindi lang dahil sa may karelasyon ito ay ita-try sana niya ulit itong ligawan but he doesn't want to ruin someones relationship. Napansin ni Stephany ang kanyang panakaw na tingin. "What?" taning niya. "Nothing. It's been a while since we ate together." sagot niya. "Paano naman kasi ang layo ko at saka busy ka din sa negosyo. Paminsan minsan lang ito kaya sulitin na natin." sagot naman ni Stephany. "Oo nga." maikling sang-ayon niya. Matapos silang kumain ay inihatid na ni Gino ang dalaga. Habang nag-uusap sila ay may biglang bumangga kay Gino mula sa likod. "Oooops! Sorry!" paumanhin ng babae. Nilingon iyun ni Gino. "Ikaw?!" Halos sabay nilang sambit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD