Chapter 4

1431 Words
"Ikaw na naman????" galit na wika ni Gino nang masino ang nakabangga sa kanya. Ang babaeng nakita niya sa resort. "Pasensiya naman po Mister nagmamadali kasi ako." sarkastikong sagot ni Jenny. Dahil sa pagmamadali ay hindi niya napansin ang kanyang dinadaanan. "Oh Jenny saan ka galing?" tanong ni Stephany na kasalukuyang kasama ni Gino ng mga oras na 'yun galing sila sa labas na kumain. "Hello Steph. Nakalimutan kasi nung huling pasyente ko yung cellphone nila sa clinic ko kaya ihinabol ko lang." sagot naman niya. Kilala nila Jenny at Stephany ang isa't isa, hindi lang sa sa iisang ospital sila nagtatrabaho at magkatabi lang ang kanilang mga clinic kundi dahil nakabuo din sila ng pagkakaibigan dito. Mostly na mgpasyete ni Stephany na nangangailangan ng therapy ay kay Jenny niya inirerecomend. "Ganun ba. Nglunch ka na? By the way he's Gino my friend and Gino she's Jenny. Physical Therapist siya ng hospital at dito lang din siya sa tabi ng clinic ko siya nakalagi." pakilala at wika ni Stephany. "Hi, Sorry sa pagkakabangga sa 'yo." ani Jenny kay Gino. "Bakit ba lagi na lang kita nai-encounter huh?" kunot noong tanong ni Gino. "Did you saw each other na?" takang tanong naman ni Stephany. "No. Nevermind. I'll be get going." pag-iiba at paalam ni Gino. "Okay then. Next time ulit?" si Stephany. "We'll see. I'll contact you na lang if may time ako. I need to focus kasi sa resort." sagot ni Gino saka umalis na, hindi man lang niya liningon ang babaeng kausap nila. Nang makaalis si Gino ay hinarap ni Stephany si Jenny. "Pagpasensiyahan mo na 'yung kaibigan ko huh? Ganun talaga 'yun." pagpapaumanhin ni Stephany. "Ayos lang. Mukha ngang ipinaglihi sa ampalaya. Laging kunot ang noo at nagsusungit." ngiting sagot ni Jenny. "Ewan ko ba dun, pero mabait 'yun. O sige mauuna na ako, may mga pasyente pa akong darating eh." paalam niya. Naghiwalay na silang dalawa. Naging abala si Jenny sa kanyang mga pasyente. She has regular patients and she only get lunch and closing hours as her rest time. She loves what she's doing kaya balewala ang pagod. ******* Nang makabalik si Gino sa resort ay nagtungo siya kaagad sa kanyang pinaka opisina para i-ayos ang mga kakailanganin niya. Malapit na matapos ang resort kaya kailangan na din niyang kumuha ng mga investors dito. Habang subsob siya sa kanyang opisina at tumunog ang kanyang phone. His dad calling. "Yes Pa?" bungad niya. "Just wanna check on you kung ginagawa mo din ang trabaho na kailangan mong gawin diyan." ani ng ama. "Pa, hindi ako bata to check on everytime." sagot niya. "That's good." mukhang nasiyahan naman ang ama. Nang maibaba niya ang tawag ay pabagsak na inilapag ang phone sa mesa niya. "Parang bata na i-check lagi? May sarili naman akong utak!" galit na wika niya sa sarili. ****** Ilang linggo rin na subsob si Gino sa trabaho. Kung hindi sa opisina ay binibisita niya ang renovation ng resort at kaunting kaunti na lang ay matatapos na. Nakakuha na din siya ng mga investors dito at kapag natapos ang resort ay pwede na silang mag-operate. "Maybe next week ay bubuksan na ang resort Pa and i want to have a small party for the blessibg kahit bg mga Inns lang at saka ribbon cutting dito." balita niya sa ama sa telepono. "Sige. Kung ganun ay pupunta kami ng Mama mo diyan next week." sagot naman ng ama. "By the way, do you have investors na ba?" "Yes Pa. I have three investors now and maybe tatanggap pa kung may ngkainterest. They will be coming on our ribbon cutting." sagot niya. "Well good job my son! You didn't disappoint me. Mukhang may mabuting idinulot ang paglagi mo dun sa Laguna." puri sa kanya ng ama. "Aaah. I just loved the place Pa and i want to stay here. Malapit sa beach at trabaho. All i need is here except my friends." "You can find new friends there na kung gusto mo." "Pa, kilala niyo naman ako. I better be friends with the ocean waves." aniya. Totoo naman kasi. Mas pipiliin pa niya ang dagat kesa makipagminggle sa mga kaibigan niya. Magsu-surf na lang siya buong araw. ****** Resort Ribbon cutting day... Kaunti lang ang bisita na inimbita ni Gino. Mga kaibigan, emplyado ng resort at mga investors kasama pamilya nila. Hapon ginawa ang programa para din hindi ganun kainit. Isa isa ng nagsidatingan ang mg bisita. Ang iba ay may mga dala pang regalo. Beach party ang tema na pinasabi niya kaya walang nakabarong o amerikana sa mga oras na iyun. Kahit mga matatanda na ay umayon sa konsepto. Nangingiti siya habang pinagmamasdan ang mga bisitang pumapasok sa main entrance ng main Inn. Dumating na din sa wakas ang mga magulang na galing pa sa Maynila. "Pa! Ma! Akala ko hindi na kayo makakarating." salubong niya sa mga ito. "Ito ba naman ang papalipasin namin iho?" sagot ng ina. Iginala niya anh kabuuan ng harap pa lang ng resort. "Perfect!" bulalas niya. "Thanks Ma. Sige na pasok na kayo sa loob. I'll just wait sa investor na parating and then we can start." Iginiya sila ng isa sa emplaydo.ng resort papasok sa loob kung saan gaganapin ang misa. Ilang sandali pa ay dumating na ang hinihintay no Gino. Si Mr. Santillian kasama ang kanyang asawa. "Sorry Gino nalate kami ng dating. Galing pa kasi ako sa opisina." hinging paumanhin ni Mr. Santillian pagkababa nito sa kanhang kotse. Sumunod dito ang asawa. "Okay lang po. Let's go inside." yaya ni Gino sa mga ito. "Salamat." Agad silang pumasok sa loob. Nasa palihid ng malaking swimming pool ang lahat. Doon nila gagawin ang misa at saka ang ribbon cutting papasok sa pinaka loob ng resort. May mga cocktails na sineserve ng mga emplyado sa bawat nagkalat na bisita. It is just a simple party kaya hindi na nila kinailangan na.maglagay ng mga mesa. Nagsilbi na.lang na mesa ang mga nagkalat ng benches sa paligid ng pool.. Matapos ang misa ay nagribbon cutting na saka nag spray ng holly water sa paligid. Nakaalalay naman si Gino sa bawat gagawin pati na rin ang mga magulang. Samantala. "Jenny may pupuntahan ka ba ngayon?" tanong ni Stephany kay Jenny. Sumilip ito sa clinic ng isa habang paalis na. "Wala naman. Diretso uwi na sana ako eh." Sagot naman ni Jenny. "Pwedeng samahan mo ako? May dadaluhan kasi akong beach party eh kahit saglit lang tayo." yaya ni Stephany. "Huh? Pa'no yan wala akong papalitan." "Okay na yang. Ako man din ay hindi na rin magpapalit." Ani Stephany. " Pero pwede din naman tayong dumaan sa mall bago tayo pumunta doon." "Sige. Taman tama nakahanda na din ako umuwi sana." Sabay silang lumabas sa hospital ngunit dala dala nila ang kani-kanilang sasakya. Hindi pa alam ni Jenny kung kaninong party ang pupuntahan. Tanungin sana niya kaso nag-alangan siya. Malalaman na lang kapag nandun na. Bumili sila ng tag-isa silang beach wear. Doon na na din sa mall sila nagpalit, sa isa sa fitting room ng mall. Nang makarating sila ay biglang nagtaka si Jenny..Dito sila pumunta noon ni Sir Eddie. Nang makababa sila sa kani-kanilang sasakyan ay doon na niya tinanong si Stephany kung kaninong party ito. "Ribbon cutting ng resort. Remember Gino? Yung last na nakabanggahan mo sa hospital? Sila ang may-ari nito." ngiting wika ni Stephany. Ngiting pilit ang ibinigay ni Jenny. Yari na naman siya sa lalaking iyun. Gusto sana niyang umatras kaso nandito na at tsaka nakakahiya naman kay Stephany. Pumasok na lang sila sa loob dahil hindi nila makita si Gino sa paligid. Malamang ay abala iyun sa mga bisita. At hindi nga sila nagkamali ng hinala. Inaasikaso niya ang mga taong naroon. Nang makita sila ay agad itong nagpaalam sa mga kausap para lumapit sa kanila. Nang makita ang kasama ni Stephany ay biglang nawala ang mahabang ngiti niya habang papalapit sa dalawa. "Siya na naman!" sa isip ni Gino. "Thanks you came!" bati ni Gino kay Stephany at parang hindi nakita si Jenny. "Mawawala ba naman ako? By the way you know her na right?" singit kay Jenny. "Yup! I saw her once na din dito sa resort." sagot naman ni Gino. "Yeah na sinupladuhan mo pa kami." mahinang bulong ni Jenny ngunit dinig na dinig ng dalawa. "What? You did that?" hindi makapaniwala ngunit may ngiting tanong ni Stephany kay Gino. "Yes he did!" si Jenny naman ang sumagot na tila inaasar ang isa. "Forget it!" may bahid inis na bulalas ni Gino. Nang iginigiya sila sa may cocktail area ay napansin ni Jenny ang dalawang pamilyar na mukha sa tabi na nakikipag-usap sa dalawang matanda. "Mom, Dad! What are you two doing here?" tanong niya sa mga magulang na napalingon sa kanya. "Oh Jenny. Nandito ka din pala.!" ang ina ang sumagot. "I'm with Doc Steph. Anong ginagawa ninyo dito?" "Parents mo sila?" singit ni Gino. "Yes! Kita naman sa mukha di ba?" sagot ni Jenny. "They are one of the investors here!" ani Gino.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD