Kabanata 8: Pagtambang

1682 Words
Kabanata 8 Pagtambang Crysseo's POV Hindi pa man bumubukang liwayway ay mabilis na tumatakbo ang aming mga sinasakyang kabayo sa loob ng kagubatan. Ang aming babantayan ay hindi basta ang gobernador, kundi ang bawat butil ng gintong dinadala ng kaniyang karwahe papunta sa kaharian. Sinasabing ito ay ang mga nakulektang buwis. May mga malalakas na tagapagbantay na ang gobernador kaya hindi ko labis maunawaan kung bakit kailangan pa kami. Tapos ay patago pang magbabantay ang aming grupo maliban sa akin. Maghapon kaming nagbiyahe na tinapay lamang ang tanging pagkain. Tapos ay nagpalipas kami ng gabi sa loob ng kagubatan. Mabuti na lamang ay may mga bitbit kaming mga sleeping bag. Hindi na namin ginamit ang tent dahil wala namang ulan. Halos apat na oras lamang ang aming pagtulog at kailangan na naming magbiyahe muli. Hanggang sa nakapasok na kami sa probinsya ng Sinatra. Ilang oras pa ang biyahe kaya nagpatuloy lamang kami. Gabi na nang huminto kami dahil natanaw na namin ang isang malaking gusali. Sa tapat ng malaking pintuan ay ang mga tauhang abala sa pagbubuhat ng mga sako ng ginto sa loob ng mga karwahe. May mga guwardiya rin na nakapalibot. Ito ang munisipyo sa syudad ng Sonia. "Cryss," tawag sa akin ni Markus at nilingunan ko naman siya. Pansin ko rin na lahat nakatingin sa akin. "Stick to the plan," pagpapaalala niya at ipinihit ang kabayo sa ibang direksiyon. "Goodluck," bati naman nina Field at Stella na nasa iisang kabayo lamang saka sumunod kay Markus. "Walang tangang mamamatay," masungit na ani Vine na siyang huling umalis. Inayos ko ang tapal sa aking kanang mata, "Walang tanga, huh? Ako pa," bulong ko sa sarili. Marahan kong inilatigo ang hawakan sa kabayo upang umusad ito ng lakad. Napatingin ang lahat habang palapit ako nang palapit sa gusali. Tapos ay lumapit ang ibang kawal upang harangin ako. "Alisin mo ang iyong talukbong." Hindi ko sinunod ito bagkus kinuha ko ang nakarolyong papel mula sa aking bag at pinabasa ito sa kanila. Tapos ay tumango ito at sinenyasan ang mga kasamahan na bigyan ako ng daan. Ang papel na iyon ang nagpapatunay na ako ang pinadala ng ikalawang prinsesa upang dumagdag puwersa sa kanila. Ngunit walang nakakaalam na hindi ako nag-iisa. Hating gabi na nang natapos ang kanilang pag-iimpake at nagsimula na kaming mag-biyahe. Tatlo ang karwahe. Ang sa unahan ay ang karwahe ng gobernador. Habang sa gitna at dulo naman ay mga ginto. Napakadami nito, swerte nga kung may magnakaw ng mga ito. Sa pinakaunahan naman ay nasa lima ang mga kawal na nakasakay sa kabayo, kabilang na roon ang isang opisyal na namumuno sa lahat. Ang pangalawang grupo naman kung nasaan gitnang karwahe ng mga ginto ay may limang nagbabantay na mga kawal. Ako naman ay isa sa anim na nagbabantay ng ikahuling karwahe--pito kami kung idadagdag ang nagmamaniobra nito. Sinubukan kong luminga-linga sa paligid. Maging ako ay hindi ko kayang damahin ang presensya ng Nightingale. Sumikat na ang araw ay dahan-dahang huminto ang nasa unahang karwahe na siya naman sinundan ng lahat. Ilang segundo lamang ang lumipas ay pumihit kami ng daan upang ipatuloy ang paglalakbay at kapansin-pansin ang pagdagdag ng aming bilis sa pagpapatakbo ng mga kabayo.  Lumipas ang ilang minuto ay wala namang kakaibang nangyari. "Malapit na tayong kumain," bulong ng kasama kong kawal sa kaniyang sarili. Hindi balot ng metal ang katawan nito, kundi ay makapal ang tela ng kulay kapeng yuniporme. Sa balikat nito ay may tsapa na ang disenyo ay matapang na aso at may nakasulat na LW sa gitna--nangangahulugang "Department of Law Enforement". Napatingin ako sa sarili at ganu'n din nga pala ang suot ko ngayon. Hindi na bago ang yunipormeng ito sa akin, ngunit pansin ko lang na iba ang itsura ng mga kawal sa piitan. Kahit na umaandar ang kabayo ay nakatanggap pa rin siya ng sapok sa kaniyang kulay kahel na buhok mula sa babaeng kasama na may maiksing puting buhok, "Puro pagkain na naman nasa isip mo, Rey!" pagbibiro nito na para bang pinapagalitan ang kasama. Napatingin ang tinawag na Rey sa babae habang hinihimas-himas ang ulo, "Syempre, ah! Kung saang restawran kakain ang gobernador ganu'n din tayo!" may pagkasabik niyang pagkasabi. "We? Talaga!?" hindi makapaniwalang kasiyahan din na naramdaman ng babae. Parang nanayo ang mga tenga at naging aktibo ang pagsirkula ng dugo sa aking katawan. Restawran? Hindi ba ako nananaginip nito? Ako rin, halos mapasigaw sa tuwa. Walang isang segundo ay biglang may tumalsik na malagkit at mainit na pulang likido sa aking katawan. "G-Gregoria..." Tuloy-tuloy pa rin ang kabayo ngunit butas na ang ulo ng amo nito at dahan-dahang nawawalan ng balanse na dahilan upang mahulog ang katawan. Habang lahat kaming lima ay natuon ang atensyon sa kaniya. Walang sinayang na oras ay napatingin kaagad ako sa likuran at kaagad nahagip ng mata ko ang pigura ng taong nakasabit sa puno na may hawak na tirador. Tapos ay bigla itong nawala pero kita ko sa paggalaw ng mga dahon at sanga ng puno ang paglipat niya ng puwesto. Sinusubukan niya kaming habulin.  "Mga bandito!" sigaw ng isa sa amin na kulot ang itim na buhok. Kaagad naman nagpalipad ng umaapoy na palaso sa ere ang isa pa naming kasama. Normal lamang ang palaso ngunit may isinabit dito na pampakulay kung saan naglikha ito ng itim na usok. Ito ang utos ng pinuno sa amin na gawin kapag may dumating na kapahamakan. Kahit na hindi kami marunong sa pana ay binigyan din nila kami ng mga sinliit ng hinlalaking mga pinulbos na sangkap na nakabalot sa tela. Pero tanging pili lamang ang mga binigyan ng lighter kaya paano ko naman magagamit ito? "Scout the area!" rinig kong ani ng nasa pinakaunahan. Kahit hindi ito gaano kalinaw ay ito ang pagkakaintindi kong isinigaw niya. Kasabay no'n ay biglang bumitaw sa kabayo ang isang kawal na nagbabantay sa gitnang karwahe at lumipad ito sa ere gamit ang sariling 'di pangkaraniwang abilidad.  Ngunit hindi pa ito nakakalagpas sa mga puno ay may kung anong pulang mahaba't manipis na bagay galing kung saang puno ang pumulupot sa kaniya at kinuha. Dahil doon ay nagpalipad ng itim na usok ang isa sa kanila. Kaagad ko namang binunot ang aking kutsilyo at inihagis sa direksiyon ni Rey. Kita sa paglaki ng kaniyang mata ang pagkagulat ngunit lumagpas naman sa kaniyang ulo ang aking patalim at tumunog ang malakas na pag salpok ng bato at bakal. Hindi ako nag-abalang pulutin ang patalim ko dahil may tatlo pa akong natitira at limampung pako na kasing haba ng isang dangkal. Iyon dapat ang pinangtapat ko sa bato ngunit mas mabilis kasing mahugot ang kutsilyo. Tapos ay may may nagpalipad din ng usok sa pinakaunahan ngunit kulay berde naman ito. Naging alerto na rin ang lahat sa maaaring susunod na hakbang ng kalaban. Lalo na't hindi namin sila kilala o maging ang dami nila ay hindi namin alam. Lahat ng may hawak na pana ay naging mapagmatyag sa paligid. Ang mga mayroon namang kalasag ay lumapit sa karwahe kung saan pinoprotektahan nila ang mga nagmamaneho. Naalala ko ang Nightingale. Pero tingin ko hindi pa ito ang oras upang magpatulong sa kanila. Inihanda ko ang kutsilyo sa kaliwang kamay at mga pako naman sa kanan. Sinilip ko ang buong paligid. Kapansin-pansin naman na hanggang ngayon ay tulala pa rin si Rey. "Wala pa bang order?" may bahid na takot ang tono ng kasama kong semi kalbo. Espada ang hawak nito.  Wala ni isang may kapangyarihan sa mga kasama ko dito sa likuran? Eh, 'yung mga kawal sa unahan maliban da kaninang lumipad? "Hindi mo ba nakita ang usok? Kulay green, John! Ibig sabihin ay tuloy lang ang abante!" galit na ani naman ng kulot naming kasama.  Wala silang balak lumaban? "Bakit kasi wala tayong helmet. Pero kapag patrol o martsa lang ay kumpleto ng mga kagamitan," nanghihinang ani sa sarili ng lalaking tinawag na John. "Sama mo na ang eksibisyon," mahinanong sagot naman ng may hawak na pana na siyang unang nagpalipad ng itim na usok. Sabay naming napansin ang muling paggalaw ng mga sanga ng puno sa itaas at kaagad siya nagpakawala ng palaso. Ganun din ako.  Nakita namin muling kumaluskos ang mga sanga at dahon ng puno. Mabilis ito ngunit patigil-tigil tuwing titira.  Tama din ang naging disisyon ng pinuno na ipagpatuloy lamang ang aming pagtakbo dahil mas madali kaming sunggaban kapag nakahinto.  Dalawa pa lamang ang nakita namin pero sigurado akong marami sila. Sino ba namang susugod sa Gobernador nang mag-isa? Ngunit malaking kapinsalaan sa amin dahil hindi namin alam ang kanilang bilang. Paano rin kung mayroong mga patibong sa aming dinadaanan?  Mukhang kailangan ko nang tumawag ng tulong bago pa kami muling mabawasan.  Pinag-untog ko ng tatlong beses ang hawak kong kutsilyo at apat na pakong nakasingit sa aking mga daliri. Tapos ay kiniskis ko ng tatlong beses at sinundan muli ng tatlong maikling untog. Ang kahulugan nito sa Morse code ay SOS--tatlong tuldok, tatlog gatlang at tatlong tuldok muli.  Kasabay no'n ay may tatlong batong bumutas sa tatlong ulo ng mga kawal na nasa bandang gitna. Kaya naman ay isa na lamang ang natira sa grupong iyon, ang may hawak na kalasag sa kabilang gilid. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang mga kasama ko kaya muli kong pinagkiskis at pinag-umpog ang pako sa kutsilyo. Bigla namang may lumitaw na pulang tali sa aming dadaanan at pumulupot ito sa kabilang puno. Dahilan upang mapatid ang mga kabayo at sumubsob ang karwahe sa lupa. Sa impak ay nahulugan ako ng ilang mga pako sa lupa. Napapilantik ako ng dila, madaling dumulas ang mga maliliit kong patalim sa bulsa nito. Sa puntong ito ay isang distraksiyong kung pupulutin ko pa kaya niwalang bahala ko muna. "The f**k, ano 'yun!" rinig kong sigaw ng nasa loob ng karwahe.  Teka, may kabasaan ang tali at nagkukulay laman ito. Isang dila? Napahinto ang aming grupo kundi ay babangga kami sa karwahe. Habang ang mga nasa unahan naman ay nagpatuloy lamang at iniwan kami. Nasaan na ang mga kasama ko? Bakit ang tagal nilang lumabas! Nasaan na ang stick to the plan na sinasabi nila? ][][][][ MIDNIGHT JAILBIRDS ]mvcabusas[
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD