Kabanata 7
Ulat
Crysseo's POV
Oo, nakipaglaro muna si Kuya Kiko sa akin, pero nalinlang ko pa rin na trinaydor siya ng mga pulis at malalamang ay lalo niyang kinapootan ang kaniyang ama sa pag-aakalang siya ang nagpapapatay sa kaniya. Napakuyom ako ng kamao habang pinagmamasdan ang bangkay niya.
Mapapatawad niya pa kaya ako?
Muli akong nagising sa katotohanan at nahinuhang nasa loob pa rin ako ng simbahan. Dito pa talaga sa tahanan ni Jembahal? Napakakasalanan ko. Napakabastos ko. Mapapatawad niya rin kaya ako?
Maya-maya ay nakarinig ako ng mga yapak. Ito na ang katapusan ko. Hindi ako lumingon, bagkus ay tumitig ako sa malaking imahe ng isang hugis tao.
Rinig kong nagbukas ang pintuan kahit na sa pagkakaalam ko ay may nakatabig na kahoy rito.
Hindi ako makakibo, at tinanggap ko na ang kamatayang kabayaran sa aking malaking pagkakasala.
"Hoy, ipaliwanag mo nga ang kagaguhang ginawa mo?"
May kung anong parang sumuntok sa aking dibdib nang nakarinig ako ng pamilyar na boses ng babae na siyang dahilan upang makahinga ako ng maluwag.
"Pasensya na, nainip ako kakahintay, eh?" may malawak na ngiti kong saad habang dahan-dahang lumingon sa kanila na may kasamang pagkakamot sa batok.
"Dito pa talaga sa simbahan amputa," reaksiyon naman ni Markus. "Tara na, kailangan na nating bumalik bago pa may dumating na mga pulis,"
Nagsalubong ang kilay ko, "P-pero, hindi ba natin lilinisin ang tahanan ni Jembahal?"
"We already did dirty, what's the point of cleaning this crime?" kahit kailan ay hindi mawawala ang pagkamataray na tono ni Vine.
Oonga pala, ang dumi nila gumawa.
"And it's all because of you-- bigla kang umaalis," patong naman ni Markus.
"Actually, I thank you kase, kung hindi namin napansin na wala ka na pala ay hanggang ngayon nakikipagtalo pa rin si Markus sa akin."
"Kaiangan na nating umalis," Ani ko at nauna nang lumabas ng simbahan. Ginawa ko 'yon para hindi na mapukaw ang atensyon ni Markus sa sinabi ni Vine. Nagmadali din naman silang sumunod.
)()(
"Napakadumi niyo magtrabaho! Hindi niyo ba naisip ang kapahamakang idudulot kapag nagkaroon kayo ng pagkakilanlan? Hindi ito propaganda na nananakot tayo ng mamamayan o nagbibigay inspirasyon. Tatak niyo sa utak niyo 'yan!"
Mula sa pagkakaluhod ay biglang tumayo si Vine, "It's all Markus fault--"
"I don't care whose fault it is! You lack of unity!"
Wala nang nagtangkang sumalungat simula nu'n. Nang sinilip ko ang mga mukha ng mga kasamahan ay kita ang pagkaaminado nila sa aming kakulangan sa pagkakaisa.
"Now, report," utos ng kamahalan.
Sabay na tumayo sina Vine at Markus. Pabuka na sana ang kanilang bibig nang napansin nila ang isa't isa at nagtitigan ng masama. Kita ko na pati ang prinsesa ay napasapo ng mukha.
"Field, " tawag ng prinsesa.
Bumalik sa pagkakaluhod ang dalawa habang si Field naman ay tumayo at may piraso ng papel na binunot sa bulsa.
"Ito ang listahan ng mga taong tinuro nila at mga pabrika," pag-aabot niya sa kamahalan.
Binasa ito ng prinsesa. Pagkatapos ay kaniyang ibinulsa. "They are just small people, let the Law Enforcers handle them. I have a new mission for you."
Maliliit na tao? Mukhang hindi naisama ang gobernador.
"This coming Friday, you will escort one of our supporter," kumuha siya ng papel at ipinakita ang larawang nakaguhit dito, "Siya ang nagturo sa drug lord na si Kiko Yakisawa. And madami pa siyang mga kakilala kaya kailangan natin siya. He is Fred Danforth."
Tatayo na sana ako upang sabihin ang aking nalaman mula kay Kiko nang inunahan ako ng prinsesa, "He was my childhood bestfriend, that's why his life is precious to me."
Nanlambot ang mga buto ko sa narinig. Hindi ko kayang maibuka ang bibig ko. Pag sinabi ko ang iyon ay mukhang hindi siya maniniwala sapagkat mahalaga ang taong iyon sa kaniya. Ngunit mas maganda ring malaman niya niloloko lamang siya nito. Sa parehong pagkakataon ay gusto kong sumpain ang tito ni Kiko.
"Take some rest. Dismiss."
Nakabalik na rin kami sa aming tirahan. Habang nakahiga at nakatitig sa kisame ay hindi pa rin matahimik ang isip ko. Tama ba ang mga disisyong ginawa ko?
Oo, lahat ng ito para kay Faye.
"S-si Faye--wala na. P-pero sana magkaroon ka pa rin ng pangarap."
Hindi ako naniniwala. Nararamdaman kong buhay pa siya.
Kinabukasan ay maaga akong gumising. Hindi ko maaaring makalimutan na ako ang toka ngayong araw sa pagluluto. Tinignan ko ang mga rekado. May mga kasing laki ng kamaong garapon na gawa sa bakal. Binuksan ko ang isa't isa: Paminta, mahalimuyak na maliliit na dahon at--
Kinuha ko ang garapon para sa asin. Pansin kong may kaunting kahel na kulay ang garapon sa loob. Nang inamoy ko ay may kaunting amoy ng kalawang. Niwalang bahala ko na lamang. Hindi naman siguro maghahalo ang lasa ng kalawang sa asin.
Sa ibang bansa ay may mga gulay tulad ng sibuyas, bawang, mga tubong lupa, at dahon-dahon.
Naalala ko nang pinanood ko si Field magluto. Inuna niya ang sibuyas at bawang.
Kaya naman inuna ko nang hiwain ang mga iyon.
Argh! Ang hapdi sa mata ng sibuyas. Para akong nakakita ulit ng petchay ng matanda!
Kumuha na rin ako ng patatas, karot at kung ano pang dahon-dahong rekadong makita ko. Kumuha na rin ako ng tig-iisa sa mga bunga tulad ng ampalaya at kamatis.
Hiniwa ko ang lahat. Inuna kong ilagay sa lutuan ang sibuyas bawang at inuga-uga ang kaserola upang mahalo ito. Pero mga kaunting minuto kong ginagawa iyon ay nangamoy tutong kaya naman agad kong inalis iyon sa apoy at nilapag ng mesa.
Dumikit ang sibuyas at bawang sa kaserola.
Nalala ko, may nilalagay pala muna silang taba. Kaya naman ay nilagyan ko ng taba at muling ibinalik sa apoy.
Nagbilang lang ako ng ilang segundo ay muli kong kinuha ang kaserola upang agyan ng tubig at mga gulay.
PInakuluan ko ito nang pinakuluan at pinakuluan.
Inestima ko lamang ang oras at muli kong tinanggal ang kaserola mula sa apuyan at ipinatong sa mesa. Inamoy ko ito at tinikman.
Nakalimutan ko ang asin at paminta.
Dinagdagan ko ang rekado at muling pinakuluan ito.
Pagkatapos ay muli kong inilipat sa mesa ang kaserola at tinikman.
Parang may karneng inihalo dahil sa bawang at sibuyas. Nag-aanghang ang halimuyak ng paminta, isama ang kamatis na siya nagbigay ng kaunting asim sa sabaw. Nagtatamis-tamis ang lasa ng papaya at repolyo. Tapos ay may kaunting pait na linamnam ng ampalaya at malunggay.
Nanatili akong nanigas sa aking pusisyon habang nakadikit ang kutsara sa aking labi. Mayamaya ay ramdam ko ang pagpatak ng luha na gumapang pababa sa aking pisngi.
Ito ang unang beses kong nakapagluto ng pagkain.
Ang sarap.
Dali-dali akong naghain. Sabik na akong ipatikim sa kanila at alamin ang kanilang puna sa aking niluto.
Dumating na nga ang oras na ang lahat ay nakaupo na sa hapagkainan. Pilit kong tinatago ang ngiti kong pagkasabik.
"Nasaan 'yung kanin?" tanong ni Vine.
"Kanin?" pagtataka ko.
Napairap na lamang siya. Tingin ko ay naalala niya na 'di naman lahat ay mahilg sa kanin.
Siya ang unang nagbukas ng kaldero at nagsalubong ang kaniyang kilay habang sinusuri ang potahe gamit ang tsansi.
"Seriously?"
Anong "seriously?" Hinusgahan niya kaagad sa paningin nang hindi man lang tikman? Imbes na kumuyom ng kamao ay pinatigas ko ang paa ko at doon ibihuhos ang galit.
"Bakit?" madagundong boses ni Markus kahit normal na tono niya lamang ito.
"Di nabalatan ung ibang gulay,
naisama ang tangkay ng malungay
May buto pa 'yung ampalaya
Ganu'n din sa papaya"
Nagtutula ba siya?
"Teka, huwag mong sabihing pinagsama-sama niya ang mga gulay sa iisang luto. Ano 'to, pagkaing baboy?" patong naman ni Markus at tumingin sa akin.
Papakita ko bang hindi ako talunan? O mag-aanyong tupa?
Yumuko lang ako at hindi sumagot. Kunyari ay may pagkasensitibo akong tao na nalulunod na sa kalugkutan dahil sa kanilang mga kritisismo. Pero ang totoo ay gusto kong isaksak ang tinidor sa lalamunan nila upang hindi na makapagsalita pa.
"Teka, first time mo lang ba magluto?"
Kinalma ko ang sarili ko at tinignan si Vine nang nakangiti, "Oo, eh," ani ko habang kumakamot sa batok.
"You should ask for help kasi. Tulad kagabi sinosolo mo 'yung misyon. We're team, right?" aniya at nagsimula nang kumuha ng potahe. Tapos ay inabot niya ang kaserola sa mga iba kong kasamahan.
Nawala lahat ng poot na nararamdaman ko at natulala. Hindi ganito ang mga linyang inaasahan kog marinig mula kay Vine.
"Kumain na tayo, pagtsagaan na lang natin ito," pagyaya ni Markus.
"Wow, nagsalita ang nagluto ng tutong na lugaw."
Bahaga kaming nagulat nang saglit hinampas ni Markus ang mesa at agad bumalik sa pagsubo ng pagkin.
"Akala ko may insekto, hinampas ko lang," halatang palusot niya.
Sa hindi malamang dahilan, ay lahat kami natawa sa sinabi niya.
Maging Stella. Kahit nakayuko ito ay nasusulyapan ko pa rin ang kaniyang maliit na ngiti. Ito ang unang beses na makita ko siyang masaya.
"Marunong ka rin palang mag-joke," sakastikong sagot ni Vine at humigop ng sabaw. Tapos ay bigla niyang naidura ito. "Ugh," pagkatapos ay muli siyang humigop ng sabaw at kita ang kapaitan sa kaniyang mukha, "At least, mas better na ito sa tutong na lugaw ni Markus."
"Not bad for first time though," ani naman Markus.
Hindi ako makaramdam ng pangangalay mula sa aking ngiting halos umabot na sa tainga. Maliban sa niluto ko, hindi ko alam kung ano'ng nakain nila at nagi silang mistulang mga anghel.
Gusto ko matikman din ni Faye ang luto ko. Kaya naman ay mas gagalingan ko pa. Hindi man masarap ang mga pinaghalong gulay para sa kanila, ngunit para sa kain ay may potensya ang ganitong uri ng potahe. At bukod dito ay gusto kong mag-imbento ng iba pang potahe na hindi pa natitikman ng kung sino man.
][][][]
MIDNIGHT JAILBIRDS
]mvcabusas[