Kabanata 6
Unang Dugo
Crysseo's POV
Si kuya Kiko ay isa sa mga naging kaibigan ko sa langsangan nang pinalayas siya ng kaniyang ama dahil sa pagiging matigas niyang ulo. Bago pa man 'yun, ay nagkita na kami nu'ng isang beses na nahuli niya akong nagnakaw ng saging sa kanilang puno tuwing tag-ani na nito. Alas-tres iyon ng umaga kaya hindi ko inaasahang may gising ng oras na iyon. Ngunit imbes na hulihin ako ay nginingitian niya lamang ako at sinasabihang damihan ko pa ang kuha ko. Kaya naman, pagsapit ng mga alas-singko ay maririnig na sa buong baranggay ang sigaw ni Mang Karto dahil nabawasan ang kaniyang dapat ititindang saging.
Kahit paano ay may kaunting kaya sila. Si Mang Karto ay leader ng mga kapwa magsasaka. Ngunit isang araw ay natagpuan ko siyang nakatira na rin sa langsangan. Sabi niya ay pinalayas siya ng kaniyang ama dahil sa sobrang tigas ng kaniyang ulo tapos nauubos ang pera nila sa pagbili niya ng sigarilyo, alak, at maging ang patikim-tikim sa Zifa--isang pinagbabawal na droga na kapag natikman mo ay mawawala ka daw sa katinuan. Sa mga sandaling iyon ay nagtulungan kami at naging magkaibigan. Saglit lamang dahil kaagad din siyang pinabalik ni Mang Karto sa kanilang tahanan.
Nanlaki ang mga mata ni Kiko at gumuhit ang malawak na ngiti, "O, Cryss! Ikaw pala 'yan!" hindi niya makapaniwalang saad at ginulo ang aking puting buhok na nagkukulay abo. "Pasok ka, may dalawang babae ako rito pwede mong galawin."
Bumilis ang t***k ng puso ko sa narinig. Hanggang pambobola at pakikipag-inuman pa lamang ang nagagawa ko sa kababaihan at matagal ko nang pangarap makatikim. Ito sana ang magandang pagkakataon ngunit hindi tugma sa panahon.
"May kailangan tayong pag-usapan," napatingin ako sa gilid bilang pag-iisip ng mabilisan, "du'n sana sa walang ibang tao."
Saglit lamang ay sumalubong ang kaniyang mga kilay, "Huwag mong sabihing nagtratrabaho ka kay Papa?" tanong niya na may pagkadismaya.
Hindi ko sinagot ang tanong niya, bagkus ay pumasok ako sa kuwarto at kaagad kinuhaan ng kumot ang dalawang babae. Nanlaki naman ang mata ko dahil walang saplot ang makikinis nilang balat at hubog na katawan. Sinampal ko ang sarili ko at pinagdugtong ang dalawang kumot, itinali sa bintana at inihulog sa ibaba.
Umakyat ako ng bahagya sa kuwadro ng bintana upang tignan ng mabuti ang paligid. Huwag niyong sabihing hanggang ngayon nagtatalo pa rin kayo?
Muli kong sinilip si Kuya Kiko upang alalayan siya. Ngunit imbes na sumunod ay hindi siya kumibo habang nagugulumihang pinagmamasdan ako.
"Wala nang oras, kailangan na nating tumakas."
Napaatras siya, "Hindi ako tulad ni Papa na kayang iwan ang mga kasamahan! Lalaban ako at mamamatay kasama nila!"
Napasapok ako ng ulo, "Ikaw lang naman ang papatayin nila at hindi sila madadamay kapag hindi nila alam kung nasaan ka. O baka gusto mong tumunganga dito at panoorin silang mamatay habang pinagtatanggol ka?"
"Hindi mangyayari 'yon dahil may mga bantay kaming pulis."
Pulis? Mali ba ang impormasyon tungkol sa kaniya?
Tinignan ko ang buong paligid at pumukaw pansin ang nakatumbang sobre sa maliit na mesa katabi ng higaan. Nakabukas ito at apaw ang kulay berdeng pulpos--hindi kaduda-duda na ito ay Zifa.
Napatingin ako sa ibaba. Sa Death Wolf pa lamang ay wala nang palag ang mga pulis na tinutukoy niya. Hindi ko alam ang plano ng aking mga kasamahan, maging ang plano ng mga pulis.
Tama man o mali ang desisyon ko ay hindi ko na puwedeng iatras.
"Ang mga pulis ba na 'yun ay tinutukoy mong kaibigan?" Mapanduda kong tanong at tumingin ng diretso sa kaniyang mata.
Sumalubong ang kaniyang mga kilay.
"Kanina lang ay narinig ko silang nagplaplano. Akala ko nandito rin sila para magsagawa ng perasyon ng pagsalakay, pero kabigha-bighani pala ang kanilang stratehiyang ginawa."
"A-anong ibig mong sabihin?" nangangatog niyang tanong.
"Sila ang tinutukoy ng iyong ama na kikitil sa iyong buhay ngayong gabi."
Nanlaki ang mga mata niya, "P-pero sabi ni boss..." hindi niya mapakaniwalang saad at wala sa sariling naglakad patungo sa akin. Inilahad ko ang aking kamay inalalayang umakyat palabas ng bintana. Tapos ay kumapit siya sa kumot upang gumapang pababa. Nang nakaapak na siya sa lupa ay nagmamadali kong hinugot ang mga kumot, tinanggal ang pagkakatali at ibinalik sa mga kababaihan.
Paalis na sana ako nang may biglang kumapit sa aking pulsuhan. Isang mainit at malambot na kamay ng babae. Ramdam ko rin ang malamig niyang singsing na dumampi sa balat ko.
"Dito kalang..." walang enerhiyang saad nito. Tulad ng inaasahan ay natutulog pa rin ang diwa nito kaya naman ay marahan kong tinanggal at tumungo na palabas sa bintana.
Gamit ang mga uka sa dingding ay ginamit kong tungtungan ng paa upang makababa ng tahimik. Ito ang isa sa rason kaya hindi kami namimilipit ni Faye sa gutom, dahil sanay na ako mag-akyat bahay na walang naiiwang anumang bakas. Saktong kaaabot lamang ng aking talampakan sa lupa nang nagbago ang ihip ng hangin. Nagsihiyawan nang may pagkasindak ang mga tao sa lob ng bahay-aliwan.
Nandito na sila.
Naalerto rin si Kuya Kiko, "Dito tayo dumaan!" turo niya papasok sa eskenita at nagmamadaling tinahak namin ang daang iyon.
Ano'ng iniisip nila? Gusto ba nilang pagpiyestahan ng mamamayan para sa pabuyang ipaparatang sa kanila--tsk, damay pala ako!
Sa gitna ng aming pagtakas ay natigilan ako nang may pumatong na kamay sa aking balikat.
Pagkalingon ko ay kaniya iyon habang nanamlay siyang nakahinto at hinahabol ang hininga.
Tumingin ako sa paligid at nakita ang isang simbahan.
"Diyan muna tayo magpahinga, walang nang nagbabantay diyan tuwing gabi," turo ni Kuya Kiko na siyang inunahan ako.
Naglakad na siya patungo ngunit nanatili akong nakaestatwa.
Sobra na. Bakit dito pa?
Huminto siya at nilingunan ako, "Ano pang hinihintay mo?"
Wala akong ibang pagpipilian kundi sundin siya. Tinulak namin dahandahan ang malaking pinto sa espasyong kakasiya lamang kami. Nang nakapasok kami ay kaagad niya itong sinara at itinabig ang kahoy upang hindi mabuksan ninoman. Napapikit siyang napasandal sa pintuan at dahandahang dumulas paibaba hanggang sa nakaupo siya sa sahig.
Habang ako naman ay pinagmamasdan ang malalaking aranya (chandelier) na lumiliwanag sa buong kapaligiran. Mula sa itaas ay iginapang ko paibaba ang aking paningin sa isang napakalaking mosaic na larawan ng isang tao. Sa ibaba pa nito ay may dalawang estatwa ng kawal na may mga pakpak at sinag sa ulo na nakabantay sa isang ginintuang mesa. Sa ibabaw nito ay may nakapatong na sarong gawa sa pilak at kumikinang na plato.
Ganito pala ang itsura sa loob ng tahanan ni Jembahal. Matagal ko nang pinapangarap na makapasok rito ngunit hindi ako karapatdapat bilang isang pabigat sa kaniyang nilikhang mundo. At ngayon ay walang permisyo akong pumasok dito.
"Balita ko, napatumba mo raw ang sampong kawal, kasama ang isang opisyal na Jack-rated."
Nagising ang diwa ko sa sinabi niya at lumingon sa kaniya. Totoo ang sinabi niya. Sakto ang araw na iyon ang pagpapatrol ng mga pulis sa aming bayan at nahuli nila kami ni Fender na nagnakaw ng tinapay--iniwan nga pala ako ni Fender kaya ako lamang ang nakita nila.
"Halika, umupo ka rin, magkuwento ka naman," kalmadong aniya. Parang may mali. Lalo lamang kumikirot ang puso ko.
Marahan siyang tumango bilang gestura sa muling pag-aalok sa akin umupo. Wala ako dapat pagalinlangan kaya naman ay sinunod ko na lamang siya at umupo sa tabi niya.
"Bigla ka daw nawala? Kung ganu'n, kay Papa pala ikaw nagtago."
Nanlaki ang mga mata ko. Dito pa lang ay may butas na ang kuwento ko.
"Paano ka nga pala naging pinuno sa pagtutulak ng droga?"
Napangisi siya, "Ah, gusto mo ba ng tips kaya ka rin naparito?"
Tumango ako.
"Isa ako sa may pinakamaraming benta, kaya ako ang ginawa nilang distributor ngayon dito sa Isidro."
"Kung ganu'n, kanino ka nagtratrabaho?"
Tinitigan niya ako ng malalim, "Mukhang hindi ka maniniwala."
Tinugunan ko rin siya ng malalim na titig bilang paghintay sa kaniyang sagot.
"Kay Governor Fred Danforth."
Namilog ang mga mata ko. "S-sigurado ka ba?"
"Mukha ba akong nagsisinugaling?"
"Hindi ba't tito mo siya?"
"Oo, at kapatid siya sa labas ng aking ama." Iniangat niya ang kaniyang tuhod at ipinatong doon ang kanang siko saka yumuko, "At hindi ako makapaniwalang ilalaglag ako ni Boss sa mga pulis."
"At ayun nga, kaya niya talaga ako ginawang distributor upang galitin ang Papa ko," dagdag pa niya at muling tumingin sa akin, "Ginusto ko nga na galitin si Papa."
Napakuyom ako ng kamao, ano'ng katangahang rason ito? Dahil lang sa ganito ay ipagpapalit mo ang buhay mo! Hindi ka ba nag-iisip? Nang dahil tuloy dito ay kailangan kong mas lalong tiisin ka!
Umiwas ako ng tingin sa kaniya, "Kailan pa?" tanong ko na pinipilit kalmahin ang sarili.
"Kailan pa naging mabenta ang produkto namin?"
"Kailan ka pa nagbebenta?"
Yumuko siya, "Tanda mo pa nang nahuli kitang kumukuha ng saging? Iyon ang ikaunang araw ng benta ko kaya maaga akong gumising no'n."
"Bakit hindi ko nalaman iyon nang nagkakilala tayo? Akala ko kuya, karamay natin ang isa't isa noon? At bakit hindi mo 'ko binentahan? Edi sana nakaraos kami ni Faye."
Edi sana hindi ako hahantong sa ganito ngayon.
"Ayaw kong masira ang buhay mo...tulad sa akin."
Naestatwa ako sa narinig ko. At simula nu'n ay bumalot ang ilang segundong katahimikan.
Pero sinira din ito ni Kuya Kiko, "Puwede mo bang tanggalin ang mga takip sa mukha mo? Wala naman nang makakakita sa atin."
Matamlay kong sinunod ang pinapagawa niya. Ilang segundo niya rin pinagmasdan ang mukha ko bago tumayo at humarap sa altar. Humakbang siya ng dahan-dahan at tumigil din.
"Ano nga ulit ang pangarap mo?"
Tumayo rin ako. Isa lang ang pumasok sa isip ko na siya ring sinabi ko na dati sa kaniya.
"Ang mabigyan ng magandang buhay si Faye."
Tama na ang usapan, nakuha ko na ang impormasyong kailangan ko kaya gusto ko nang matapos at kalimutan ang gabing ito. Para kay Faye.
"Sigurado ka bang iyon lang?"
"Oo," may kumpiyansa kong sagot.
"Paano kapag nawala si Faye? Wala ka na bang matitirang pangarap?"
Ramdam ko ang panginginig at panghihina ng tuhok ko sa aking narinig.
Imposible. Hindi iyon mangyayari.
Humakbang pa siya hanggang sa nakalapit sa altar at lumuhod. Habang ako naman ay sinusundan lamang siya.
Binunot ko na ang kutsilyo sa aking baywang at nangangatoy na iniangat sa ere.
"Kung ganu'n, hindi rin pala nagbago ang isip mo."
"A-anong ibig mong sabihin?" Pagtataka ko.
"Nakikita ko ang kinikilos mo sa anino."
"Hindi iyan ang tinatanong ko. Kung alam mo na ang pakay ko bakit ka pa nakipaglaro."
"Dahil wala na akong pangarap. Kung iyan ang gusto ni Ama, wala na akong magaga--"
Hindi ko na kayang makinig pa sa mga satsat niya. Ibinaon ko na ang matulis kong kuntsilyo sa kaniyang likod malapit sa batok. Maingat ang pagkabaon ko kaya hindi nagkalat ang kaniyang dugo.
Bumilis ang paghinga ko habang habang binabawi ang talim at pinapanood siyang siyang humandusay sa lupa. Sinadya niyang pahiga tumumba at pilit inabot ang paningin sa akin.
"Bakit hindi pa sa ulo," nanghihinang tanong niya at umubo ng dugo.
Hindi ako nagpakita ng anumang bakas ng emosyon sa mukha ko at pinipilit alisin ang awa.
"Kung iyon ang hiling mo...May huli ka pa bang salita bago kita tuluyan?"
Muli siyang naubo ng dugo at kita ang hirap niyang paghinga sa galaw ng kaniyang dibdib, "S-si faye--wala na. P-pero sana magkaroon ka pa rin ng pangarap," aniya at ikinurba ang may mantsadong labi pataas.
Pakiramdam ko ay may bumaong talim din sa aking katawan, lalo na sa puso.
"H-hindi totoo 'yan..." nanginginig kong mahinang 'di pagsang-ayon.
"Mukha ba akong nagsisinungaling--"
Madami pa sana akong gustong itanong pero... nanigas na ang kaniyang mga mata at tumigil ang paghinga. Habang sa mata ko naman ay may pumuslit na patak ng luha.
][][][
MIDNIGHT JAILBIRDS
]mvcabusas[