Kabanata 5
Unang Misyon
Crysseo's POV
Kanina pa ako nakatitig sa kisame habang ang isang palad ay nasa batok ko ay ang isa ay kinukulikot ang metal na kulyar sa aking leeg. Maya-maya ay nakarinig ako ng ungol ng babae. Saktong pagsilip ko sa banig na nasa kaliwa ko ay bumalikwas ng upo si Stella mula sa pagkakahiga habang hinahabol ang hininga at tagaktak ng pawis.
"Parehong panaginip nanaman?"
Inayos niya ang maluwag niyang shirt at niyakap ang mga tuhod niyang nakasuot ng padyama. Pagkatapos ay tumango siya habang nakatingin lamang sa ibaba.
Umupo na rin ako at tinignan siya ng may nakakunot na noo, "Sa tatlong araw nating nandito ay wala kang ibang napapanaginipan kundi iyan?"
Hindi siya umimik ngunit para sa akin, ang ibig sabihin nu'n ay "oo."
"Bangon na mga batugan." Bumungad si Markus sa pintuan na nakasuot ng sando at may tuwalyang nakapatong sa balikat habang basa ang buhok.
"Markus, your words." Pagpapaalala ng napadaang si Vine na may hawak na basket na naglalaman ng mga basang damit. Nakasuot ang malaman niyang dibdib ng puting tube at maiksing puting preskong short--ang sexy.
Doon lang ako natauhan na kami na nga lang pala ni Stella ang nasa loob kaya dali-dali kong sinuot ang damit ko. Sa totoo lang ay mahalumigmig ang sariwang hangin ngunit na-miss ko lang na matulog ng naka-hubo dahil mas kumportable ako. Lalo na't matagal ko nang hindi ito nagawa simulang mangulila kami ni Faye.
Tumungo na kami sa kusina kung saan ay nakahain na ang mga plato't kaldero sa ibabaw ng mababang lamesa. Kahit na pangatlong araw na namin dito ay hindi ko pa rin mapigilang ikumpara ang dati kong buhay na hindi pa nakakaranas kumain sa lamesa.
Napasinghot muli ako at nagtatakang hinanap ang amoy sunog sapagkat hindi naman nakasindi ang apuyan.
"Oo, sinadya kong pangitan ang luto ko dahil ayaw ko ng ganiyang gawain, pambabae lang 'yan." Ani Markus habang inaalis ang mga takip ng kaldero at umupo ng maayos. Hindi lang pala ako ang napansin niyang may ganitong reaksyon.
"Ano'ng pambabaeng gawain? Puwes, hindi dapat ako nakikipag-laban dahil panlalaking gawain iyon," singit ni Vine na katatapos lamang magsampay sa labas.
"Ano pa hinihintay ninyo? Teka, nasaan nanaman si Field?" Hudyat ni Markus na umupo na kami.
Sakto naman ang pagdating ni Field na naka T-shirt na puti at naliligo sa sarling pawis. Pansin kong araw-araw siyang ganito. Siguro ay nakasanayan na niya ang paghehersisyo dahil sa pagiging kawal. Pero bago iyon, siya rin ang palaging nagpapakain sa aming mga kabayo pagkagising na pagkagising niya. Walang inatas na gawain para dito pero kusa niya itong ginagawa na pansin kong nakakapag-enganyo sa kaniya.
Umupo na rin si Field, "Salamat sa pagkain," tugon ng lahat bago simulan ang umagahan.
Kaharap ko lamang si Vine sa puwesto kaya napansin ko ang kunot kilay niyang titig sa lugaw at pagngiwi ng mapupulang labi.
Napatitig din ako sa lugaw na nasa harapan ko. Halos tuyo na ito at nababalutan ng kaitiman. Muli akong sumubo at wala naman akong reklamo sa lasa. Mas pipiliin ko pa ang ganitong pagkain kaysa galing sa basurahan at mga tira-tirang pinagkainan sa mga piyesta na kung hindi sa baboy ipapakain ay saamin.
"Puro pakikipaglaban at pagsasanay lamang ang ginagawa ko simulang bata kaya wala akong alam sa mga gawaing bahay, maliwanag ba?" Iritableng sambit ni Markus.
"Bakit si Field, dating Elite na sundalo pero masarap magsigang ng baboy? Lugaw na nga lang 'di ka pa marunong. Baka mamayang tanghali lugaw nanaman iluto mo, 'yung hilaw naman." Pambabara at pang-aasar ni Vine
Idinabog ni Markus ang kaniyang mabigat na kamay sa mesa, "Kung ayaw mo ang luto ko, puwes palutuin mo siya ng kakainin mo ngayon!"
Hindi na nagsalita si Vine at parang lumulunok ng bato sa bawat subo ng lugaw habang pangisi-ngisi ng kaunti.
Bukas ang araw na ako ang toka sa pagluluto. Sabik akong makasubok magluto ngunit wala pa akong alam sa larangan ng kusina.
Sakto namang may narinig kaming katok. Tumingin sa akin si Markus at isinenyas ang ngusp paturo sa pintuan.
Nagmumukha ba akong mahina sa paningin nila? Kapag nagpatuloy ito ay magigi na niya akong utus-utusan hanggang sa kami'y makalaya.
Tumayo na ako upang sundin siya. Mabuti nang mababa ang tingin nila sa akin upang hindi sila mag-isip ng ano pa. At isa pa, hindi ko pwedeng kalabanin ang sinuman sa kanila.
"Ang bossy mo talaga," rinig kong daing ni Vine na nagpahinto sa akin.
"Edi ikaw gumawa," sagot naman ni Markus sa kaniya.
Pinanindigan nga ni Vine at siya ang tumungo sa pintuan. Pagkabukas niya ay napakunot siya ng kilay, "Hello?" pagtatawag niya kung sino man ang kumatok sapagkat wala kaming nakitang sinuman.
"Sa baba mo, bulag," nababagot na ani Markus.
Napatingin din ako sa ibaba katulad niya at mayroong isang kulay abong kalapati ang nag-aabang sa tapat ng pintuan na may nakatukang nakarolyong papel.
Bumaba siya ng postura upang abutin ang papel na iyon at dinala sa amin. Kasabay nu'n ay umalis na ang kalapati.
Muli siyang umupo sa hapag-kainan at binuksan ang nakarolyong papel.
"Patingin," ani Markus.
"Sandali binabasa ko pa."
"Ang tagal naman, talambuhay ba 'yan?"
Inirapan na lamang siya ni Vine at ilang segundo lamang ay inilapag na niya ang papel sa mesa. Isang ginuhit na larawan ng isang lalaki ang nakapaloob sa papel. May nakasulat rin sa ibaba ngunit hindi ko nabasa dahil biglang kinuha ito ni Markus.
Pagkatapos ay pinasa niya ito kay Field at tumayo.
"Maghanda na ang lahat," utos nito at umalis mula sa kaniyang puwesto.
Tumayo na rin kaming lahat at sakto namang iniabot sa akin ang papel.
Nanlaki ang mata ko nang nakita ang larawan. Hindi maaari, siya ang anak ni Mang Karto.
Maaring kahawig lamang kaya tinignan ko ang nakasulat upang siguraduhin na siya nga.
"Kiko Yakisawa. Sa bahay-aliwan sa bayan ng Isidro. Namamahala sa paggawa ng mga droga. Alamin ninyo ang kaniyang mga kasamahan, ka-transaksyon at mga pabrika saka saka paslangin."
Naguguluhan man ay nagawang gumuhit ng ngiti ang aking mga labi.
Desperas na ng gabi nang nakarating kami sa bayan. Kaagad kaming bumaba ng kabayo at inayos ko naman ang suot kong kulay kapeng talukbong at kapa.
Napatingin ako sa mga kasama ko na ganito rin ang mga suot kaya medyo nahihirapan akong alamin ang pagkakakilanlan nila. Isama pa ang nakamaskarang panyo kaya sa boses, mata at katawan lamang ang iyong magiging batayan.
"Magbabantay ka na lang ba diyan ng kabayo?"
Tinignan ko kung sino ang pinagsasabihan ni Markus--si Stella na hindi pa pala bumababa sa kabayo namin. Hindi ko kaagad iyon napansin.
"Markus, you're too mean," pagtatanggol naman ni Vine kay Stella.
"Tumahimik ka kapag hindi ka kausap," sagit naman ni Markus sa kaniya nang hindi siya tinitignan.
Nabigla ako nang hubarin ni Vine ang kaniyang kapa at nangibabaw ang hapit niyang suot na itim na damit. Naghahamong lumakad ito papunta kay Markus.
"Napupuno na ako sa'yo, ah!"
Sa inis ay napakamot ako sa aking anit at napapilantik ng dila. Walang patutunguhan kapag ganito.
Ibinalik ko ang aking talukbong at tahimik na naglakad papunta sa bahay-aliwan. Halos tanaw lang iyon mula rito ngunit natatakpan lang ng mga ibang gusali kaya kailangang magpasikot-sikot ng daan.
Pagkarating ko ay kaswal lang ako pumasok sa tamang pasukan nang hindi tinatanggal ang talukbong. May kaunting kadiliman naman at siksikan kaya walang makakapansin sa akin. Hanggang sa naabot ko ang hagdanan patungo sa itaas. Paakyat na sana ako nang harangin ako ng isang guwardya.
"Ano'ng sadya mo?" Katakot-takot na tanong sa akin na may nanlilisik na mata. Lalo na't malaki at mabato ang katawan nito. Tapos ay may kasama ito na akala mo kakambal niya sa katawan.
"Pinadala ako ni Mr. Yakisawa upang ihatid ang biglaang mensahe sa kaniyang anak."
"Alisin mo ang iyong talukbong."
Hinawakan ko ito, "Manganganib ang buhay ko kapag ginawa ko ang iyong pinapagawa. Maging ikaw ay hindi ko alam kung totoo nga bang tagapaglingkod ng kaniyang anak. Ihatid niyo na lamang ako at bantayan."
"Pero wala rito si Master Kiko."
"Hindi ninyo naiintindihan ang delubyong mangyayari kapag nabigo ako sa aking ipapahatid na mensahe."
"Sa amin mo na lamang sabihin o isulat."
Matigas ang mga ito. Pinagdududahan ba nila ako?
"Tulad ng sinabi ko, wala akong maaaring pagkatiwalaan. Buhay ng inyong master ang nakasalalay."
Nagsitinginan ang dalawa at tumango sa isa't-isa.
"Sumunod ka sa akin," paghahatid ng isa papunta sa itaas. Nang nakarating kami sa tapat ng pituan ay kumatok ang guwardiya.
"Master, may nais kumausap sa inyo, tauhan ng inyong ama."
"Pakisabi kay Karto ay lubayan niya na ako, matagal ko na siyang kinalimutan sa kaniyang pagiging ama."
Napatingin sa akin ang kasama ko at nagdadalawang-isip kung papaalisi na ba ako o ano. Tapos ay ibinalik niya ang tingin sa pintuan.
"Sa tingin ko ay importante ito, Master."
Dumaan ang ilang segundong nakatunganga kaming pinakikiramdaman ang loob bago bumukas ang pintuan. Bumungad ang isang lalaking nakahubad na gulo-guo ang buhok, Sa likuran naman nito ay kama na naglalaman ng dalawang nakahigang hubad na babae.
"Ano nanaman?" nabubugnot na tanong ni Kiko.
Lumingon ako sa guwardiya bilang senyas na kailangan naming mapag-isa. Kaagad naman niya itong nakuha kaya sinenyasan niya ang guwardiya na umalis. Tapos ay inalis ko ang talukbong at panyo ko sa mukha.
"Kuya Kiko."
][][]
MIDNIGHT JAILBIRDS
] mvcabusas [
For more chapters, follow me on dreame @mvcabusas.