Kabanata 4: Bagong Tahanan

3091 Words
Kabanata 4 Bagong Tahanan Crysseo's POV Nagbubukang-liwayway sa loob ng malawak na kagubatan ng Sierria. Kasama ko si Stella sa kabayo--siya ang babaeng tulala na nakatabi ko sa silid-hukuman. Habang ang iba kong kasamahanan ay may tig-iisang kabayong minamaniobra na sinusundan si Field na siyang nangunguna sa dinadaanan namin sa loob ng kagubatan sapagkat siya ang may hawak ng mapa. Ito ang pangatlong araw simula nang naglakbay kami mula sa piitan. May iilan kaming nadaanang mga bayan pero hindi kami natutulog doon kundi kung saan kami inaabutan ng gabi. Kadalasan ay sa gitna kami ng kakahuyan. Ang aming dalang matitigas na tinapay ay sumapat naman para sa aming kalamnan. Saglit kong inayos ang tapal sa aking kanang mata at tumingin sa paligid. Walang anumang kawal ang nagbabatay sa amin. Ito sana ang magandang pagkakataong tumakas. Ngunit dahil sa metal na kulyar na nakapulupot sa aming leeg, anumang oras ay maaari itong pasabugin ng prinsesa na siyang tatapos sa aming buhay. "Once my mother lost her breath, my sister will wear the crown and that's the end of our nation." Kung tutuusin ay maganda ang hangarin ng prinsesa. Ngunit hindi ko maintindihan kung ano ang kapahamakan sa likod ng pagkorona sa kaniyang kapatid. Dahil base sa boses ng bayan ay mabait at maaalalanin si Prinsesa Floresca. "Masyado namang espesyal," Rinig kong bulong ni Vine sabay hinampas ang kaniya ng kabayo. Napaungol naman ito at bumilis ng bahagya. Wala na akong nakikitang ibang tinutukoy niya kundi si Stella na nakakapit na natutulog sa aking likuran. Ramdam ko man ang init ng kaniyang katawan pero hindi na bago sa akin ang mahipuan ng kababaihan. Sa aming lahat kasi ay siya lamang ang walang karanasan. Kaya mas napapaisip ako kung bakit siya kinuha ng prinsesa. May kutob ako na may kakaiba sa kaniyang kapangyarihan na wala sa karamihan kaya naman ako na ang nagpresenta na sa akin siya umangkas. Dumaan ang ilang minuto ay sa wakas natanaw na namin ang bubong na gawa sa nipa ng isang gusali. Ilang distansya pa ang aming dinaanan nang huminto ang nangungunang kabayo ni Field sa tapat ng isang tradisyunal na gusaling gawa sa iba't ibang punong kahoy, lalo na ang berdeng kawayan--ngunit ang berdeng kulay ay napalitan ng abo dahil sa kapal ng mga alikabok. Maganda na rin itong bagay sapagkat hindi man lang ito nadapuan ng mga lumot sa kabila ng mahalumigmig na kapaligiran gawa ng mga laging basang puno. Sa tingin ko ay epekto ito ng pinturang barnis. May ikawalang palapag rin ito, ngunit may kaliitan ang espasyo na nagsisilbi lamang na watch tower. Huminto na rin kaming lahat at bumaba na sila sa mga sinasakyan. Inayos ko ang tapal sa bulag kong mata, "May papatayin ba tayo dito? Eh, kasi, mukhang inaamag na kung sino mang nakatira rito, eh?" pagpapakaignorante ko na may kasamang pagbibiro. Napansin kong muling tinignan ni Sergeant ang mapa na hawak niya at ibinalik ang paningin sa gusali sa aming harapan. "Ito ang ating titirhan," seryoso niyang pag-a-anunsyo tapos ay pansin kong ibinaling niya muna ang kaniyang atensyon sa paghimas sa ulo ng kaniyang kabayo. "What?" angal ni Vine. Inilapag ni Field ang kanina pa niyang dalang bag na may habang nasa dalawang metro. "Ano naman ang laman ng bag na 'yan?" Tanong ni Markus. "Armas daw sabi ng prinsesa." "Ladies first, ako ang unang mamimili," pagmamaldita ni Vine at kaagad nilapitan ang bag. Nang buksan niya ito ay nagsalubong ang kaniyang mga kilay. "What happened?" tanong ni Markus. "Argh, I change my mind, kayo na mauna," ungal niya. Nang nilapitan ito ni Markus ay ibinubo niya ang laman sa sahig. "Armas nga naman," ngisi niya hapang sinusuri ang mop at walis tambo, "Armas sa paglilinis." Lumingon siya kay Vine, "'Diba sabi mo ladies first?" panunukso niya at inihagis ang walis sa kaniya. Nasalo naman ito ni Vine ngunit nagalit ito, "What the heck!?" "Matapos kang mag-atribida, hindi ka pala marunong gumamit ng mop?" Na-alarma ako at nagdadalawang isip kung bababa na ba ako sa kabayo. Dahil sa sandaling katahimikan at kanilang pagtititigan, pupusta akong gulo ang kasunod nito. Napatingin ako kay Field, nanonood lamang ito ng may blankong mukha. Kung sakali bang magkasakitan ang dalawa ay kaya ni Field silang awatin? Hindi sa minamaliit siya pero opisyal ang katumbas ng isang "Queen-Rated" na Death Wolf. Habang si Vine naman na isang hubog na mag-aaral sa G.I. ay "Jack-Rated" katulad niya. Kung ako naman ang makikisawsaw, nasa "Alas" lang ako dahil wala akong "Razwa" o ang 'di pangkaraniwang abilidad. Ngunit gamit ang aking liksi, kutsilyo at nga pako ay nakakayanan kong harapin ang mga normal na taong may kapangyarihan sa kaunti o sariling pagsasanay lamang. Kadalasan ng mga Alas ay ang mga baguhan sa pakikipaglaban o kaya naman ay ginagamit lamang pang propesyon ang Razwa. Ito ang kategorya ng aming Razwa--dipende sa karanasan, kalakasan at sa pinaggagamitan. Ang sumunod sa Queen-Rate ay ang "King-Rate." Sila ang mga nasa itaas na antas tulad ng mga heneral, iilan sa mga matataas na guro ng Gladiators Institute, mga malulupit na kriminal, at siyempre ang may mga dugong royal katulad ng prinsesa. Ngunit may mas pinakamalupit pa kaysa sa kanila, at ito ang "Joker." Kadalasan na tinuturing na Joker ay ang may mga makamandag na kapangyarihan at hindi nagdadalawang-isip na pumatay. Isa pa lamang ang natala na ganito at iyon ang tinatawag nilang "Stealth Assassin." Hindi ko inaasahang ang Death Wolf ang nagpatalo sa pagtitigan at umusad na ng lakad upang suriin ang aming magiging tirahan. Kung tutuusin ay wala namang laban si Vine sa kaniya, talagang matapang lang ang bibig nito. Dahan-dahan niyang sinubukang buksan ang pintuan. Dahil matigas ito ay nagpuwersa na siya at sinira na ito. Napatingin naman ang lahat dahil sa inilikhang tunog ng pagkawasak ng kahoy at pagkalansing ng wind chime. Nagtaka naman ako sa ilang segundong sinayang ni Markus sa pagtunganga bago pumasok sa loob. Ibabaling ko na sana ang aking paningin nang may napansin akong bitak sa sahig na gawa sa tabla sa mismong tapat ng pintuan. Nilingunan ko na sa aking likuran si Stella at tinapik-tapik. Mula sa pagkakakapit sa akin ay kumalas na siya at nagkaroon ng malay. "Nandito na tayo, kailangan na nating bumaba," malumanay kong pagkasabi. Ni ayusin ang mga dumikit niyang buhaghag na buhok sa mukha ay hindi siya nag-abala, bagkus ay mahinhin na siyang bumaba at nakatayong tumunganga muli sa lupa. Sumunod na rin akong bumaba ng kabayo at inilahad ko ang mga kamay ko sa kaniya. "Ouch!" Napatingin kami kay Vine na nasa tapat ng pintuan. Lumusot ang kaniyang paa sa kahoy na tinutungtungan na siya ring eksaktong lugar na hinintuan ni Markus kanina. "Markus!" bulyaw ni Vine at tama nga siya ng hinuha. Alam kasi ng lahat na siya ang mahilig umuna sa mga bagay-bagay kaya sa kaniya lamang kakagat ang simpleng patibong. At dahil doon, natauhan ako na hindi rin pala basta-basta nagpapatalo ang Death Wolf sa isang dalaga lamang. Sumunod na kaming lahat sa loob ng bahay upang magsuri. May kalawakan ang loob ng gusali ngunit nagsisiksikan ang mga sapot ng gagamba sa bawat gilid at sulok ng kisame. Sa mga sulok naman ng sahig ay may mga nakatambak na gamit na may takip na puting tela. "Ito ba talaga ang titirhan natin? Kadiri naman." Rinig kong reklamo ni Vine na nasa loob na ng kusina. Binitawan ko si Stella upang lumibot din tulad nila at una akong napadpad sa silid-tulugan. Ikinabig ko ang manipis na sliding door at bumungad sa akin ang bagsak na kisameng gawa sa nipa. Mas malawak pa ito kaysa sa bahay na tinitirhan namin nila Papa at Mama noon nang hindi pa pinapanganak si Faye. Dahil dito ay kasya ang limang tao na matulog nang may tig-iisang banig base sa aking tantsa. Pagkatapos ay pumunta akong kusina at una kong napansin ang isang matangkad na pugon sa gilid. Katabi naman nito ay ang mga maaalikabok napalayok, at may nakasabit na kahoy na tsansi sa dingding. Mayroon ding mababang barnisadong lamesa sa gitna, kung saan ang sahig ang tanging upuan upang kumain rito. Hindi ko na kailangang magnakaw para lamang makakain, bagkus ay maluluto ko ang gusto kong putahe lalo na't pinangakuan kami ng pondo para sa araw-araw na pamumuhay. Pansin ko rin ang tunog ng agos ng tubig--nanggagaling ito sa labas. Papunta na sana ako sa pintuan patungong bakuran nang bumuka ito at iniluwa sina Vine at Markus. Pareho silang tumingin sa akin ngunit si Markus lamang ang nagsalita, "Get back. I will tell you my instruction." Nilingunan siya ng masama ni Vine, "Your instruction?" Hindi na siya pinansin pa hanggang sa nagpulong-pulong kami sa sala. "Guys, mikinig ang lahat," inunahan ni Vine si Markus na siyang kumuha sa lahat ng atensyon. "First step na gagawin natin ay ilabas ang lahat ng mga gamit para ma-repair natin ang bahay ng maayos." "Tapos ay maghanap ng matatapunan." Singit ni Markus. Kaagad nag-react si Vine. "No! Lilinisin natin 'yun bago ipasok ulit sa loob." "What? Mahilig ka ba sa mga basura? Akala ko ba rich kid ka?" "Hindi iyon mga basura! Limited ang ating resources, suguradong may mapapakinabangan tayo roon." "Sige, tignan mo kung ano mapapakinabangan sa mga basura?" Hindi nagdalawang isip na lumapit si Vine at tinanggal ang nakatakip na tela. Pansamantalang napapikit at napaubo ang lahat dahil sa alikabok na inilikha. Nang tuluyan nang nakababa ang alikabok ay bumungad sa amin ang mga kagamitang pansalas at kahon. Napangiti naman si Vine nang may pagmamalaki at tumingin kay Markus "See?" "Fine," buntong hininga niya. Kaagad akong lumapit at binuksan ang laman ng kahon. Mga tradisyunal na palamuti tulad ng vase, painting at maliliit na pigura ang loob. "Okay, Cryss, buhatin mo na 'yan sa labas." Utos ni Vine at tinulungan naman ako ng mga kalalakihan. "Mag-mop ka, Stella," utos ng Death Wolf pagkatapos mailabas lahat ng mga gamit. "Stella, magwalis ka." Nagkatinginan sila ni Vine dahil sabay silang nag-salita. "Mop, Stella," pag-uulit ni Markus "Walis," kontra naman Vine. Muli silang nagkatinginan nang may maiinit na mata. "Mop muna kasi tatalbog lang naman ang alikabok kapag inuna ang pagwawalis." "Mali ka, walis muna! Sa kapal ng alikabok wala kang ma-mo-mop!" Humakbang sila palapit sa isa't isa nang hindi nag-aalisan ng tingin sa mga mata. Nagsisilabasan na ang mga ugat ni Markus sa leeg at nagsisimula na itong mag-palit ng anyo nang unti-unti. Habang si Vine naman ay umilaw na ng pula ang mga mata at makikita mo na ang gumagapang na mga baging sa kamay. Mukhang mahirap pakisamahan ang dalawa dahil sa attitued nila. Ngunit kahit na ganu'n, ang Death Wolf ay may maibubuga pero hindi ko lang alam si Vine. Sumulyap ako kay Field at ganu'n pa rin ang reaksyon niya tuwing nag-aaway ang dalawa--pinapanood lamang niya. Tsk! "Kanina mo pa kinokontra ang mga sinasabi ko, nananadya ka ba?" Banta ni Markus. Nabigla naman si Vine sa narinig, "Wow, excuse me, 'wag mo binabalik sa akin 'yung gawain mong ganiyan. From the first place kanina mo pa ako iniinis at kanina ko pa sinusubukang magtimpi para hindi na lumaki pa ang gulo. Pero ma--" "Alam ko na! Bakit 'di na lang tayo magwalis muna, tapos mop, tapos walis ulit. Sa mga gamit naman kanina, piliin natin ang itatapon at mga puwede pang mapakinabangan. Who agree me?" maligaya kong suhestyon habang pinipilit na ngumiti. Pumagitna na ako sapagkat hindi ko na natiis ang kanilang bangayan. Baka dumilim na wala pa matapos o dito pa sila maglaban sa loob at lalong masira ang tirahan. "Who's 'with' me" pagtatama agad ni Vine sa aking balarilang ingles. Teka parang ang layo naman, nasaan ang salitang agree? Kumalas na ang isa't isa sa pagtititigan at kinuha na ni Vine ang tambo at nagsimulang magwalis. Kapag naman medyo nakakarami na siya ay pinapasa niya kay Stella tapos mamaya ay siya naman. Pagkatapos ay kaming kalalakihan naman ang taga-mop. "Make a pattern, hindi 'yung random ka lang mag-mop na pantanad. Look, hindi mo namo-mop lahat." Sita ni Vine kay Markus. "Edi ikaw gumawa!" Sabay ibinalibag ng binata ang hawak. Nakangiti naman itong pinulot ni Vine at ipinagpatuloy ang pagmo-mop, na lalo namang kinainis ni Markus. "Mga lalaki talaga, walang alam na gawaing bahay." Sambit ng dalaga at nakangiting pumunas pa ng pawis sa noo. Sa sobrang gigil ng mga kamao ni Markus ay may tumulong dugo mula sa mga nasugat na palad ng kaniyang kuko. Napansin din ni Vine ang mga patak kaya pinunasan niya lamang ang mga dugo sa sahig at ngumiti pa kay Markus. Pagkatapos ay tumungo kami kuwarto upang ayusin ang sirang kisame. Napansin ko ang pagbuntong hininga ni Vine, "Wala na itong pag-asa. Sa sala tayo matutulog." "Are you sure?" Sabat ni Markus na may mapaglarong tono. Nakipaglaro din ng ngiti si Vine, "Sige nga, kapag hindi mo naayos 'yan, magiging utusan kita." "Mga babae talaga hindi marunong magkumpuni." Ngisi niya. Tanging irap lamang ang naging reaksiyon ng yayaamaning estudyante. "Cryss, Field, let's go." Utos niya sa amin at lumabas upang kumuha ng mga materyales mula sa mga kalikasan sa labas. Nakakuha kami ng dahon ng saging, piniraso-piraso ang iba upang gawing tali. May mga nakuha rin kaming nipa pandagdag sa kisame. Tapos ay mga kawayan bilang pampatibay. Pagkabalik namin ay naabutan naming naglilinis ang dalawang babae sa kusina. Nagsisimula nang lumiwanag ang bilog na buwan habang padilim nang padilin ang paligid. Kahit na sanay ako sa dilim ay nahihirapan pa rin ako makabuwelo sa pagkukumpuni. Maya-maya ay may sumulpot na dilaw na liwanag sa pintuan--si Vine na may hawak na may hawak na lampara. Sinundan ko kung saan ang kaniyang titig at ito ay kay Markus na aktong pinupunasan ang kaniyang noo gamit ang maskuladong braso. Nang inayos niya ang nakasabit niyang hinubad na damit sa braso ay napatingin din ito kay Vine na dahan-dahang ibinababa ang lampara at kumuha muna ng tirang dahon ng saging at bumalik na sa kusina. Napatingin ako sa hubo kong katawan at kinumpara sa kaniya. Ang payat kong tignan. Kung sana lang nakakakain ako ng maayos ay mas may igaganda pa ang aking katawan. Dahil doon ay pinunasan ko ang mga pawis ko gamit ang hinubad na damit at muli na itong sinuot. Dumaan kalahating oras, "Natapos din!" napalakas kong buntong hininga. Kasabay nu'n ay para akong naparalisa sa kakaibang amoy. Ganu'n din ang mga reaksiyon ng mga kasamahan ko at sabay-sabay dumagundong ang aming mga tiyan. "Ang bango!" nasasabik kong ani dahil gutom na ako! Nagmadali akong pumuntang kusina at doon ay naabutan ko sina Vine at Stella na inihahain ang palayok sa mesa. Nang buksan nila ito ay lalong sumingaw ang mabangong aroma ng nilagang saging. Nanlaki ang mga mata ko, "S-saan ka nakakuha ng saging?" "Sa kinuha niyo." Sagot ni Vine. Kasabay nu'n ay nasa likuran ko na sina Field at Markus. Lalong nagsalubong ang aking mga kilay, "Eh, wala namang bunga 'yun, 'di ba?" "That's my special ability every full moon." Napaisip ako. "Every time I was being touched by the excessive moonlight, nagkakaroon ako ng temporary changes sa aking kapangyarihan. Instead of just controling the length and movement of the floras, I can make them fruit in an instant. But of course, it was different from the original because of lack of nutrients as it was only artificial." Kahit na wala ako masyadong naintindihan, ang hinuha ko ay nakakakuha siya ng lakas sa liwanag ng buwan. Umupo na kaming lahat at sinimulang pagsaluhan ang saging. May katabangan nga ito kumpara sa nananakaw ko sa nag-iisang puno ng saging ni Mang Karto. Pero walang nagtangkang magreklamo sapagkat mainam na ito kaysa wala. "Paano ba 'yan, naayos ko ang kisame, I'm now your master." Pumekeng ubo ako bilang hindi pagsang-ayon sa sinabi ni Markus. Siyempre kasama kami ni Field na mang-aalipin sa mga kababaihan at hindi niya dapat sinosolo lamang ang kredito. "Excuse me, wala ka namang nabanggit na kundisyon kapag naayos ko ang kisame. Sa pagkakatanda ko, ako lang ang may kundisyon kapag hindi mo naayos amg kisame." Halos mapatayo si Markus sa narinig, "What?" pagdadabog niya ng kamay sa mesa. Nag-isip muna siya ng ilang segundo bago napapalantik ng dila at binalik ang ayos ng pagkakaupo. Mukhang maging memorya niya na ang nagsabing tama si Vine. Pangisi-ngisi namang binabalatan ni Vine ang pangalawang saging na kakainin niya. "Ngayon, magto-toka ako ng mga gawain para may kaayusan. "At ang sinumang lalabag," matigas na sinuntok ni Markus ang sariling palad, "makakatikim sa akin. Maliwanag?" Tinignan ko ang magiging reaksiyon ni Vine. Nakakunot na kaagad ang kaniyang kilay, "Excuse me? Ako ang babae rito, ako ang mas marunong mamahala sa mga gawaing bahay." Napansin kong nasamid si Stella sa sinabi ni Vine. Hindi ko alam kung sadya ba o nagkataon lamang. Hanggang ngayon kasi ay matamlay at tahimik pa rin siya. "Ako ang lalaki at mas matanda sa'yo, ako dapat ang masunod!" Kahit na si Field ang inatasan ng prinsesa na manguna ay wala man lang itong imik na pinagpapatuloy ang pagkain. Para bang pinapabayaan niya lamang kami sa kagustuhan namin o sadyang wala talaga siyang pakialam kung anong mangyari. Napatayo na si Vine, "So what kung lalaki ka at mas matanda, hindi ka nga marunong mag-mop!" Tumayo na rin si Markus, "Ikaw nga desisyon mo na wala nang pag-asa ang kisame eh madali lang naman ayusin 'yun!" Radam kong pumipitik na ang paligid ng kanang mata ko sa iritasyon. Hindi ko na kayang masaksihan ang pagiging isip bata nila. Tumayo na ako, "Guys, 'wag na kayo magtalo magbotohan na lang tayo!" maligalig kong ani na may masiyahing ekspresyon ng mukha. Napatigil ko nga sila, hanggang sa si Vine na ang sumira sa katahimikan. Napabuntong-hininga ako at nanghihinang umupo. Muntik na 'yun, mabuti na lamang ay kaya kong kontrolin ang emosyon ko. "Sino'ng boto na ako ang magtoka?" Parehong tanong nina Vine at Markus sa kasamahan. "Sinong boto na rotation ang toka para lahat tayo ay mae-experience at mas pair?" "Fair," pagtatama ni Vine. Nakakainis pero kailangan kong matuto. Ang bansang ito, kapag hindi ka marunong mag-ingles ay mamaliitin ang iyong edukasyon. Nagkatinginan sina Field at Stella sabay nagtaas ng kamay bilang pagsang-ayon sa akin. Sabay na nagkrus ng balikat ang dalawang magkaaway bilang pagsuko ba o pagsang-ayon? Pinagmasdan ko ang mga kasamahan ko. Dalawang may isyu pagdating sa pag-uugali. Isang walang kakayahan sa pamumuno. Hinuli ko naman ang tingin kay Stella--balik nanaman ito sa pagkatulala sa sahig. Kung dito palang ay may kaniya-kaniya kaming mga mundo, paano pa kapag binigay na ang misyon. Marahan kong pinitik ang metal na kulyar gamit ang kuko, kailangan ko itong matanggal sa lalong madaling panahon. ][][ MIDNIGHT JAILBIRDS ]mvcabusas[
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD