Kabanata 3: Nightingale

2203 Words
Kabanata 3: Nightingale Crysseo "Seo," tawag ni Papa habang gumuguhit ako sa lupa ng mga letra gamit ang pako. "Kung papipiliin ka, ano'ng pipiliin mo? Ang mabuhay nang matagal na naghihirap o ang mamatay nang maaga na masaya?" "Mabuhay nang matagal kahit naghihirap," sagot ko nang hindi tumitingin sa kaniya, "Okay lang sa akin na maghirap basta kasama ko kayo nina Mama. Wala nang ibang mas masayang bagay para sa akin." Binalik ko na ang tingin ko sa ginagawa ko. "Pa, tama ba ito?" Pagpapakita ko sa nasulat ko. Kinuha niya ang aking kamay at hinayaan ko siyang kontrolin iyon. "Hindi C, kundi K. K-U-Y-A," pagtatama niya. Nanlaki ang mga mata kong humarap sa kaniya. "Papa, gusto ko maging kuya!" Ngumiti siya. Ang ngiting hanggang ngayon ay hindi ko malilimutan. ~ Masakit ang ulo ko nang bumangon. Maging katawan ko ay mabigat. Nagyon lang ulit ako nanaginip ng alaala mula sa nakaraan. Papa . . . Tatayo na sana ako nang napagtanto kong may nakapulupot sa aking pulsuhan. Kumalansing ang mga kadenang nakatali rito nang ilagay ko sa aking harapan. Doon ko rin naramdaman ang malamig na bagay na nakabalot sa aking leeg. Nang hawakan ko ito ay napagtanto kong isa itong metal na kulyar. Napadaing ako sa patuloy na pagkirot ng aking ulo. Nasaan ako? Nilibot ko ang paligid at natagpuan ang sarili na nasa loob ng isang maliit at madilim na kuwarto. Pinilit kong bumangon at sakto namang bumukas ang metal na pintuan. Bumungad ang tatlong kawal na nakasuot ng itim na baluti at inalalayan ako sa paglabas. Hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayari dahil sa sama ng pakiramdam. Nagsimula na kaming maglakad sa pasilyo. Bawat tanglaw na nakakabit sa pader na aming nadadaanan ay umaakit sa aking mga mata. Ito lang ang tanging nagbibigay liwanag sa madilim na kapaligiran. Habang naglalakad sa pasilyo ay napalingon ako kung saan nanggaling ang isang kalabog ng metal. Doon ko lang natuntunan na puro metal na pintuan ang aming nadadaanan sa kaliwa. "N-Nasaan ako?" napabulong ako sa sarili. Hindi ko alam kung masyadong mahina ang boses ko o sadiyang hindi lang nila ako pinansin. Napahawak ako sa sentido dahil sa pagkirot ngunit hindi na ito kasing sakit ng kanina. Nasa harapan na namin ang hagdanan paitaas nang napahinto ako. Napatigil din ang dalawang kawal sa aking tabi. Faye. . . "A-Ang sakit na ng paa ko. Puwede niyo ba akong buhatin?" nanghihina kong pagkasabi habang nakatitig sa hagdanan. "Tiisin mo," malamig na sagot ng nangunguna sa kanila. May rektangulong tsapa ito sa balikat. Kulay abo na may guhit na pula sa gitna. Sa kaniyang baywang naman ay may espada. Mahinhing tinapik ng isang kawal ang aking likod. "Pasensya ka na, ah? Maaari mo pa bang tiisin? Hindi naman iyan gaano kataas saka malapit na rin tayo." Napatingin ako sa kaniyang balikat. Walang pulang guhit ang kaniyang tsapa. Ganu'n din ang isa niyang kasama. Sa espada naman ay lahat sila mayroon. Napatingala ako at napansin ang butas sa kisame na ang taas ay mga nasa tatlong palapag. Napalunok ako ng laway nang ibalik ang atensyon sa hagdanan. "A-Ang ibig ko sabihin, may mas mataas pang hagdanan kumpara dito, hehe," pagpapaliwanag ng kawal. Nababasa niya ba ang isip ko? Nagpatuloy na ako sa paghakbang at ganu'n din sila. Binagsak ko ang sarili sa lupa at hinabol ang hininga nang narating ang huling hagdanan. Sa kaliwa ng pasilyo ay tumatagos na ang sikat ng araw mula sa mga salamin na bintana. Habang sa kanan naman ay mga tanglaw at pintuan. Pumunta sa harapan ko ang kawal at nilahad ang kaniyang kamay. "Unting lakad na lang talaga, malapit na tayo," mahinhin niyang pagkasabi. Napatingin ako sa kasama niyang kawal na simula pa no'n ay wakang imik. Ang nasa unahan naman ay may distansya at hindi lumilingon sa kaniyang likuran. Tinanggap ko ang kaniyang kamay at kumapit sa kaniyang espada. Hindi ako papayag na mabulok sa bilangguan. Buong puwersa ko siyang hinila upang mahulog siya sa hagdanan. Kasabay no'n ay binunot ko ang kaniyang armas. Agad akong nakatakbo at nalagpasan ang opisyal. Nakalapit ako sa bintana at binasag ito gamit ang espada. Nakalikha ako ng butas na kakasya ang ulo. Unti na lang Faye, pabalik na si Kuya! Agad ko itong sinundan ng tatlong magkasunod na hampas at naging sapat ang laki ng butas. Ngunit patalon na ako nang may gumapang na kuryente mula sa aking leeg patungong buong katawan. "Argh!" Sigaw ko mula sa pagkapaso ng aking laman. Pagkatapos ay namanhid ang aking katawan kaya napabagsak ako sa lupa. Pilit akong tumingala upang makita ang liwanag sa butas habang pilit itong inaabot ng aking kamay. "Faye. . ." nanghihina kong ani sa sarili habang sinusubukan pa ring bumangon. Dahandahang kong naririnig ang paghakbang ng metal na sapatos palapit sa akin. Hanggang sa huminto ang opisyal sa aking harapan. "Tayo," utos niya. Sinuko ko ang aking katawan at napayukom. "Sinabi nang 'tayo,'" kalmado pero napakadominante ng kaniyang boses at inapakan niya ang aking kamay. Halos madurog ang aking buto sa pagkaipit ng kaniyang bakal na sapatos kaya napasigaw ako. Tumakbo patungo sa amin ang kawal na kakaakyat lang mula sa pagkahulog sa hagdanan. "Tinyente!" tawag niya hanggang sa tuluyan siyang nakalapit. "Bubuhatin ko na lang po siya." Ilang segundo ang dumaan hanggang sa tinalikuran na kami ng tinyente at nauna nang maglakad. Binuhat na ako ng kawal at inakbay sa kaniya habang inaaalalayan ng kabila niyang kamay ang aking likod. Lumapit na rin ang isa upang maiakbay ko ang kabila kong kamay. Tapos ay nagpatuloy na kami sa paglalakad. "Pasensya ka na, ngunit para ito sa kinabukasan ng ating bayan," sabi ng kawal. Sinubukan kong tanggalin ang pagkakahawak nila sa akin upang makawala ngunit halos wala akong naigalaw. "Faye. . ." nanghihina kong banggit. Nagsimulang bumigat ang aking dibdib at uminit ang mga mata. Hindi ko na rin napigilan ang pagpatak ng luha. Ilang minutong paglalakad ay huminto kami sa tapat ng malaking kahoy na pintuan. Kumatok ang tinyente ng tatlong beses at nagsalita, "Mahal na Prinsesa Akaesya, ang ika-limang Nightingale." Nightingale? Bumukas ang pinto. Napapikit ako dahil inaasahan kong masisilaw ako sa sari-saring pares ng mga mata ng matataas na antas ng tao ang lilingon sa nakahihiyang nilalang katulad ko. Bagkus, ang nakasilaw lamang sa akin ay ang sikat ng araw na nagmumula sa mga mosaik na bintana. Sapagkat mayroon lamang apat na bilanggong katulad ko ang nakaluhod sa tapat ng nakaupong babaeng nakasuot ng sinlaki ng kamaong hikaw, bultuhang kuwintas at singsing--malamang ay siya na ang tinutukoy na prinsesa. Maliban doon ay ang mga kawal lamang ang saksi sa aming paglilitis sapagkat sa bawat haligi na aking nadadaanan ay bakante ang mga upuan. Pagkadating sa harapan ay ibinaba nila ako kasama ng mga bilanggo at kaagaad naman akong nagmanikluhod upang magbigay-galang. Gusto kong makiusap o mambola tulad ng ginagawa ko sa mga kababaihan ngunit naginginig ang mga labi ko at walang lumalabas na boses sa lalamunan ko. "Familiar about 'Nightingale?'" Mula sa pagkakatirapa ng aking noo sa sahig ay inangat ko ang aking katawan upang luhumod na hindi inaalis ang paningin sa ibaba. Nakapanginginig-katawan ang bawat pagbigkas niya ng mga salita. Ganito pala ang pakiramdam na humarap sa isang dugong bughaw. "It's a new group of assassins that had just exposed last year and believed that they are founded two years ago. And seems they are just stick in their mission. They didn't bother to waste their time to us when we failed to protect the governor-general of Sinatra from their execution just two months ago." Napatingin ako sa kasamahan kong babaeng kulay berde ang maalon na buhok. Matalas ito manalita. Hindi ko maisip kung paano siya nagkakaroon ng lakas loob gawin iyon lalo na sa gano'ng hindi magalang na uri ng tono. "So they are yours," dagdag pa niya, "Where are they now?" Tumingin siya ng diretso sa prinsesa at ngumisi ng may pang-iinsulto na para bang nasiraan na ng bait. Humalakhak ang prinsesa na siyang lumamon sa bawat sulok ng silid. Sinulyapan ko ang reaksiyon ng mga kawal sa gilid. Para bang nag-aalanganin sila kung ano ang dapat gawin sa kaniya. Dahil sa simpleng pambabastos sa dugong bughaw ay maaari nang parusahan ng kamatayan lalo na't mga kriminal kami na nararapat lamang mamatay upang pagbayaran ang kasalanan. Tahimik lamang ang lahat hanggang sa natapos siyang tumawa, "Tulad ng inaasahan ko sa estudyante ng Gladiators Institute--matalinong katanungan," sarkastikong aniya. "What do you think, Vine Eskaylor?" Gladiators Institute? Naging estudyante doon ang babaeng ito? Isa itong prestihiyosong eskuwelahan na pinangangasiwaan ng Crown Princess Floresca Van Rensselaer at hindi basta-basta ang nakakapasok dito. Kaya naman ay nanatili na lamang itong pangarap para sa akin na imposibleng makamit. "They died. And we are here to replace them." "Wrong answer," ani prinsesa at tumayo. Nanlaki ang mga mata ng babaeng iyon sa hindi inaasahang marinig. Mahinhing ipinagdikit ng prinsesa ang kaniyang mga palad sa lebel ng baiwang at sumulyap sa bintana, "They are now laying in the lounge under the sunshine: smelling the salty wind and hearing the waves of the sea," napabuntong hininga siya, "Oh, I wish I could do the same." Pagkatapos ay binaling niya ang paningin sa amin. "I also wish you could do the same or you'll be like other who didn't make it alive." "So, ang ibig mo bang sabihin, kapag nakabalik kami ng buhay mula sa misyon ay papalayain mo kami?" Isa namang lalaking may matikas na baritonong boses ang nagtanong. "Precisely, Markus, that's your reward for serving our country." "Serving the country? Are you kidding me? Or serving your 'stomachs?'" muling pagsabat ng babae. Dahan-dahang lumapit ang prinsesa sa kaniya at ibinaba ang postura upang magtapat ang kanilang mga mukha, "You will owe me after," nanlilisk niyang sagot, "Can't you realize why my sister's Institute abandoned you?" Ni hindi man lang nadampian ng takot si Vine at nagawa pang makipagtitigan ng matapang, "Pare-pareho lang kayong mga dugong bughaw!" Isang malakas na sampal ang inabot niya, "This kingdom is a ticking time bomb, thanks to the corrupt individuals from the higher scale of the food chain," aniya at pasarkastikong tumawa. "Every minute is a one step away from falling into anarchy. Because once my mother lost her breath, my sister will wear the crown and that's the end of our nation, " dagdag pa niya habang unti-unting sumeseryoso ang kanyang mukha. Tumayo na siya muli. Kasabay no'n ay muling nagtanong si Markus, "What is our mission?" "You should ask, 'who,'" kaswal na sagot ng prinsesa habang pabalik sa kaniyang upuan. "What do you think of us, a killing machine!?" Halos lahat ay nagulat sa lakas loob na pagtayo at paninigaw ni Markus. Napahinto naman ang prinsesa sa narinig. "Ang lakas ng loob mo sigawan ang kamahalan!" suway ng tinyente na hindi napigilan ang sariling lapitan si Markus upang suntukin. "Tinyente Garison--" pagkagulat naman ng tinawag na Rigel na nais sanang pigilan ang kanilang tinyente. Napihit ang ulo ni Markus sa lakas ng suntok at dumugo ang ilong. Pero agad din nawala ang dugo at inuunat niya lamang ang kaniyang leeg. Kasabay no'n ay muling natawa ang prinsesa. Pagkatapos ay lumingon ito kay Markus na nakangisi, "Ngayon ka pa talaga magmamalinis, Mr. Death Wolf?" Tama ba ang narinig ko? Death Wolf? Isa sa kilalang miyembro ng FATAL Gang o ang Fittest Among the Tortious Atheria Land. Lumingon ako sa kaniya upang suriin kung ano'ng itsura ng Death Wolf dahil kailanman ay hanggang balita lamang ang nalalaman ko mula sa kaniya. Kahit na pang-una ang Death Wolf at nasa dulo ako ng linya ay nasulyapan ko ang reaksiyon niya na pilit itinatago ang galit sa pagpisil ng kamao na nakaposas sa kaniyang likod. Sa sobrang gigil ay nasugat niya ang sariling palad at tumutulo ang mga dugo mula rito. Habang ang mukha naman niya ay natatakpan ng itim niyang buhok dahil nakayuko siya. Pero sa huli ay pinili na lamang niyang lumuhod muli at hindi na pumalag pa. Totoong marami na silang napaslang pero hindi ko rin maisip kung bakit ganiyan ang kaniyang naging reaksiyon. Ibinalik ko ang tingin ko sa sahig, "Ako, kaya ko bang pumaslang?" Pero para sa kapatid ko, hindi ako magdadalawang isip na gawin iyon. Aksidente naman akong napasilip sa katabi kong babaeng kulay itim ang magulong buhok. Kanina pa siya tahimik at hindi kumikibo. Hindi ito mukhang bunga ng pag-iisip ng malalim, kundi para bang wala siya sa kaniyang diwa. Sa sahig na kaniyang tinititigan ay may napansin akong patak ng tubig--hindi, kundi patak ng kaniyang luha. "Sargeant Field," tawag ng prinsesa nang nakaupo na siya. Inaasahan kong ang sagot ay manggagaling sa isa sa mga kawal, ngunit kasamahan ko pala ang tinatawag. "Ano po 'yun, kamahalan," sagot ng lalaking kulay kayumanggi ang buhok. Magalang siya manalita na para bang tapat na manlilingkod ngunit may pagkaseryoso dahil blangko lamang ang kaniyang mukha. Mas matanda siya sa akin ngunit sa tingin ko ay hindi ganu'n kalayo ang agwat ng kaniyang edad sa labing-siyam na gulang ko. "Ikaw na ang bahala sa iyong mga kasamahan." Sa pangyayaring ito ay nagkaroon akong muli ng pag-asa. Ngunit hindi ko na mahihintay ang pagpapalaya ng prinsesa, kailangan kong mag-isip ng paraan upang mas mapaagang makaalis dahil kailangan ako ni Faye. ][] MIDNIGHT JAILBIRDS ]mvcabusas[
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD