Kabanata 2: Paglaho

2507 Words
Kabanata 2: Paglaho Crysseo Pagkalingon ko ay bumungad muli sa akin ang kaninang lumilipad na espada. Nanlaki ang mga mata ko. Kung ganu'n ay isang opisyal ang bumato nito at may kakayahang kumontrol ng metal. Ang tawag sa supernatural na abilidad ng mga tao ay "Razwa." Tanging may ganitong talento lamang ang maaari maging opisyal. Ang Razwa ay napapasa lamang sa dugo at bibihira pa sa miyembro ng pamilya ang nakatatanggap ng ganitong talento. Gumilid ako at inabot ang espada upang alalayan ang direksyon nito papunta sa opisyal at dinagdagan ng puwersa. Dahil sa dobleng bilis ay hindi agad ito nakontrol at naiwasan ng opisyal kaya nadaplisan siya sa braso. Napahawak siya doon upang pigilan ang tumulong dugo. Tapos ay agad na akong tumakbo patungong eskenita at umakyat sa bubong. Pinanood ko ang mga kawal na pumasok sa eskenita upang maghabol sa wala. Nang nakalampas na ang mga ito ay tinawanan ko sila. "Mga lampa!" Tinanggal ko na ang aking talukbong, tinupi, at pinagkasya sa loob ng aking damit. Bumaba na ako at kinuha ang dalawang tinapay mula sa aking bulsa. Napapalatak ako ng dila. Ito lang ang nakuha ko. Ipapasok ko na sa ang mga tinapay nang may lumapit na payat at magalis na aso sa harapan ko. Hirap itong maglakad at pabagsak siyang humiga sa harapan ko. Tapos ay pilit siyang tumingin sa akin habang nakalabas ang dila. Napaiwas ako ng tingin. Pero hindi ko rin mapigilang kunin ang isang tinapay at hinatian siya. Napatayo siya agad ngunit malamya niya itong kinain. Nang naubos niya ay binigay ko na rin ang kalahati. Tapos ay naubos niya ulit ngunit hindi pa rin iyon sapat sa kaniya. Hindi ko na puwede ibigay ang natira dahil kay Faye na iyon. Kung sakaling nahuli rin si Fender ay titiiisin ko na lang ang gutom ngayong umaga. Babawi ako sa tanghali. "Tubig," ani ko sa aso, "Teka lang, pagdadalhan kita ng tubig." Lumapit ako sa basurahang nandito at nakahanap ng lalagyan. Tapos ay tumakbo ako papuntang fountain upang magsalok ng tubig. Ngunit nang nakabalik na ako ay wala na siya. Iniwan ko na lang ang kaniyang inumin kung saan at bumalik na sa ilalim ng tulay. ~ "Pabalik na rin iyon mayamaya!" Naabutan ko sina Fender at Faye na kumakain sa ilalim ng tulay. Siningkitan ko siya ng mata at saktong napatingin siya sa akin. "Oh, ayan na pala ang kuya mo, oh!" Agad tumayo si Faye at dahan-dahang lumapit sa akin. Kahit na wala siyang nakikita ay umunlad naman ang kaniyang pandama. Pero lumapit na rin ako dahil baka mamaya madapa pa siya. Nang nasa harapan na niya ako ay sinalubong niya ako ng yakap. "Kuya, naiintindihan ko naman kung naghahanap ka ng katuwang sa buhay." Napakunot ako ng kilay, "A-anong katuwang?" "Maganda ba siya kuya? Sabi kasi ni kuya Fender natagalan ka raw mamili kasi may kausap kang dalaga." Lalong pumait ang tingin ko sa taksil at sinenyas sa bibig ang mga salitang, "Ano'ng pinagsasabi mo sa kapatid ko?" Sinimangutan lamang niya ako at tinaasan ng balikat. Sa bagay, may punto siya na mas mainam na ang dahilang ito kaysa sabihin ang totoo-- "May atraso ka pa sa akin!" senyas ko sa aking bibig. Ang tinuring kong totoong kaibigan ay pinahamak ako! Tapos, pati ako ninakawan niya! Usapang barbecue, gusto ko na makatikim. Kumalas na si Faye sa yakap. Kaya bumalik na kami ni Faye sa puwesto. Puro kalat ng pinagtusukan ng karne sa paligid. Iyon pa lang ang nakikita ko ay kumukulo na ang akin tiyan. "Pahingi," malamig kong utos. Binigyan naman niya ako ng katakot-takot na tingin--natulala siya habang nagsisilakihan ang mga mata. "A-Akala ko kasi hindi ka na makakabalik?" Malalim akong bumuntong hininga at naupo sa may dingding. Kinuha ko ang natira kong tinapay at kumain nang may malaking sama ng loob. Hinding-hindi na ako makikipagtulungan sa kaniya kahit kailan. "Salamat sa pagkain," aniko sa sarili nang naubos na ang tinapay at tumingin sa labas. Ito ang bayan ng Ginawa, mula sa kaharian ng Flostania, na pinamumunuan ng dugong Van Rensselaer. Sabi nila, kapag may tsaga ay may nilaga. Pero sa mundong ito, walang patutunguhan ang paghihirap mo kapag pinanganak ka nang mahirap. Bakit? Ano bang trabaho ang tatanggap sa mga katulad naming walang pinag-aralan? At paano kami mag-aaral kung ni-pagkain pang-araw-araw ay hindi namin kayang matustusan? Mayroon ding eskuwelahang libre ang pagkain at tulugan. Ngunit ang kuwalipikasyon do'n ay dapat mayroon kang Razwa na magagamot sa pakikipaglaban, at wala kaming gano'ng kapangyarihan ni Faye. Walang ibang hanap-buhay ang naghihintay namin kundi ang pagnanakaw, pang-aaliw, at ang pinakainiiwasan ko--ang pagpatay. Ang pagpatay ang may pinakamalaking pabuya. Ngunit ang kapalit naman no'n ay hindi ka na maaaring makaapak sa Hardin ng Eden. Natatakot akong masunog nang walang hanggang sa Apoy ng Karagatan. Tumayo ako at nagpagpag. Kailangan ko ngayong gumawa ng paraan para sa aming pantanghalian. "Ano'ng ginagawa mo, Cryss? Umupo ka nga," nababagot na sita ni Fender na nakaupo sa likuran ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Baka nakakalimutan niya ang atraso niya sa akin? "Sinisira mo ang magandang view!" dagdag niya kaya napatingin ako sa kung saan siya nakatingin at nakita ang pamilyar na babaeng dumadaan. Napangisi ako, "Michelle pala, ah?" Binalik ko ang tingin kay Fender. Namula ang mukha niya. "P-Pake mo ba. . ." nauutal niyang sagot, "Ikaw nga diyan, matatanda angt hanap." Agad kong tinakpan ang bibig niya bago pa kung ano ang masabi. "Shh!" "C-Cryss?" Napalingon ako sa mahinahong boses ng babae. Nasa harapan na namin si Michelle. "Fender?" nagtataka niyang bati dahil sa posisyon namin. Kinagat ni Fender ang kamay ko kaya agad kong inalis. "Aray ko!" sita ko kay Fender na nakangiti habang nakaharap kay Michelle. "H-Hi, Michelle!" Tss. Torpe. "Nag-iimbita pala si kuya Kiko sa kaniyang handaan. Paalis na kasi siya para mag-aral sa kapital." Nagkatinginan kami ni Fender na naglalaway. "Pagkain," sabay naming bigkas. Bigla naman kaming pinag-untog ni Michelle. "Aalis na ang pinsan ko, pagkain pa rin ang iniisip niyo? Hindi niyo ba siya mami-miss, huh?" Pareho kaming napayuko. "Mami-miss." "Hindi halata, ah," kumento niya, "Osya, una na ako," pamamaalam niya at umalis. Buti naman ay hindi ko na pro-problemahin ang tanghalian namin ni Faye! "Faye!" sabik kong sigaw at nilapitan siya. "Kakain tayo ng marami!" Inaasahan kong maraming bisita si Kuya Kiko pero iilan lang kami. Kadalasan pa ay ang mga kapwa kong nakatira sa langsangan ang kaniyang inimbita. Hawak ko si Faye sa kamay habang lumilinga-linga sa paligid upang hanapin si Kuya Kiko. "Fender, nakita mo na ba si--" Nagulat ako nang nakita ang isang lalaking pulang buhok na nakapila sa hapag kainan. Tumingin ako sa katabi ko at wala na pala si Fender! "Tsk. Si Fender talaga, hindi man lang inalam kung nandito pa ba si Kuya Kiko," kumento ni Michelle na nasa likuran ko na pala. Humarap ako sa kaniya. "Kakaalis lang daw ni Kuya Kiko, sabi ni Mang Karto. Napaaga daw kasi ang sundo. Hindi na natin siya naabutan," sabi niya sa akin at nagkrus ng mga braso saka bumuntong hininga. "Sayang naman." Napatingin na lamang ako kay Faye na may malungkot ding mukha. Binalik ko ang tingin kay Michelle. "Eh, si Mang Karto, nasaan?" "Nagpapahinga muna sa kuwarto. Kaya ako muna ang inatasang magbantay ng bahay." Napatingin siya kay Faye at nag-iskuwat sa kaniyang harapan. Pinisil niya ang pisngi ng kapatid ko. "Faye! Ang kyut mo pa rin! Buti na lang hindi ka katulad ng kuya mo!" "S-Salamat po," nahihiyang tugon ni Faye. Tumayo na si Michelle. "Osya, baka gutom na si Faye, kumain na kayo. Pipila na rin ako," ani Michelle at nauna na. Nginitian ko si Faye. "Tara na, Faye." Tss. Anong pinagsasabi niyang hindi ako kyut tulad ni Faye? Halos pumutok na ang tiyan namin ni Faye dahil sa kabusugan. Napakadami ng pagkain kahit kami lang ang mga bisita. Ang bait talaga ni Kuya Kiko! Si Kuya Kiko ay anak ng masungit na pinuno ng magsasaka. Buti na lang ay hindi siya nagmana doon. Naalala ko noong una kong nakilala si Kuya Kiko. Alas-tres ng umaga ay nagnanakaw ako ng saging dito sa bahay nila. Gising pala siya ng oras na iyon kaya nahuli niya ako. Pero imbes na pagalitan ay nginitian niya lang ako at sinabihang kumuha ako ng marami. At dinamihan ko nga. Kaya naman noong sumapit ang alas-singko ay rinig na sa buong baranggay ang sigaw ni Mang Karto dahil nabawasan na ang kaniyang ititindang saging. Pagkabalik namin ni Faye sa ilalim ng tulay ay naglaro kami ng espadahan. Alam kong gusto ni Faye makipaglaro sa mga bata kanina pero walang gustong makipaglaro sa kaniya dahil sa kaniyang kundisyon. Kahit paano naman ay nasasalag niya ang mga tira ko dahil binabagalan ko lang. Lumipas na ang gabi ay busog pa rin kami. Pero kailangan ko pa rin umalis upang pumunta sa trabaho kaya pinauna ko na siya matulog. ~ "Oh, Cryss! Kanina ka pa hinihintay ng mga costumer mo!" bati ni Reila pagkapasok ko mula sa likod ng bahay-aliwan. Isa siya trabahador dito. Nakasuot siya ng itim na sando kung saan bumabakat ang malaman niyang dibdib. Habang ang pang-ibaba naman niya ay maiksing palda. Ang kaniyang ulo ay may suot na tenga ng koneho. May bitbit siyang tray na naglalaman ng mga kahoy na basong pinunan ng alak. Napakamot na lamang ako ng batok at ngumisi, "Ah, ganu'n ba?" Saglit niyang nilapag sa simentong lababo ang dala at binuksan ang kabinet sa ilalim. "Oh, ito!" hinagis niya sa akin ang itim na sando at itim na boxer. Kaagad ko naman ibinalik ang boxer, "Ayos na ako sa shorts na suot ko." Napatingin siya rito, "Sigurado ka?" Hanggang tuhod ito at mukhang maluwang. Gawa lang ito sa pinagtagpi-tagping tela. Ayaw ko itong palitan dahil si Mama pa ang may gawa nito. "Oo," aniko habang hinuhubad ang damit at sinuot ang binigay niya. Ibinalik niya ang boxer sa kabinet at kinuha na ang tray, "Osya, baka naghihintay na rin ang kostumer ko. Goodluck!" "Goodluck din!" Kinuha ko ang kandila sa may pintuan at humarap sa salamin. May kaitiman ang aking balat kumpara sa iba. Ang buhok ko naman ay kasing putla ng yelo na siyang hindi rin pangkaraniwan. Nagmana kasi ako kay Papa at sinasabi nilang taga-ibang bansa daw talaga si Papa. Inaasar pa ako ng mga kalaro ko noong bata pa ako--lalo na iyang si Fender. Pero habang lumalaki ay naging kaibigan ko rin sila. Buti na lang si Faye ay mukhang normal hindi tulad namin ni Papa. Kay Mama siya nagmana. Sana ako rin. Huminga ako nang malalim at hinawakan ang tapal sa aking kanang mata. Dahan-dahan ko itong binuksan at nakita ang kulay perlas kong mata tulad ng kay Faye. Binaba ko na ang tapal at pumasok. Sa ilalim ng dilaw na liwanag ay sari-saring tawanan at kuwentuhan ang maririnig mula sa mga kostumer. "Cryss!" Napatingin ako sa mesa kung saan may mga matatabang babae. Masisikip ang kanilang suot na damit upang ipakita ang kanilang kutis. Tapos ay pudpod ng pulbos na puti ang kanilang mukha at nakatintang pula ang labi. Pagkalapit ko ay kinuha ko ang kamay ni Bea at dinampian ng labi, "Ano ho iyon, magandang binibini?" romantiko kong pagkaani. Tumili silang tatlo at iyon ang pagkakataon upang umupo na ako. "Ang pogi talaga kapag may halong taga-ibang bansa!" sabi ng may maiksing buhok na si Thea. Pinaniwala ko sila na may lahi akong taga-ibang bansa kaya iba ang aking hitsura. Naramdaman kong may gumagapang na kamay sa aking hita. Hinuli ko agad iyon upang pigilan. Mula iyon sa katabi kong nasa edad 50s na isang binabae o hindi tunay na lalaki. Siya si Mia, na ang tunay na pangalan ay Michael. Napabuntong hininga ako. Muntik na iyon. Nginitian ko siya't kinindatan, "Abs lang puwede." Napanguso siya. Tsk. Lagpas-lagpas pa ang pagpahid niya ng tinta sa labi. "Gusto ko nang mahawakan si Jun-jun!" may pagka-baho ang boses niya sa pambabaeng tono kaya medyo nakakatakot. "Hoy, mare! Madaya ka, ah!" reaksiyon ng nasa harapan ko na si Bea. "Kami rin! Bawal unahan, sabay-sabay dapat!" pahabol din ni Thea. Nananayo na ang likod ko at nagpapawis ang aking likod! "Pasensya na mga mommy, masyado pa akong bata, kailangan ko pang palakihin," mapang-akit kong bulong habang tinataas-baba ang mga kilay. Biglang nahulog ang kutsara ni Bea. "Pakipulot nga..." malabing niyang pakiusap. "Masusunod, binibini." Pagkapulot ko ay bigla niyang binuka ang kaniyang hita. Hindi ko sinasadyang mapasilip-- Pakiramdam ko tinusok ng sampong kutsilyo ang nag-iisa kong mata! Ang hapdi! Umangat na agad ako at inabot ang kutsara sa kaniya. Kinindatan niya pa ako habang tinatanggap iyon, "Salamat." Kahit na hindi ako tumikim ng alak ay nahihilo na ako. Apat na oras kong tiniis ang sitwasyong ito. Hanggang sa sila na lang ang natirang kostumer. Lasing na ang mga kasama ko at mukhang dito na nila balak matulog. Sa totoo lang ay taga-ibang bayan pa sila at ako lang daw ang binibisita nila rito. Antok na ako kaya tumingin hinanap ng aking paningin si Reila at sinenyasan. Nakuha naman niya ang ibig kong sabihin kaya lumapit na siya. "Uhm, mga ginang, magsasara na po kami." Unang nagising si Bea at niyugyog ang mga kasamahan, "Uy, tara na daw! Baka mamaya maabutan tayo ng Deathwolf." "Balita ko pogi daw iyon tapos laging nakahubad kita iyong walong pandesal!" sagot ni Thea sa kaniyal. "Mamamatay tao iyon, loka-loka!" "Kung mamamatay lang din ako sa kaniyang matipunong tingin, okay lang kunin niyo na ako Jembahal!" Napasampal na lang sa mukha si Bea. Sa pagkakaalam ko naman ay dalawang taon na ang nakalipas nang bigla na lamang nahinto sa aktibidad ang kanilang sindikato na F.A.T.A.L. At simula no'n ay wala nang balita sa kanila hanggang ngayon. Saka lang ilang bumangon ang katabi ko, "Ay bitin!" tapos tumingin sa akin, "Uy, Cryss, salamat, ah. Dahil sa'yo nabawasan ang pagdadalamhati naming mga walang nobyo! Hintayin kitang lumaki, ah!" Bumunot siya ng ginto sa kaniyang pitaka at inabot sa akin. Hindi niya na ito nagawang bilangin. Ang isa naman ay isang barya lang ang inabot habang si Rea naman ay buong lalagyan ang naibigay sa akin. Nawala ang antok ko at agad nagpaalam bago pa man niya napagtantong buong pera ang naibigay niya. Dumaan ako sa eskenita habang binibilang ang mga barya sa lagayan. Sa tansya ko ay nasa pitumpu at pandalawang buwanang pagkain na namin ito ni Faye! Isinara ko na ang pitaka at sinabit sa aking shorts. Medyo mabigat ito. Pangalawang punta pa lang nila sa bayang ito tatlong buwan nakalipas. Hindi ko rin alam kung kailan ulit sila babalik kaya kailangan kong tipirin ang kinita nang husto. Para naman ay hindi na palaging sa nakaw ang kinakain ninFaye. Oonga pala. Papainggitin ko ng barbeque si Fender na mula sa sarili kong pinaghirapang pera! Tumingin ako sa kalangitan at nakita ang nga hituin. Napasiko ako paibaba at sumigaw, "Ang suwerte ko talaga!" Palabas na ako ng eskenita nang may panyong tumakip sa aking mukha. Sumakit ang ilong ko dahil sa tapang ng pabango. "Hmm!" sinubukan kong manlaban at pilit pumiglas hanggang sa nawalan na ako ng malay. MIDNIGHT JAILBIRDS: Nightingale ]mvcabusas[
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD