Library Cafe Shop......
"Mire bat ngayon kalang?"
"Pasensya kana... Nani Pasensya kanatalaga"
"Ok lang alam ko unang araw mo ngayon sa school pero kanina tanong ng tanong si Sir kung Dumating kanaba"oongapala
bago ko malimutan sya nga pala si Nani Tulad ko Counter Service din sya....
"Nani dumating naba- oh tamang tama nandito kana...halika"
agad akong sumunod sya naman si Sir Kai sya ang may ari ng Cafe na ito...at sya rin ang personal na nagbabake at nagluluto ng mga food sa cafe na ito...napaka hands on nya sa trabaho nya...oongapala isa pa binata pasya... isa sya sa mga Best of Friend ni kuya....simula namatay magulang namin tinulungan nya si kuya para makapag abroad pati ako para mag karoon ng work kahit part time lang....
pag pasok ko ng kusina isang piece ng cake ang nasa lamesa...
"Oh bagong gawa mo ito Sir?"
"Oo tikman mo kanina pakita inaantay medyo lumamig na nga...."
"ok sige...(Tinikman ko ito) oh Wow napakasarap nito... pakiramdam ko nasa isang palasyo ako habang kumakain nito... tama lang ang tamis nya hindi nakakaumay...ang lambot nya hindi hangin siksik ang laman nito..."
tinigil ko na ang pagkain...
"Oh bat ka tumigil? ubusin mo na para sayo yan talaga....isa pa eto pa...."
inabot nya sakin ang isang box...
"Ano ito?"
"Regalo ko sayo...sige na buksan mo na..."
agad ko itong binuksan ang box at isang nakakasilaw...na silver na relo nakakasilaw kasi makintab sya hehehehe....
"Nag abala kapa....hindi mo naman ako kailangan bigyan ng regalo...pero salamat ang ganda nito...."
"oongapala ingatan mo yan araw araw mo suotin para alam mo lagi ang oras isa pa ok lang na mabasa yan kaya kahit hindi mo na hubadin"
"ehdi ang mahal nito"
"Abay syempre kung bibili nadin naman ako ng relo syempre yung mahal pero matibay"
"paano kanaman nakakasiguro na matibay nga ito...?"
"sabi ng Source ko"
ngumiti nalang ako at sinuot ko na ang Relo...
"Maraming salamat talaga!"
"Pagkatapos mo dyan bumalik kana sa pwesto mo ok...oongapala bago ko malimutan White Gold yan... kaya ingatan mong mabuti yan"
nasamid ako sa sinabi ni Sir.Kai....umalis na sya at sinimulan na nyang asikasuhin ang mga order...hindi naman bago sakin ang pag bibigay nya ngregalo simula palang lagi na nyang ginagawa samin ni Kuya yun...pinapa package panya pa abroad ang mga regalo nya kay kuya...at pag hindi panamin tanggapin mag tatampo sya samin....
agad nakong bumalik sa pwesto ko...
"Kamusta...siguro pinatikim nyadin sayo yung bagong gawa nyang dessert...lahat tayo ginawan nya...napaka bait talaga ni sir.Kai...."
"oo sobrang bait nya talaga"
"Oh...wala kanyan kanina huh!"
napansin ni Nani ang relo sa kamay ko...
"Oh napaka sweet talaga ni Sir. niregaluhan kapa talaga"
"oonga eh hindi ko naman pwedeng tanggihan alam mo na baka mag maktol nanaman yan"
"Sinabi mo pa tulad ng tanggihan ko yung payong na niregalo nya sakin ay grabe isang linggo ako di kinausap kunghindi ko pa kinuha mismo sa kanya yung payong"
natawa nalang kami ng maalala namin ang Childish side ni Sir.Kai...
"Sige Nina linisin kolang yung mga table"
iniwan ko na si Nina sa counter...at lumapit nako sa table kung saan inalisan na ng mga customer....
biglang may umagaw sa mga hawak kong pinag kainan ng customer...
"Ako na gagawa nyan... ayusin mo nalang ang mga Libro"
Onga pala sya naman si Dion... waiter namin... nag iisang waiter namin..fulltime sya dito sa Cafe napaka seryoso nito pag nagtatrabaho pero pag tapos na ang trabaho namin napakakulit at masayahin nitong kasama....
agad ko namang inayos ang mga libro...at bumalik nako sa counter...ilang oras pa ang lumipas nag paalam na si Nina sakin....hanggang 9pm pako dito 5am ang opening nito... at 9pm ang Closing pang 5pm-9pm ako 5hours lang ako ngayon dahil simula na ulit ng Schooling ko.. 4pm ang tapos ng klase namin kaya may 1hour ako para makapag handa sa Trabaho...
Taro POV....
Taro and Koji House.....
"Oh nandyan napala kayong dalwa..."
bati ni mama samin ni Koji....pagpasok namin ng pintuan...
"Hi ma!"
sabay naming bati ni Koji dumaretso nakagad kami pumasok sa kwarto namin at nag palit ng damit...
"Mag mirienda na kayo... oongapala kamusta ang unang Araw nyo sa School...."
"wala namang pagbabago..."
sagot ni Koji na nauna ng makaupo sa lamesa...
"Masaya ma...."
nakangiti kong sagot habang papalabas ng kwarto....
"aba masaya talaga huh!"
"Oo mama marami kagad ako naging kaibigan... atsaka may babae nakong nagugustuhan"
nasamid si Koji sa sinabi ko at umubo ng umubo
"Ano anak....? agad agad ang bilis naman ata"
"Puppy Love lang iyan"
ang sabi ni Koji pagkatapos makainom ng tubig....
"Oonga ma ganun pala iyon...unang beses ko sya makita parang ang bagal bagal ng mga nasa paligid ko...gusto ko lagi nyako na sa tabi.. pakiramdam ko kasi pag wala ako may mangyayari na hindi maganda sakanya"
"Oh na Love at First sight ang anak ko huh ano naman ang pangalan nya?"
"aalis nako ma may pupuntahan lang ako..."
paalam ni Koji..kay mama...
"gagabihin kaba ulit anak? tumawag ka pag gagabihin ka huh!"
"ok ma... sige Taro"
"Ingat ka Koji"
sabi ko sakanya....
"Oonga pala anak mabalik tayo sa usapan natin ano ba ang pangalan nya?"
"Mirella po Junior palang po sya..."
at kinuwento ko kay mama ang lahat ng ng yari sa School...
"anak kelan mo naman dadalhin dito sabahay yang si Mirella?"
"Soon ma wag ka mag alala makikilala modin sya ay oonga pala ma sabi mo laging ginagabi si Koji sapag uwi?"
"oo nag tataka nga ako saan sya nag pupunta pagtinatanong ko sya sagot nya dyan lang daw pero pag tinatanong ko saang dyan hindi nasya sumasagot at papasok na sya sa Kwarto nya sobrang aga nyadin nagigising tuwing umaga...para mag jogging"
"yun pala lagi nyang ginagawa"
biglang nag ring ang Phone ko...unknown number hindi naka register sa phone ko ang number na tumatawag sakin...
"Sino bayang tumatawag anak?"
"Hindi ko kilala ma..."
"Sagotin mo na baka importante yan"
tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa harap ng lamesa at pumunta ako sa may Sofa...at sinagot ko ang phone...
"Hello?!"
"Hello! Taro?"
"Sino ito?"
"Ako to si Zita...buti nalang may number ka kay Art...may hihilingin lang akong Favor ok lang ba?"
"Ok sige ano ba iyon...?"
matapos masabi ni Zita ang sasabihin nya...pinatay ko na ang phone ko...
"Sino iyon anak?"
"Si Zita po...mama kailangan kong pumunta sa Cafe baka gabihin po ako"
"Pero bakit anak?"
"Susunduin ko po si Mirella"
"Oh talaga ok sige mag iingat kalang huh tawag kalang kay Koji pag nag ka problema ka pauwi ay hindi tatawagan ko nalang si Koji para sabihing sabay na kayo umuwi"
"Ok po ma....sige po aalis nako..."
agad akong lumabas ng bahay...at sumakay sa bike....agad Akong nagpunta sa Cafe na sinasabi ni Zita....
"Maari ba na ikaw ang sumundo kay Mirella hindi namin sya magagawang samahan sa pag uwi...hindi pako makaalis ng meeting namin..si Art hanggang ngayon may practice hindi nya pa alam anong oras ang tapos nila...pasensya na pero ok lang ba? naandun sya ngayon sa Library Cafe Shop... a long the high way sya kaya madali syang makita..."
"walang problema ako na bahala..."
"Naku maraming salamat.... maraming maraming salamat talaga..."
at agad na pinatay na ni Zita ang phone hindi ko alam pero na eexcite ako... na makita sya ulit ang bilis ng t***k ng puso ko.....hindi ko man alam ang sasabihin ko sakanya pag nakita ko sya....pero masaya sa pakiramdam....may natatanaw nako... na parang isang library pero cafe sya dahil may mga kumakain dito...
tinigil ko ang bisikleta sa tapat ng Shop na iyon... kailangan ko pa tumawid..nag hanap pako ng pedestrial para makatawid....
"naandito nako (ang bilis parin ng t***k ng puso ko ramdam na ramdam ko ito habang nakahawak ako sa dib dib ko....)"
pumasok nako sa loob winelcome ako ng isang lalaki...
"Good Evening Welcome po"
Goodevening? Tama 6pm pasado na...
agad akong nagpalinga linga.... at hinahanap ko kung nasaan si Mirella...
ayun sya andun sya sa counter...
pero umupo ako...sa part na makikita ko parin sya...kaya pala ang husay nya magbake ganito pala ginagawa nya pagakatapos ng Klase..
kanina pa napapansin ni Dion ang isang laaki na kanina pa nakaupo bukod sa hindi naman ito umoorder lagi pa itong nakatingin kay Mirella kaya nilapitan nya ito...
"Hoy ikaw"
"Ako?"
"Sino paba?"
nagtataka si Taro dahil ang sungit ng Tono ng pananalita nito....
"Stalker kaba?!"
natawa ako sa tanong sakin ng Waiter bakit naman nya naisip na Stalker ako...
"nag kakamali ka hindi ako Staker"
"kung ganun naman pala bakit kanina kapa nakatingin sa kasamahan namin...? stalker kabanya?"
hindi ko tuloy napigilan at lalo akong natawa sa sinasabi nya ....
"Hindi din ang totoo nyan may inaantay ako...at yung inaantay ko ayun sya na sa counter yung kasamahan mo"
sabay turo ko kay Mirella....
"Teka nga Boyfriend kaba nya? wala naman sya nababanggit na boyfriend nya..."
"Ganun ba...hindi panaman sa ngayon..."
naging matalim ang tingin nya sakin...
"Kung wala kadin naman oorderin mabuti pa lumabas kana...bawal tambay dito!"
"Chill kalang sana sinabi mo kagad para umorder ako kanina pa...."
agad akong tumayo at pumunta sa counter....nag iisip ng ma oorder...
Mirella POV.
"Magandang gabi ano po ang Order - "
nakangiti kong bati ng matigilan ako....
"Hi!"
nakangiting bati ni Taro sakin...hindi kaagad ako makasagot...
"Ano bang masarap dyan....?"
Tanong nya pasakin...
"Ahmm ah lahat yan"
yumuko ako ng tumingin sya sakin...tinatago ko ang namumula kong muka...
"hoy Bat namumula ang muka mo dyan"
bati ni Dion sakin na napakaseryoso ng muka...
"Ano!! pinagsasabi mo dyan umalis kanga dito... bat ba naandito ka??!"
agad kong tinulak tulak si Dion..papaalis na nasatabi ko na pala...kainis to binuking ako....
"Eto ang bagay sayo...good for the health yan huwag ka mag alala specialy made for you lang"
napatingin kami ni Dion... si Sir.Kai... ang nag abot ng pagkain kay Taro...ngayon lang namin nakita iyon....
"oh bat nakatingin lang kayo dyan...?"
"Wala po yan sa Menu natin"
nagtataka kong tanong sa kanya...
"oo para sakanya lang yan..."
lalo kaming nagtaka ni Dion...at may ibinulong sakin si Dion...
"Hindi kaya bakla si Sir?"
"Ano ba yang pinag sasabi mo imposible yan"
"Hoy kayong dalawa ano pinag bubulungan nyo dyan..."
"Wala po Sir"
sagot naming dalawa sabay balik na namin sa pwesto namin... at bumalik nadin sa kusina si Sir.Kai...
"magkano ito?"
nagtatakang tanong ni Taro habang kinakapa nya ang busa nya....
"Bago yan kaya wala pa ang presyo nyan dito...wait lang tatanungin ko si Sir?"
"Mirella saglit lang"
pinapalapit ako ni Taro bakit kaya?
ng makalapit na ako nilapit nya ang muka nya at bumulong ng laki mga mata ko at bumilis t***k ng puso ko ng ginawa nya iyon..pero nawala din kagad ng sabihin nyang...
"Wala pala akong dalang pera pano ko mababayaran to"
sabay tawa nya....at kamot sa ulo...
"Ano!!?"
"Pasensya na sa sobrang pagmamadali sa pag punta dito nalimutan kong magdala ng pera"
"Tsk tsk... sabi na kaya nakaupo kalang ang totoo nyan wala ka talagang pera no..."
si Dion nanaman ng aasar ba ito...ano bang ng yayari sa lalaking ito...
"Hoy Dion umalis kanga dito ano bang problema mo? kaibigan ko sya ok huwag mo naman sya ganyanin"
"Sya problema ko!"
sabay alis ni Dion...
"Siguro nagseselos sya kasi parang type ka ni Sir"
"Ano iyon?"
tanong ni Taro..
"Ahh wala lang yun kakausapin ko si Sir.Kai sabihin ko ibawas nalang sa sahod ko yung pagkain mo"
nalungkot ang muka ni Taro....
"hHinditama ito"
"Teka huwag ka malungkot dyan buti pa isipin mo nalang na utang yan pagnakuha mo na yung pera mo bayaran mo nalang ako....ok"
"Talaga!!!"
"oonaman....(Nakangiti kong sagot sakanya)"
hindi pakami tapos mag usap.... hindi ko namalayang nasa likod ko napala si Sir.Kai...
"May nalimutan akong sabihin...libre na yang pagkain mo.. hindi ko hahayaang si Mire ang magbabayad ng pagkain nayan basta sa susunod hindi na dapat yan mauulit"
"Talaga maraming salamat hindi na talaga ito mauulit"
"Mire bigyan mo nasya ng maiinom... yung milktea lang ok...huwag mo sya bibigyanng chocolate at coffee"
bulong ni Sir.Kai Sakin...at umalis sya ulit...at inihanda ko na ang inumin ni Taro...
"Oh eto na inumin mo...libre nadin yan"
"Ok lang ba na hindi ko na ito bayaran?"
"Oonaman..sasama ang loob ni Sir pag tinanggihan mo yung bigay nya...ganyan talaga sya kabait kahit samin ganyan sya..pag may mga bagong gawa sya na pagkain pinapakain nya yun ng libre samin"
"sigurado ka...hindi lang sayo pati ba dun sa masungit nyong waiter"
"oonaman pati sakanya... teka nga maiba ako bat kaba naandito..."
"sinusundo kita...sige dun muna ako"
umalis na si Taro...tama naman pag kakaintindi ko diba sinusundo nya ko...? pero bakit...
"Dion! dito ka muna saglit lang"
agad namang lumapit si Dion...
"May tatawagan lang ako saglit na saglit lang ok!"
agad akong umalis... at sinubukang tawagan si Zita pero out of Reach na sya...kaya bumalik din ako kagad sa pwesto ko...
ng mapatingin ako kay Taro ngumiti pa ito at kumaway...kumuha sya ng libro at nag babasa ito habang kumakain....
lumipas ang maraming oras...
"Mire hindi kaba susunduin nila Zita at Art?"
tanong ni Sir.Kai sakin...
"Kanina ko pa nga kinocontact yung dalwa hindi ko sila ma Contact..."
"Ihahatid kananamin ni Dion"
"Naku huwag napo may nag aantay po sakin"
"Yung alaki ba kanina?"
"Opo..pasensya na Sir."
"ok lang importante may makakasabay ka sa pag uwi mag iingat ka huh!"
"Maraming salamat...sige alis nako"
agad akong tumakbo papalabas ng kitchen kaso bago pako makalabas muntikan nako magdulas..buti nalang may kumapit kagad sa braso ko kaya hindi natuloy ang tuluyan kong pagkadulas...
"Mag iingat kanga...katatapos ko lang mag lampaso kaya medyo madulas pa ang sahig"
seryosong pagpapaalala ni Dion sakin...
"Pasensya kana... nawala kasi sa isip ko..."
sabay pitik ni Dion sa Noo ko...at napakamot tuloy ako sa noo ko...
"Sige na aalis nako ingat nalang"
paalam ko sakanya....
paglabas ko ng Shop...si Taro...nakatayo habang dala nya ang bike nya..at nakangiti sakin...
"Pasensya kana pinag antay pakita"
"ok lang sakin...tara na..."
"teka ang hindi mo ba ako isasakay ng bike?"
"Hindi"
"Eh bat may dala kapang bike hindi mo pala ako isasakay dyan"
natawa si Taro...
"Bakit gusto mo ba isakay kita? Kaso ayoko gusto ko makasabay ka sa pag lalakad... hindi kita makakasama ng matagal at makakausap kung mag bibike tayo pauwi sa inyo gusto ko sulitin ang gabi nakasama ka sa paglalakad..."
namula ang muka ko sa sinabi nya...bat ganun parang ang bilis bilis naman ata..ng mga pangyayari kakikilala ko lang sakanya ngayon tapos heto sya hinahatid nya nako pauwi... kailangan ko ba sya tanungin kung nanliligaw basya? pero napaka imposible naman magustuhan nya ang tulad ko hindi ako bagay sakanya...
"Ahmm -"
"Pwede ba kitang ligawan?"
"Ano!!?"
nagulat ako sa tanong nya at napansin kong namumula ang muka nya kaya hindi sya makatingin sakin...pero magtatanong palang ako sa kanya naunahan na nya ako....dahan dahan syang lumingon at tumingin sakin... tumigil sya sa pag lalakad at inistand nya muna ang bike.. lumapit sya sakin at hinawakan nya ang kamay ko... ngayon daretsyo na syang nakatingin sa mga mata ko...at inulit nya ang sinabi nya kanina....
"pwede ba kita ligawan"
namumula man ang muka nya seryoso parin ang tingin at ang salita nya....
"Bakit?"
tanong ko sa kanya...habang humahangin ng malakas....
"Huh"
"Bakit ako...? ibig kong sabihin paano ko ba sasabihin -"
natigilan ako ng akapin nya ako....at lalo pa iyon humihigpit...kaya napahawak ako sa baywang nya...ang bango nya at ang init nya.....
"Masaya ako pagnakikita at nakakasama kita...alam kong kabaliwan pero ng una palang kitang makita naramdaman ko na ang kakaibang pakiramdam na ito...hindi maganda sa pakiramdam tuwing nakikita kitang nahahawakan ng ibang lalaki..naiinis ako sa hindi ma ipaliwanag na dahilan...kahit saglit lang na hindi kita makita na mimiss nakagad kita....excited ako palagi na makita ka...ayoko sayangin lahat ng pagkakataon...pasensya kana kung medyo mabilis lahat ang pangyayari...dahil sayo pakiramdam ko kakayanin ko lahat... basta kasama kita ok lang sakin kung hindi kapa makasagot ngayon"
unti unti lumuluwag na ang pagkakaakap sakin ni Taro ang weird hindi ko alam ang isasagot ko...pero gusto ko sagutin ang tanong nya mabilis man ang lahat bat hindi ko subukan...
"OO!"
medyo napalakas ata ang sagot ko.....at sobrang pulang pula nadin ako parang takore o bulkan na anytime sasabog....
ngumit sya sakin at inakap nya ko ulit....
"Salamat... maraming salamat...."
hinayaan ko lang sya....at tinapik tapik ko ang likod nya....parang ayoko ng matapos ang gabi na ito....
Taro POV....
"Paano ba iyan...dito ngapala kami nakatira iisang paupahan ito nila Art..."
paliwanag ni Mirella sakin...
"Mire andyan kanapala...Oh sino naman yang kasama mo"
"Magandang gabi po Tito (oongapala Taro sya ngapala ang papa ni Art)"
Bulong ni Mirella sakin...
"Napaka gwapo naman yang kasama mo Mire"
sya siguro ang mama ni Art...
"Oonga po pala Tita... Si Taro ngapo pala.. Classmate po sya ni Art... Taro sila ngapala ang Mama at Papa ni Art si Tita Aira at Tito Troy..."
"Hello po... Ako ngapo pala si Taro Yong"
"Nagagalak kaming makilala ka"
ang sabi ni tito Troy...
"Teka nga kayo bang dalwa eh may relasyon?"
ang Tanong samin ng mama ni Art..
"Naku tita Wala pa po"
sabi ni Mirella sakanila habang umiiling...
"Nanliligaw palang po ako sakanya..."
sagot ko sakinla...
"Aba matapang ka iho...kung ibang lalaki yan hindi kagad aamin...tatanggi pa at mag lilihim...Hindi katulad ng anak namin naku ewan ko ba sa batang iyon napaka Torpe naunahan tuloy sya"
ang sabi ng papa ni Art habang na iling iling....
"Oh Mire kakauwi mo lang ba? Pasensya kana hindi kita nasundo"
"Hindi ok lang..."
"Ano ayus ba sinadya ko talaga na sya ang tawagan para sunduin ka ano may process ba?"
bulong ni Zita kay Mirella... na halos narinig ko din...
"sabi na kaya kanina pakita tinatawagan pero out of reach ka pinatay mo pa talaga ang Cellphone mo"
pasigaw na sagot ni Mirella kay Zita...
"Maraming salamat Taro at sinundo mo sya...."
"Salamat din at hinyaan mong sunduin ko sya"
"Oh sya sa loob na kaya kayo mag kwentuhan..."
Sabi ni Tita Aira samin......
"Taro umuwi kana....Gabi na masyado maaga pa ang pasok mo at baka masyado ka ng gabihin sa daan.. mahirap na"
nag aalalang sabi ni Mirella,
"Sige bukas nalang ulit... sunduin kita ng maaga"
nakangiti kong sabi sakanya...
"ahh ok sige mag iingat ka"
"My Cellphone kaba?"
"Ah oo eto - "
agad kong kinuha ang cellphone sakanya at... sinave ko kagad ang number ko...sa phone nya...at sinubukan ko tawagan ang number ko... para..malaman ko cellphone number nya...pag katapos binalik kodin kagad sakanya...
"Lakad na pumasok kana sa loob nag sipasukan na sila aalis lang ako pag nakita ko ng nasa loob kana ng bahay"
Tumango nalang sya at pumasok na sa loob...
hindi pa ako nakakalayo sa tinutuluyan nila..nasa lubong ko si Art....
"Hinatid ko si Mirella...katatapos lang ng practice?"
"Hindi kanina pa...nagdaan ako sa Pinagtatrabahuan ni Mirella pero huli na ng dumating ako...nakita kita... nakita ko lahat..."
may tono ng pagkakairita ang pakikipag usap sakin ni Art...kaya seryoso akong nakipag usap sakanya....
"Ah yun ba...hindi ko na siguro kailangan mag paliwanag...."
"Kung gagawin mo lang sya pampalipas oras...buti pa tigilan mo na sya..."
"Wala akong balak gawin sakanya iyon"
"pero kakakilala mo palang sakanya huh napaka imposible namang ma inlove kakagad sa una nyong pagkikita"
natawa ako sa sinabi nya pero agad akong sumeryoso....
"Bakit hindi ba maaari yun sa ganun ang ng yari... bakit ikaw.. hindi mo ba naranasan iyon...?"
natahimik sya sa tanong ko...mukang naranasan narin nya yung ganung pakiramdam...
"Pero gusto ko sya!"
"Bakit sakin mo sinasabi yan hindi ba dapat sakanya..? Isa pa wag mo na balakin... dahil wala akong balak na ibigay sya sa iba...sakin lang sya....."
agad ko na syang iniwan... at hindi ko na inantay namakapag salita pasya...
Art POV....
seryoso si Taro ng sabihin nyang.....
"wala akong balak na ibigay sya sa iba... sakin lang sya!"
isa sa mga salita nya na tumatak sakin...matapos nya umalis isang nakakakilabot na pakiramdam ang naramdaman ko... ng mga oras na iyon.. ang itsura nya... ang aura nya... bigla yun nag iba... ng sabihin ko sakanya na gusto ko si Mire....
"Oh Art andyan kanapala"
sigaw ni Mirella sakin habang nasa may bintana sya ng kanyang tunutuluyan...dun talaga namin pinapwesto ng matutuluyan sa Mirella para madali ko lang sya makikita sa Tuwing nasa loob lang sya ng bahay... kinawayan ko lang sya...
"Tita tito nasa labas napo si Art..."
"Oi Art....dali may ikukuwento kami sayo!"
si Zita.. magkasama uli silang dalwa sa kwarto...sabagay lagi nakikitulog si Zita kay Mirella maganda nadin iyon at may kasama sya tuwing gabi.... tutal naman si Zita ay pinsan ko... nasa Probinsya ang magulang nya....
ng matapos ako sapag kain... pinuntahan ako ni Zita at ni Mire para ikwento yung nakita ko kanina....sa totoo lang naiinis ako hindi pasila tapos mag kwento... nag paalam nako sakanila....
"Pasensya na matutulog nako..."
"sige matulog kana... napagod ka panigurado sa training nyo..."
ang sabi ni Mirella sakin kaya... nag daretsyo nako sa Kwarto ko...
"Teka lang Art...hindi ba may dapat kang sabihin sabihin mo na!"
sigaw ni Zita sakin...
"Zita hayaan mo na sya... anong oras nadin matulog na tayo...."
yaya ni Mirella kay Zita.... akala ko ok na ng makapasok nako sa kwarto pero miya miya pumasok si Zita sa kwarto ko hindi ko pala na lock ang pintuan....
"Ano bang ng yayari sayo akala ko ngayon mo sasabihin kay Mirella ang nararamdaman mo.. ano na ang ngyari"
"Satingin ko kasi talo na ako"
"Ano? hindi kapanga nag sisimula... sumusuko kana!"
"Si Taro nakausap ko sya kanina...at sinabi ko sakanya na gusto ko si Mirella..."
"Oh anong sinabi nya?"
"Wala syang balak bitawan si Mirella... ganito pag kakasabi nya... Wala akong balak ibigay sya sa iba sakin lang sya"
"Talaga sinabi nya iyon"
"Wow nasabi nya yun ng walang alinlangan o pagdadalawang isip Ang Cool nya! wala Pinsan ang bagal mo kasi"
"Mukang matindi ang Karibal mo....sige na kailangan mo talaga mag pahinga...."
iniwan nadin ako sa wakas... ni Zita....
Taro POV....
sapag bibike ko pauwi...napansin ko si Koji....
"Taro... sabay na tayo"
"sumakay kana.. dito likod ng bike..."
"Gabi na huh saan kaba galing...?"
"dyan lang bilisan nanatin baka nag aalala na si Mama"
hindi ko na alam anong oras nakami nakauwi..ni Koji... gising padin si mama inaantay kami...
"Pag kauwi.. agad kong Tinext si Mirella..."
(Message)
nasabahay sa nako..tulog kanaba? Kita nalang tayo bukas....
Goodnight....
seen...
Reply..
Buti naman... patulog palang ako.. ok kita nalang tayo bukas...
Love...
Love talaga ang pinangalan ko kay Mire hindi naman nya alam iyon... at natulog nako ng mahimbing...