Chapter 1
Unang Araw sa Eskwelahan Kailangan maaga ako may usapan kasi kami nila Art at Zita..
habang tumatakbo pakilala ko sa inyo ang dalwang ito...
si Art Caponized Senior at Graduating nadin ngayong Taon 19 years Old at isang Soccer Player...
si Zita Pua Junior Classmate at BFF korin, Class President,
silang Dalwa ang nangangalaga sakin si Kuya kasi nasa ibang bansa para magtrabaho at makapag aral ako... Si Mama at Papa.. Kasama na nila si Lord Hindi na nga nagawa ni Kuya Tapusin ang Pag aaral nya sa kolehiyo dahil sa Biglaang Pagkamatay ng Magulang namin..
Bago ko malimutan ako nga pala si Mirella Aspasia. Isang Ordinaryong babae namay mga Astig na Kaibigan..
Sobrang Hingal ko... tumigil muna ako sa tapat ng hagdanan at huminga ng malalim..
"Kaya ko ito!".
nagsimula na ulit ako sa pagtakbo pa akyat ng hagdan..pero sa oras na ito... hindi lang ako ang tumatakbo paakyat sahagdan ang iba ay pababa nagulat nalang ako ng may biglang may makabangga sakin...nanlaki ang mata ko ng mamalayang babagsak ako patalikod at pababa ng hagdan kaya agad kong ipinikit ang mata ko at inaantay nalang ang kung anong mangyayari...
Taro POV.
Ako ngapala si Taro kasama ko ang Identical twin ko na si Koji...
Koji Yong, Sya ang pangalawang na ilabas samin ni mama ibig sabihin ng pangalan nya 2nd son
Taro Yong Pangalan ko ibig sabihin first Born kahit ang pagitan lang namin ay segundo, pero ang palaging sinasabi samin ni Mama ako daw ang bunso at si Koji talaga ang panganay Dahil unang nabuo si Koji bago ako kaya sya ang huling na ilabas at ako ang nauna...
binase nalang ni Papa ang pangalan namin sa kung sino ang una at pangalawang lumabas...
Ngayong araw Papunta nako sa Eskwelahan kung saan nag aaral s Koji.
"Dito kalang Taro bibili lang ako ng makakain natin..."
at umalis na nga si Koji habang inaantay ko sya bumalik.. isang babae na tumatakbo ang napadaan sa harapan ko at tumigil sa harapan ng hagdanan... isang Envelope ang nahulog mula sa bag nya ng nag simula syang tumakbo paakyat ng hagdan..
Agad kong Dinampot ang Envelope at umakyat ako ng hagdan para mahabol ko sya... ng maabutan ko na sya, na bangga sya ng mga Estudyanteng tumatakbo pababa ng Hagdan at babagsak sya buti nalang at nasa likod nya na ako bago pa mang yari yun....
Mirella POV...
napamulat ako ng mata ng mamalayan kong parang hindi ata ako bumabagsak at parang may sinasandalan ako....
"ok kalang Miss?"
nagulat ako ng may magsalita.. kaya agad kong tinignan kung sino ang sumalo sakin..
OMG nanlaki ang mata ko ng makita ko kung sino ang sumalo sakin... Ang Gwapo nya may pagkakahawig sya sa isang kpop idol boy Group sikat international TAMA! malaki pagkakahawig nito kay Jungkook ng BTS. sa Sobrang Lakas ng t***k ng puso ko..Hindi ko na nga maintindihan ang mga sinasabi nya parang ang bagal bagal nyang magsalita...
"Miss? Miss? May masakit ba sayo?"
Pero na pangiti nalang ako... sakanya....at nag pasalamat... tapos nun tumalikod ako at nag kandaripas nako ng takbo... papunta sa Rooftop namin kung saan nag aantay si Zita at Art sakin...
"Anong ng Yari sayo? tulala kadyan.."
Tanong ni Zita sakin... habang nakangiti ako at inaalala ang ng yari kanina...
"Huy Mirella ano nakuha mo ba yung padala sayo ng Kuya mo?"
ang sabi ni Art habang yinuyugyog ako at naging dahilan upang bumalik ako sa katinuan...
"Oongapala yung pera"
agad kong kinalkal ang bag ko pero wala
"Hala saan na punta iyon? Patay ako kay kuya nyan"
"Isipin mong mabuti Girl ay naku umiral nanaman yang ka Clumsyhan mo.."
"Ano tawagan ko naba si Brion at sabihing nawala mo yung pera na pinaghirapan nya"
Pang aasar sakin ni Art...
"Wait lang huwag teka hahanapin ko"
agad akong umalis para hanapin ang pera...bubuksan ko na sana ang pintuan.. pero nauna na itong bumukas..
"Buti nakita kita"
sabi ng lalaki na sumalo sakin kanina...
pero hndi ko ma ibuka ang bibig ko sa gulat ko...kinakabahan ako...
"Mirella Kilala mo?"
tanong ni Zita
"May mga kasama kapala ako ngapala si Taro Yong Bagong lipat lang ako sa School na ito Grade12 na"
"Ay pasensya kana mas matanda kapala samin Senior"
"Mag ka Grade lang pala tayo... Ako nga pala si Art...."
"Ako naman si Zita"
teka na introduce yourself na sila ako hindi pa...
"Ako.. ako nga pala si Mirella Nice to meet you ano anoba ulit pangalan mo?"
"Naku Mirella Makukurot ko yang singit mo"
bulong ni Zita sakin
"Pasensya na..ang gwapo nya kasi tapos kinakausap nya pa ako hindi ko maiwasang kabahan Hindi ko sya masyado marinig nabibingi ako mas malakas pakasi t***k ng puso ko sa boses nya"
bulong ko din sakanya...habang napapangiti at napapakamot sa ulo
"Nice to meet you din..Mirella"
Inabot nya ang kamay sakin...
ano to makikipag kamay paba kailangan paba yun...
"uy Mire sige na sayang ang pagkakataon... makipag kamay kana"
Inabot ko nadin ang kamay ko at nakipag kamay... ganun din ang ginawa nya kay Zita at Art..
"Ano ngapala ang pakay mo may hinahanap kaba?"
Tanong ni Art
"oongapala nalaglag kasi ito ni Mirella kanina ng umakyat sya ng hagdanan"
sabay labas ni Taro ng Envelope...
"Oh, yung pera!"
Gulat kong nasabi
"Naku Mire napaka mo talga maraming salamat Taro.. huh pagpasensyahan mo nadin ang BFF kong ito napaka clumsy kasi nito..."
inabot na ni Taro yung pera sakin...
"salamat talaga....pano koba masusuklian ang pagsauli mo sakin ng pera?"
"Hindi na kailangan.. ay sya ngapala ok kalang ba kasi kanina-"
agad kong tinakpan ang bibig ni Taro sa sasabihin nya naku lagot ako kay kuya pag nasabi nya yung tungkol sa hagdanan...
"Pwede bang satin nalang dalwa yung ng yari sa hagdanan lagot ako sa kuya ko pag nalaman nya ang tungkol dun Please"
Tumango naman sya.. at Ngumiti...
"Hoy Mire.. may pabulong bulong kapa dyan Ayaw molang masumbong sa kuya mo"
"naku wala yun wag kana mag usisa Art Aalis muna kami ililibre ko lang si Good Samaritan Boy Gutom kana Diba ililibre nalang kita ng pagkain ok!"
Habang hinihila ko na si Taro paalis kay Art at Zita....dahil panigurado kukulitin ako ng mga iyon
"Oi Mire ilang minuto nalang simula na ang Klase at saka yung pinabibili namin nabili mo ba?"
Sigaw ni Zita...
"Oo ako pa sige kita nalang tayo sa Room"
"Tara na"
at umalis nakami ni Taro...
"Ano kaya ang ng yari kanina"
natanong ni Zita sa sarili nya...
"Basta isa lang ang alam ko Hindi ko gustong Kasama ni Mire ang lalaking iyon"
"Woh dont tell me na iinsecure ka dahil mas gwapo sya sayo oh hindi kalang sanay na makita si Mire namay kasamang ibang lalaki bukod sayo at kay Brion ayaw pa kasi umamin"
Tumahimik lang si Art...
"Tara Pumasok na tayo"
Taro POV...
Hindi ko alam kung gaano nako katagal nakangiti sa kawalan..naalala ko pa
habang hinihila ako ni Mirella...ng mapansin nyang nakahawak sya sa braso ko...bigla nalang nya ako binitawan..
"Naku pasensya kana..pasenysa kanatalaga"
habang nakayuko nyang sinasabi...at halos natakpan na ng buhok ang muka nya
hinawi ko ang buhok nya at napatingin din sya sakin sawakas...ngumiti ako sakanya..
"hindi mo kailangan humingi ng pasensya"
"yung tungkol ngapala kanina sa hagdan satin nalang huh...si kuya kasi baka higpitan lalo ako baka isumbong ako ni Art tapos pagbawalan nako umakyat sa rooftop yun pamandin ang favorite spot ko dito sa school. buti nalang talaga at nasalikod ko ikaw salamat talaga...ay oongapala eto ako nag luto nyan next time nako babawi sayo...baka malate kapa sa unang klase mo, sabihin mo lang sakin kung may problema sa pagkain sya ngapala maraming salamat din pala sa pag balik ng envelope sakin nakalagay kasi ang buong buwan na panggastos ko dito...."
"basta next time mag iingat kana huh at saka masaya akong nakatulong sayo mabuti nalang hindi ka napahamak kanina sigurado kang ok kalang huh...oonga pala maraming salamat ngapala dito... anobang tawag dito sapagkain na ito?"
"ay yan ba pineapple pie yan ako mismo gumawa at nag bake nyan sana magustuhan mo"
"Aba oonaman salamat din dito..."
"Ahmm sige Taro alis nako salamat ulit"
"Ok sige sana magkita pa tayo ulit.."
Tumango lang sya at umalis na...
Sinimulan ko na tikman ang pineapple pie nabinigay sakin ni Mirella
"Tikman mo Koji napaka sarap nito Hindi sya ganun ka tamis at yung crust nya crunchy pa..yung pineapple pie...fresh din hindi sya galing sa can"
pero bago pa magawang tikman ni Koji ang pie nag simula ng mag Bell ibig sabihin 5minutes nalang mag start na ang klase.....kaya hinati ko nalang ito at ibinigay ko sakanya....
"teka Taro ok lang ba pero sayo ito diba?"
"Ano kaba oonaman saka meron pako dito hati tayo...para matikman mo kung gaano kasarap nito..."
"Taro ok lang ba kung mag isa ka ng pupunta sa Room mo...may gagawin pakasi ako...5minutes nalang mag sisimula na ang klase pasensya kana"
nagpaalam nasakin ang kapatid ko...at umalis nadin ako nag simula nako mag lakad papunta sa Room ko..
"Taro?"
nag mula ang Boses sa likod ko...kaya nilingon ko ito
"Ui Art.."
"Huwag mong sabihin dito ang Room mo?"
"Ahh oo dito nga ikaw ba saan ang room mo?"
"Dito din ako"
"Wow naman buti naman mag kaklase pala tayo akalain mo iyon"
"Sya pumasok na tayo..."
"Sige"
Mirella POV.....
"Mire ngiting ngiti ka dyan huh kamusta naman ang pag sosolo nyo ni Taro"
"Ahh wala nag pasalamat lang ako sakanya at binigay ko sakanya yung baon kong pineapple pie.."
"Alin yung binake mo kanina?"
"oo bibili nalang ako sa canteen mamaya"
"So yun lang ginawa mo binigyan molang sya ng pie at nagpasalamat tapos ngiting ngiti kadyan..."
"kasi...sabi nya sana daw magkita padaw kami ulit"
habang ngiting ngiti kong ikinukwento kay Zita...ang pinag usapan namin
"Ang lalaking iyon pamilyar sakin ang itsura"
"Tama napansin mo din pala iyon halos ang laki ng pag kakahawig nya kay Jungkook ng BTS"
"Ngayong nabanggit mo yan tama ka maypagkakahawig ngasya kay Jungkook..
paalala BFF huwag masyado umasa huh baka masaktan ka sa bandang huli alam mo yung mga ganyang tipo ng lalaki mas type nila yung mga babaeng mala prinsesa ang Itsura, kilos at pananalita. yung babaeng babae Talaga ang kilos pananalita pananamit ganyang ganyan ang tipo ng mga lalaking kasing gwapo nya"
"Grabe ka BFF pamandin kita huwag mo ng ulit ulitin alam kong malabo na magustuhan nya ang tulad ko Hindi ako tulad ng ibang babae na pang Ms.Universe ang ganda huwag mo ng ipag duldulan yun...sa sinabi mo lalo nako nawalan ng kumpiyansa sa sarili ko"
"Sinasabi kolang sayo ang totoo"
"Kaibigan ba talaga kita? hindi mo naman ako kailangan i down"
"oonaman I am your one ang True Friend Sinasabi ko sayo iyon kasi ayoko sa bandang huli masaktan ka,, ayoko nakikitang masaktan ang nagiisa kong sweet na kaibigan.. Clumsy ngalang hindi kaman kasing Ganda ng ibang babae pang Average at Normal lang ang Gandang Meron ka...ahh tama na yun lang masasabi ko baka lumaki payang ulo mo"
"Teka nga Puri ba iyon o Insulto?"
"Both"
"Both?"
naputol ang pag uusap naming dalwa ng pumasok na ang Adviser Teacher namin...at ng mag simula na ang Klase...
LUNCH BREAK
Kasama ko si Zita sa Rooftop inaantay namin si Art.. ako kasi nakatoka sa kakainin namin buti nalang nabili ko na kanina iyon....
"Mire ilabas mo na yung pagkain maya maya naandito na si Art"
"ok...."
habang hinahain kona ang pagkain.. dumating na si Art...
"oh....."
nasabi ni Zita habang sinisiko ako....
kaya napalingon ako...
"Hi!"
sabay kaway ni Taro samin...
ayun nga sa hindi inaasahang pagkakataon mag kaklase si Art at Taro.....
"Akalain mo iyon magkaklase pala kayong dalwa"
Ang sabi ni Zita habang kumakain...
"OO nagulat nangalang ako ng makasabay ko sya pumasok sa room isa pa Henyo pala tong taong ito"
sabi naman ni Art...
"hindi naman..."
nakangiti habang kumakamot ng ulo si Taro....
satotoo nyan hindi ako makapag salita dahil punong puno ang bibig ko ng pagkain isa pa ni hindi ko naisip na makakasabay namin kumain si Taro...
"Huy Dahan dahan lang Mire sapag lamon mo dyan...mabilaukan kadyan"
kasasabi lang ni Zita... hindi nako makahinga mukang nakaharang lahat ng pagkain sa lalamunan ko..."
"T-t-t-t-t-t-u-u-u-big-----"
"Sinasabi na"
habang nag mamadali si Zita sa pag kuha ng tubig.....may nag abot na ng tubig sakin
"Oh inumin mo ito"
Pagkaabot sakin ng tubig agad ko iyong ininom....at medyo masakit pero dahan dahan nawala ang mga pagkain na kanina nakabara sa lalamunan ko...nakahinga nadin ako ng maayos...
"Salamat!"
"ok kanaba?"
napatingin ako... si Taro pala kita sa muka nito ang pag aalala...
"oo ok lang ako wala lang yun no kaba ang takaw ko kasi hehe"
"Ayaw kasi nguyanguyain ang pag kain...bago lunukin"
seryosong sabi ni Art at hindi ngumingiti....
"Ahh excuse me pwede kabang makausap art?"
isang babae ang lumapit samin buti nalang at dumating sya kundi pagagalitan nanaman ako ni Art
"Saglit lang"
Lumayo silang dalwa at parang seryoso ang pinag uusapan nilang dalwa...
"May Girlfriend ba si Art?"
natanong ko kay Zita..
"Imposible yun"
"Anong Imposible tignan mo ang ganda nya"
"Mire huwag mong sabihing hindi mo sya kilala"
"hindi nga"
"Hay naku tong babaeng to bukod samin ni Art at kay Taro wala kanabang ibang kilala"
"Meron yung mga kaklase natin"
napakamot naman ng ulo si Zita sa sagot ko bakit kaya....
ng mag sisimula nako kumain, napansin kong biglang nawala ang pagkain ko.
"Ito kainin mo hinati hati ko na sa maliliit yung pagkain mo para madaling lunukin at hindi kana mabilaukan"
nakangiting inabot sakin ni Taro ang pag kain ko.
"Hindi kana dapat nag abala pang gawin ito"
nakayuko kong sabi kasi baka mahalata nyang namumula ang muka ko..
.
"Ano yan Baby? naku Taro huwag mong pamihasain si Mire sige ka mamimihasa yan"
"Oklang simula ngayon lagi ko natong gagawin sa kanya"
nakangiti pa sya habang sinasabi iyon lalo pang bumilis ang t***k ng puso ko at hindi ko na namalayang matagal napala ako nakatingin sa kanya...kaya inalis ko kagad ang tingin ko ng tumingin sa sakin....OMG anong gagawin ko tatayo bako...
"Taro!"
tinawag ni Art si Taro...
"Maiwan ko muna kayo"
agad na lumapit si Taro kay Art... dahil nakipag kamay si Taro sa babae nakanina kumausap kay Art ibig sabihin pinapakilala ito ni Art sakanya...
"Diba sabi ko sayo huwag ka aasa.."
sabi ni Zita sakin habang nakaakbay sakin...
"Hindi naman ako umaasa HuH!"
napasigaw kong sabi kay Zita....
dahilan para mapalingon si Art at Taro samin...
pero agad na itinalikod ako ni Zita..
"Ano kaba huwag ka mag pahalata masyado... pulang pula na ngayang muka mo...nakuha mo pa atensyon nila ng sumigaw ka"
"Anong gagawin ko sabihin mo sakin Expert kanaman sa ganitong bagay diba...ngayon kolang naramdaman ito gusto ko tumakbo kanina pero hindi ko magawa...Tulungan moko Zita"
"sa ngayon maging natural kalang ano payang nararamdaman mo pilitin mo munang itago...hanggang maaari yang mga lalaki nag tatake advantage yan pag nalaman nilang gusto sila ng isang babae...huwag mo muna ipahalata na gusto mo sya ok"
"Hoy ano bayang pinag uusapan nyo?"
Sigaw ni Art samin...
"Ahh wala iyon"
sabay naming nasabi ni Zita sabay tawa....
si Art lang ang bumalik... si Taro kausap parin ang babae at sabay pa silang umalis...
may kirot akong naramdaman sa puso ko...na nakapag pabago ng mood ko at dahilan para mawala ang pagkamula ng muka ko..
"Mire..Ok kanaba?"
Tanong ni Art sakin sabay... hampas nya sa ulo ko ng kutsara....
"Aray masakit kaya sumbong kita dyan kay kuya"
sabay kamot ko sa ulo ko...
"Sige sumbong mo ako satingin mo ba matatakot mo ako"
sabay himas nya sa ulo ko na pinukpok nya ng kutsara.....
"Topak"
nasabi ko nalang sakanya habang sinimulan ko ulit ang kumain... naiinis naman ako ngayon kasi bat nya kasi kasama yung babae na iyon...
"Oongapala!"
sigaw kong nasabi ng may naalala ako....
"Nakakagulat kanaman biglabigla kanalang sisigaw"
nasabi ni Zita habang hawak ang dibdib nya...
"ano bayun?"
tanong ni Art sakin...
"Babalik ako may kukunin lang ako"
agad akong tumakbo sa hagdan pababa mula sa Rooftop at dumaretso ako ng Locker... bago ako maka liko may nabangga ako na isang estudyante din at agad akong napabagsak pa upo...
"aray!"
ng makita ko din ang ng yari sa nakabangga ko agad akong napatayo....
"Pasensya na ok kalang ba?"
Tanong ko sa kanya habang papalapit ako sa kanya para tulungan syang tumayo pero bigla syang tumayo at pinagpagan nya ang Pants na suot nya na medyo nadumihan sa pagkakaupo nya sa lapag....
"Ok lang ako tumingin ka sa dinadaanan mo sa susunod"
"Ahh oo pasensya kanatalaga"
pero bago ko pa matapos ang sinasabi ko nakaalis napala ito...kaya dumaretso nako sa Locker ko..
napangiti ako ng mabuksan ko na ang locker Freshmilk na nasa boteng katamtaman lang ang laki kasing dami ang laman nito ng isang baso halos araw araw ako nainom nito... agad ko ito ininom at nag iwan ng note...
"Maraming Salamat!"
matapos kong mag iwan ng note bumalik nako sa Rooftop.....
Taro Pov...
Nang matapos na ang Klase at Tanghalian na...lumapit ako kay Art...
"Art kasama mo ba mananghalian sila Mirella at Zita?"
"Oo bakit?"
"Maaari ba akong sumabay sa inyo...?"
"Ok sige"
"Wait lang may kakausapin lang ako..."
agad kong kinuha ang Cellphone ko at tinawagan ko si Koji...
"Hello! Koji Naistorbo ba kita?"
"Hindi naman, patapos nadin ang klase namin"
"Naku sige mamaya nalang nag kaklase papala kayo"
"Ok lang nasa labas nako ng Room ano ba iyon?"
"Pasensya na Mukang hindi ako makakasabay sayo kumain ng pananghalian ngayon... naalala mo yung kinuwento ko sayo kanina?... sila mga kasabay kong kumain ngayon ok lang ba pero kung hindi oklang sakin..."
"Sige lakad sumabay ka sakanila...lagi naman kita kasabay kumain sa bahay...ok lang sakin huwag moko masyado intindihin...."
"salamat Koji salamat talaga"
agad kong pinatay ang Cellphone at sabay nakami ni Art umakyat ng Rooftop..
at duon nakita ko si Mire na busy sa paghahain ng pagkain.....
"Hi!"
nakangiting bati ko sakanila...
nagsimula na kami kumain... at habang kumakain at nag uusap napansin kong subo lang ng subo ng pagkain si Mire ni hindi nya ito nginunguya...
"Huy Dahan dahan lang Mire sapag lamon mo dyan...mabilaukan kadyan"
sita ni Zita kay Mirella pero kakasita lang nya napansin kong nahihirapan na humunga si Mirella kaya agad kong binuksan ang inuman ko ng tubig....
"T-t-t-t-t-t-u-u-u-big-----"
"Oh inumin mo ito"
Inabot ko kagad ang tubig sa kanya at tinapik tapik ko ang likod nya para maging mas maayos ang pag inom nya....
"Salamat!"
"ok kanaba?"
nag aalala kong tanong sakanya at napansin kong namumula ang muka nya....dahil kaya yun sa hindi nasya nakahinga ng maayos kanina... mabuti naman at ok nasya.... habang nag uusap sila kinuha ko kagad ang lagayan ng pagkain ni Mirella at agad kong hiniwa sa maliliit ang mga nanduon para hindi na sya mabilaukan ulit... syempre yung ginamit kong panghiwa eh yung plastic knife lang.
"Ito kainin mo hinati hati ko na sa maliliit yung pagkain mo para madaling lunukin at hindi kana mabilaukan"
sabay abot ng pagkain sakanya
"Hindi kana dapat nag abala pang gawin ito"
nakayuko sya habang nagsasalita...
"Ano yan Baby? naku Taro huwag mong pamihasain si Mire sige ka mamimihasa yan"
Pagbababala sakin ni Zita pero ok lang sakin na gawin ko iyon at masaya ako dun...
"Oklang simula ngayon lagi ko natong gagawin sa kanya"
habang nakangiti akong nakatingin sa kanya......
"Taro!"
tinawag ako ni Art hindi kona pala namalayang hindi nanamin kasama si Art
"Maiwan ko muna kayo"
agad akong lumapit kay Art........
"Taro si Carlyn ngapala sya ang panlaban natin na muse dito sa School"
pakilala ni Art sakin ng babae.....
"nice to meet you"
"naabala ba kita pasensya na kasi gusto lang sana kita ipakilala sa mga kaibigan ko"
"Medyo kasi nasa kalagitnaan kami ng pag kain namin diba Art"
"Ahh oo pero wala namang masama kung magpapakilala ka sakanila"
sagot ni Art sakin....pero napukaw ng atensyon namin kay Mire ng biglang napalakas ang boses hindi ko man ma intindihan kung ano pinag uusapan ni Zita at Mire mukang nag aasaran ang dalwa...
"Saglit lang naman please!"
pagmamakaawa ng babae sakin na si Carlyn....
"Sige na Taro hindi naman kami aalis dun lang kami sa pwesto namin pagtapos na kayo mag usap bumalik kanalang samin"
at agad na umalis na si Art para balikan sila Mirella...
nakita ko pang pinalo ni Art ng kutsara sa ulo si Mirella at pagkatapos hinimas nya pa iyon...
babalik na sana ako pero agad nako hinila ng babaeng ipinakilala sakin ni Art...
pero hindi ko maialis ang tingin ko kala Mirella ipinapakilala napala ako ni Carlyn sa mga kasama nya pero....wala masyado ang atensyon ko sa kanila...lalo na ng makita kong tumatakbo paalis si Mirella.....
"ano kayang ng yari?"
Bulong ko sa sarili ko...
"huh ano yun?"
"Wala anoba yung sinasabi mo?"
"Gusto mo ba na sumama samin...?"
"pasensya na pero kailangan ko ng umalis pasensya na talaga........"
Nagmamadali din ako umalis...
"Oh Carlyn Mukang hindi tumalab ang Charm mo sa lalaki nayun huh?"
"Pinagsasabi mo dyan Kevin..."
"alam nyo marerealise nyadin na tayo dapat ang kasama nya"
paguusap ng mga kaibigan ni Carlyn
agad din namang umalis si Carlyn para sundan si Taro.....
samantalang..........
Mirella POV...
Pabalik nako ng Rooftop at umaakyat nako sa Hagdanan ng mapansin kong parang may nakaharang sa dadaanan ko....ng tignan ko si Taro....
"May problema ba? may ng yari ba sayo?"
"Huh?"
nagtataka ako sa mga tanong nya napakunot ako ng noo habang nakatingin sa kanya.....
"anoba itong ng yayari sakin (sabay hawak ni Taro sa noo nya) ibig kong sabihin bat kangapala biglang umalis"
"Ahh yun pala ibig mong sabihin pasensya na ang hina ko kasi maka pick up hehehe"
"Tumakbo ka kasi kaya akala ko kung ano na ang ng yari"
teka tinitignan nya ba ako? iniwan nya mga kausap nya para sundan ako? oh assuming lang ako baka naman tapos na sila magusap ng makita nya ako pero bakit nyako sinundan?
"yung gatas kasi"
"yung gatas?"
"OO araw araw kasi may naglalagay ng gatas sa Locker ko...araw araw kodin iyon iniinom...nalimutan kong inumin kaninang umaga kaya nag pandalas ako bumaba papunta sa locker kasi baka mapanis yung gatas sayang naman"
"Yun lang pala (nag alala ako sa wala para lang akong sira)"
"Pasensya kana kung pinag alala kita"
"Bakit may - "
"Taro!"
naputol ang sasabihin ni Taro ng may biglang tumawag sa kanya....
"(oh yung magandang babae kanina) ahh sige maiwan ko muna kayo balik nako sa taas huh"
hahakbang nasana ako pataas pero bigla akong hinawakan sa braso ni Taro.....
"Saan ka pupunta? sumama ka sakin"
sa ginawa nyang yun hindi nako nakatanggi ni hindi ko na nagawang mag salita.....at hinayaan ko nalang nahilain nyako....
"Saglit lang"
yun nalang ang huling narinig ko na sinabi ng babae...
"Ahh Taro hindi paba tapos ang usapan nyo ng babae na iyon?"
"Bakit mas gusto mo ba na kausapin ko sya?"
"Hindi Ayoko nga! hindi ang ibig kong sabihin...(Hay ano ba ulit yung sasabihin ko nalimutan kona ano bang klaseng sagot yung nagawa ko....) "
"Naandito na tayo"
"Clinic? bat tayo naandito...?"
nagtataka kong tanong sa kanya....
"Para gamutin yang sugat mo sa braso"
"Sugat sa braso?"
agad kong tinignan ang braso ko.....
"Sus eto ba? gasgas lang ito kalayo layo sa bituka hindi kailngan i clinic pa ito no..."
pero seryoso ang itsura ni Taro.....ng mapatingin ako sakanya.... hindi sya ngumingiti....at nakatitig lang sya sakin....
"Oh sya papagamot ko na"
bigla syang ngumiti at inalalayan nya pako sa pagpasok ng clinic....
habang ginagamot ng nurse ang sugat ko nakipag chikahan pa sakin...
"ano bang ng yari at nagasgasan ka ng ganyan?"
"Tumatakbo po kasi ako papuntang locker hindi ko po kasi akalaing may tao po pala pag liko ko kaya ayun sa sobrang bilis ng takbo ko ang layo din po ng tinalsik ko"
napapakamot ako sa ulo habang kinukwento sa nurse ang ng yari....
"Naku hindi ka natingin sa daanan noh!"
"Parang ganun nanga po kasalanan ko po talaga ang ng yari kaya agad ako humingi ng paumanhin sa nabangga ko"
"Kamusta naman yung nabangga mo?"
"Satingin ko po ok lang sya naka Jacket po kasi sya pero medyo nadumihan ang damit nya"
napansin kong napatingin ang nurse kay Taro at tumingin din sya sakin
"Kayo ba?"
tanong samin ng nurse....na bingi ata ako sa tanong nya hindi ko maintindihan bat nya tinatanong yun....
"Mukang hindi nyo na intindihan ang tanong ko...Boyfriend mo ba sya?"
"Ano? Naku
"Hindi po"
"opo"
"Oh sabay patalaga kayong dalwa.... gets ko na secreto lang ang relasyon nyong dalwa kaya mag kaiba ang sagot nyo ikaw naman sobrang sweet at maalalahanin ang boyfriend mo itatanggi mo pa isapa ang gwapo gwapo nyan dapat nga proud ka"
ano daw? ano bang ng yayari bakit nya sinabi iyon...
"Pero hindi naman po talaga"
"Oh sya ayan tapos na...malinis at nalagyan ko na ng gamot ang sugat...ok nayan oongapala payo ko lang hindi naman masama ang mag mahal... pero kailangang unahin muna ang pag aaral...."
"Maraming salamat po"
sabay hawak ni Taro sa kamay ko... at nag pasalamat din ako .
"Mga kabataan talaga"
napapangiting sabi ni nurse habang minamasdan ang dalwa palabas ng Clinic....
pag kalabas namin ng Clinic sinusubukan kong bumitaw sa kamay nya pero ang higpit ng pagkakahawak nya.....
"Taro yung kamay ko"
pagkasabi ko nun tumingin lang sya sakin...seryoso ang mga mata nya habang nakatingin sakin hindi kona alam kung gaano na kapula ang muka ko at halos mabingi na ako sa t***k ng puso ko..... hindi nyaba alam aatakihin ako sa puso sa ginagawa nyang pagtitig sakin...
"Hindi kita bibitawan baka tumakbo kananaman tignan mo ng yari sayo nasugatan ka pano mo yan ipapaliwanag kay Art..."
yun pala ang dahilan iniisip nya na baka isumbong ako ni Art kay kuya....
"Hindi ko naman ito maitatago kay Art itong sugat... kung sakali na isumbong nya ako kay kuya ako na bahalang magpaliwanag....galos lang ito iba ang kaso nito sa hagdanan kaninang umaga...pagnalaman ni kuya yun paniguradong pagbabawalan na nila ako umakyat dun...ayoko mangyari yun kasi paborito ko yung lugar nayun...nakaka relax kasi ang lakas ng hangin nakakapanatag ng pagiisip"
pero kahit nasabi ko na hindi parin binibitawan ni Taro ang kamay ko 1stHHWW ko ito as in Holding Hands While Walking...hindi ako makapaniwala sa ng yayari...
"Oonga pala kanina yung babae na si Carlyn gusto nya at ng mga kaibigan nya na sumama ako sakanila"
ahh yun pala ang dahilan kaya sya kinakausap...
"ahh ok lang samin kung saan kaba masaya...syempre kaibigan kananamin susuportahan kanamin...huwag mo na masyado isipin kami..kahit sino pa samahan mo walang problema basta huwag mo lang kakalimutan na kaibigan kana namin"
tumigil sya sapag lalakad at medyo lumuwag pero hawak nya padin ang kamay ko, sa totoolang kung pwede lang ayokong matapos yung oras na hawak nya ang kamay ko...
"Ayoko sumama sakanila... ayoko sayangin ang oras at araw ko kasama sila... kung uubusin koman ang panahon ko sayo ko lang gagawin yun"
sabay ngiti nya sakin....
ANODAW?!!!!!!!!!!!!!!!!!!
"ui hindi magandang biro yan (nakangiti kong sinabi sakanya) ... tara na inaantay na tayo ni Zita at ni Art"
sabay bitaw ko sa kamay nya... ako na mismo ang gumawa dahil hindi ko na kinakaya ang ng yayari....mababaliw na ata ako.....
nakarating nadin kami sa rooftop...inis na sinalubong ako ni Zita...
"Ang tagal mo huh saan kaba kasi galing"
"Pasensya na...may ng yari kasi"
"napaano yan?"
tanong ni Art...na agad napalapit sakin at tinignan ang braso ko...
kinuwento ko sakanila ang ngyari bat ako nasugatan at bakit ako natagalan sa pagbalik pero ang tungkol sa pinag usapan namin ni Taro hindi kona kinuwento...nagbibiro lang siguro si Taro masyadong mabilis ang mga pangyayari unang araw palang namin sa School unang beses ko palang naman sya nakita at nakilala...
"Buti nalang Taro at sinundan mo sya"
sabi ni Zita....
"Nag alala kasi ng makita ko sya kanina baka kung anong mangyari sa pagtakbo nya..."
"Naku tama ang ginawa mo Taro.. lagi ngayang nadadapa at natatalisod paano madalas laging nakayuko hindi tumitingin sa dinadaanan.."
"Salamat huh... kahit papano nadagdagan kami na mag aalala lagi sakanya"
sabi ni Art
"Ay Grabe kayo ginagawa nyo naman akong bata.....malaki nako no"
"Ayun na nga eh hindi kana bata nadadapa kapa pag tumatakbo"
sabi ni Zita....
nagsimula na mag bell at bago pumasok sina Art at Taro hinatid muna nila kami sa room namin...
"Mamaya ulit"
sabi ni Taro habang kumakaway.....
"huy kwento kanaman hindi lang iyon ang ng yari kanina no"
pang aasar na tanong ni Zita
"Yun na yun no kaba"
"hindi ako naniniwala sayo sige ganyan kana...nakilala mo lang sya nag lilihim kana sakin.."
"Hindi sa nag lilihim satingin ko kasi hindi naman dapat pa ikwento yun"
"So may iba pangang ng yari?"
kinuwento ko narin sakanya....kung Ano ba ang ng yari kung bakit kami natagalan sa pag balik,..